Chapter 17

7.1K 90 2
                                    

Aly's POV

"Imbes na magenjoy tayo dito sa palawan, parang magkakasakit pa ata tayo eh." sabi ni ate Jem.

"Oo nga, si Aly kasi eh daming alam." sabi ni Ella sa akin. -___-

"Wow. May sinabi ba akong pumayag kayo?" tanong ko.

"Ah sige, next time nga wag na natin tulungan yan." sabi naman ni Mae.

"Joke lang, kayo naman." sabi ko.

Sinisisi nila ako kasi parang magkakasakit sila. Ako nga tong may ubo saka sipon na eh. Sumasakit pa ulo ko. Haaay. Pero at least, ang saya ko naman.

"Oh, kumain na tayo, may tune up pa kayo laban sa mga players nila dito sa palawan." sabi ni ate Cha.

"Parang tinatamad ako eh." Gretch.

"Oo nga, parang magkakasakit." ate A.

"Gusto ko lang po matulog." Marge.

"Kita mo na Valdez!!" -___-

"Ako na nanaman?" sabi ko at nagtawanan silang lahat.

 "Tama na yan, kumain na nga kayo." saway sa amin ni ate Cha. Binelatan ko naman si Ella.

"Mommy Cha oh!" sabi niya at tinuro ako. Parang bata, ugh.

"Valdez, tumigil ka na."

"What the hell?!" sabi ko. 

"Valdez!" saway sa akin ni ate Cha. Wala naman akong ginagawa ako nga yung inaapi api dito eh. -___- Parang mga bata talaga kami.

Btw ikekwento ko na lang sa inyo yung nangyari kagabi since ayoko namang kumain kasi feeling ko isusuka ko lang.

Medyo may pagkafail, kasi yung bwisit na panahon hindi nakisama sa amin. Mayroon pa nang fireworks eh, tapos yung pinabili kong roses kay ate Cha, nabasa, tapos ang panget na kaya pinatapon ko na lang. Pero at least umoo naman siya sa akin kaya kahit papano hindi nasayang yung lahat ng effort ko.

Flashback 

"Thank you talaga ah." sabi ko sa kanya pagdating namin sa kwarto.

"Pangilang beses mo nang nasabi yan?" sabi niya sa akin.

"Kahit paulit ulit okay lang." sabi ko naman.

"Maligo ka na nga, baka magkasakit ka pa eh.

"Kiss mo na lang ako, para di na magkasakit." sabi ko sa kanya sabay kindat.

"Hmm, ayoko ng ganyan Valdez ha. Ayoko ng PDA, ayoko ng kiss kiss na ganya. Ikikiss lang kita pag tayo na. Saka, nanliligaw ka pa lang kaya. So, yun." sabi niya.

"Ano yun? Rules and regulations?" tanong ko.

"Oo, bakit?" tanong niya pabalik -___-

"Eh kahit naman di pa ako nanliligaw sayo, PDA na tayo tapos kinikiss mo na ako." bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?" tanong niya sa akin.

"Ahh, wala po boss." sabi ko at nginitian ko siya. Totoo yung sinabi ko, kahit bestfriends palang kami, PDA na kami, clingy na kami sa isa't isa tapos kinikiss na rin niya ako. Hahahahaha!

She will be lovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon