Prologue

15 1 0
                                        

Habang nakalabas ang aking ulo sa bintana at tila ba'y nilalanghap ko ang malamig na simoy ng hangin na bumabangga sa aking mukha,
Habang akoy napapapikit na lamang at tila ba'y niraramdam ko ang bawat segundong kapayapaang sa oras ng alas kwatro ko lamang natatamasa.
Habang unti unting napapalid ang aking buhok dahil sa ihip ng hangin na para bang hinuhugasan nito ang aking mukha, ay sya ring kaligayahan lamang ang aking nararamdaman , na tila ba'y wala akong iniisip na problema. Kapayapaan at kasiyahan lamang....

Ngunit sa di kalayuan ay may bigla na lamang pumasok na boses sa aking tenga at tila bay inuutusan akong lumipat ng upuan, bigla na lamang akong napadilat at napa upo ng maayos, pero ang sasakyang tahimik nung una ay bigla na lamang nabalot ng tawanan. Tawanan at sigawan ,

-Teka? Anong nangyayari?

At noon pala'y nakita ko ang aking kapatid na nakatayo sa gitna ng bus at tila ba'y sumira sa katahimikang nabuo at bigla na lamang nagpatawa, inaamin kong sa mga oras na ito ay sobrang kagalakan na naman ulit ang aking nararamdaman, habang tinititigan ko ang aking kapatid ay para bang eto na ang huling pagkakataong makikita ko sya...

Ngunit nag iba ang ihip ng hangin nang bigla na lamang nagsigawan ang aming mga kasama, sigaw na hindi dahil sa tuwa, kundi sigaw nang dahil sa takot, sigaw na para bang huling araw mo na.

Nang akoy lumingon sa bandang likod ay siya namang pagka bagsak ng aking kapatid at bigla na lamang tumirik ang bus na aming sinasakyan ,at nang sinubukan kong saluin ang aking kapatid sa pagka hulog niya ay may kung anong bagay na lamang ang tumusok sa aking harapan,
Unti-unti kong nakikita ang pulang likido na dumadaloy patungo sa mukha ng aking kapatid na nasa sahig na walang malay.

Bigla akong napapikit at tila ba'y gusto ko nang magising sa bangungot na ito.....

Ngunit sa aking pagdilat ay nasa isang masulasok, madumi at maitim na lugar na lamang ako.
.
.
.
NASAAN AKO!?

Endless: TR.I.P (Bangtan "BTS" Sonyeondan Casts) Stories to obsess over. Discover now