Chapter 6

8.3K 113 8
                                    

Chapter 6

Aly's POV

Ano bang problema nun? Sinundan ko siya kasi baka galit sa akin o may problema siya pero sinarhan niya ako ng pinto. -___- Bumwelo ako para banggain yung pinto para mabuksan.

1..2..3..

*bogsh*

Shit! Aray, aww! Ang sakit sa braso. Ang sakit. Hindi pala effective, nasaktan lang ako. Naisip ko naman na may susi pala. -___- Boom tanga! Hahahahahahahaha!

"Hoy Fille, pahiram nga nung extrang susi sa kwarto namin." sigaw ko kay Fille na nasa baba. Nakita ko namang kinuha niya din kaagad.

"Oh!" sabi niya sabay bato sa akin. Ang tamad naman umakyat at ibigay ng maayos.

Binuksan ko naman agad yung pinto at nakita ko siya, tulog. -___- Pero alam nagkukunyari lang tong babaeng to eh. Hindi naman siya ganon kabilis matulog. Daganan ko nalang hahaha!

"Aray! Aly! Anoba?!" sabi niya.

"Ang sungit." sabi ko tapos nagpout ako. Hindi naman niya ako pinansin.

"Kausapin mo ko." sabi ko tapos sinusundot ko siya sa tagiliran. Pero wala pa rin.

"Sige ka, pag di mo ko pinansin..." sabi ko tapos kunwari umiiyak.

"Wag ka nga." sabi niya tapos pinalo niya ako sa braso.

"Magbihis ka, alis tayo." sabi ko.

"Ayoko, galit ako sayo." sabi niya.

"Arte naman, dali naaa." sabi ko tapos hinihila hila ko siya.

"Dun ka sa Bang mo." sabi niya. Uyy, selos ba to hahaha.

"O sige, kami na lang aalis." sabi ko.

"Teka lang! San nanaman tayo pupunta? Wear my nicest dress ulit?!" sabi niya.

"Kahit magbikini ka ngayon, ayos lang. Dali na!" sabi ko.

"Ehhhh." sabi niya. Hay nako, nagpapapilit nanaman to.

Kumuha ako ng T-shirt niya saka maayos ayos na short tapos tinapon ko sa kanya.

"Anong gagawin ko dito?" sabi niya.

"Try mong kainin." sabi ko "Soutin mo malamang!" sabi ko tapos nagshower na ako tapos nagbihis din agad. Nakita ko naman na nakaayos na siya. Sus, pakipot eh hahaha sasama din pala.

"Tara, tara!" sabi ko sabay hila sa kanya. Bumaba na kami agad, at syempre alam kong hindi ako tatantanan nila ate Dzi kaya nagpaalam na ako.

"Ate Dzi! Alis lang kami ha!" sabi ko sabay kindat sa kanila. Alam na nila agad yun. Magmamall lang naman kami, babawi ako. Alam ko kasi na namiss niya ako eh. Yieeee! Ang feeler lang! Pero seryoso, kahit magalit siya basta yun yung dahilan, matutuwa pa ako. Sumakay kami ng kotse.

"San tayo pupunta?" sabi niya.

"Hindi ko alam eh." sabi ko sabay tawa.

"Umayos ka Ly!" sabi niya tapos pinagpapalo ako.

"San mo ba gusto?" sabi ko.

"Seryoso ka?" sabi niya na parang disappointed, kasi ako yung nagpilit sa kanya sumama tapos di ko alam san pupunta.

"Hahahaha, san mo gusto? Glorietta, Megamall, MOA?" sabi ko.

"Greenhills!" sabi niya, ang cute niya talaga. 

She will be lovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon