Nahihiya kasi siya sa ina ni Carmilo na nakita sila sa ganoong ayos. Pero mas lalo siyang nahihiya kung maabutan pa siya ng binata sa kwarto. Hindi pa yata niya kayang harapin ang binata kaya mas pinili niyang lumabas na lamang sa kwarto at tinungo ang kusina.

BIGLANG natigilan si Izabelle nang maabutan ang ina ng binata sa kusina na umiinom ng mainit na kape. Gusto niyang umiwas muna sa ginang dahil nahihiya pa rin siya dito ngunit nakita na siya nito sa pintuan.

​"G-good morning po, pasensya na po kayo at tinanghali na ako ng gising. Masama kasi ang pakiramdam ko," nag-iinit ang mukhang bati niya dito at napayuko.

Napilitan pa siyang magsinungaling na masama ang kanyang pakiramdam dahil tinanghali na siya ng gising.

​"Morning too, hija. C'mon, join me here," alok nito sa kanya at itinuro ang bakanteng silya.

Nakayuko pa ring lumapit siya sa ginang at nakaramdam ng gutom nang malanghap ang masarap na amoy ng tapa at sinangag.

As usual, si Carmilo nanaman ang nagluto tulad nang dati na tuwing gigising siya ay may nakahain ng pagkain sa mesa.

Nakakahiya! Baka isipin nilang napakatamad kong asawa! Kastigo niya sa sarili.

​"Ahm, hija.."

​"P-po?" napaangat siya ng tingin sa ginang.

​"Are you sick?"

​"Huh?" muntik nang mabilaukan na sambit niya at napainom tuloy siya ng tubig dahil sa sinabi ng ginang sa kanya.

​"Napansin ko lang kasi, nang dumating kami dito ng asawa ko ay masama na ang pakiramdam mo at nagsusuka ka sa banyo. Sa loob ng apat na araw na nandito kami ay napapansin ko ring tinatanghali ka na rin ng gising. Posible kayang--"

​"Sandali lang po," agaw niyang hindi mapalagay sa kinauupuan.

Mababad-shot pa yata siya sa magulang ng peke niyang asawa. Kung bakit kasi palagi siyang tinatanghali ng gising 'eh. 'Yun tuloy! Napupuna na ang katamaran niya sa pagbangon.

Well, hindi naman niya masisi ang sarili, kasi masarap naman talagang matulog sa de-aircon na kwarto. Kaya heto siya at natataranta kung ano ang idadahilan niya sa mommy ng binata.

"Ahm..kasi po ano.."

​"Bakit hija?"

​"B-buntis po ako. Tama! Buntis po ako, kaya palaging masama ang pakiramdamam ko," kagat labing sagot niya at napayuko.

​"Sinasabi ko na nga 'eh!" palatak nito sabay tayo sa kinauupuan.

​Kinakabahan namang hindi makatingin si Izabelle na mariing ipinikit pa ang mga mata para hindi makita ang reaksyon ng mommy ng kanyang pekeng asawa.

Nagulat na lamang siya nang maramdaman ang mahigpit na yakap nito sa kanya sabay tawag sa pangalan ng mag-ama nito.

No!

Sigaw ng kanyang utak nang marinig ang boses ni Carmilo na pababa na ng hagdan.

​"Why, Mom? What's wrong?" salubong ang kilay na tanong nito.

​Kagat-labi namang hindi makatingin si Izabelle dito. Mas lalo pa yata siyang mapapahiya sa binata. Hindi lang dahil sa nakitaan siya nito kanina. Kundi pati na rin sa kasinungalingan niya ngayon.

Damn!

Siya na yata ang pinakasinungaling na tao sa balat ng lupa!

​"I told you, buntis ang asawa mo!" Excited itong lumapit sa binata at yumakap din dito.

​"Oh, really?"

​"Yeah! She told me.." turo nito sa kanya.

​Napilitang mag-angat ng mukha si Izabelle at pilit na ngumiti sa binatang nakatingin sa kanya.

"Is it true, honey?" naaamuse na tanong nito.

​Namumula naman ang mukha na muling napayuko siya at sunod-sunod ang ginawa niyang paglunok.

"Y-yes.." Kagat-labing sagot niya.

​"Wow! I'm surprised!" si Carmilo na lumapit sa kanya at niyakap siya sabay halik sa kanyang labi.

​Lihim na napahugot ng hininga si Izabelle at nanlaki ang mga matang napatingin sa binata. "What was that for?" mahinang bulong niya rito.

​"For our child," nakangiting sagot nito at lumingon sa mommy nito. "Mom, magiging lola na kayo," nakangising sambit pa nito sa ina.

"Yeah, hijo. At excited na akong makita ang apo ko!" masayang sagot din nito.

​Mas lalo siyang nalito at hindi alam ang gagawin sa nakitang kasiyahan sa mukha ng mommy ng kanyang pekeng asawa. Nakokonsensya tuloy siya sa kanyang kasinungalingan, lalo na nang malaman din ng daddy ng binata na magiging lolo na daw umano ito.

My Fake Wife (2nd Version) Complete Where stories live. Discover now