CHAPTER 23 ** Tom and Jerry **

Start from the beginning
                                    

" Ganyan ka ba talaga sa mga manliligaw mo? Okay lang naman sa akin at least alam ko na hindi mo sila binibigyan ng special treatment. Pero it doesn't mean na mapapasuko mo na ako sa panliligaw ko. Simula pa lang ito ng panliligaw ko sayo Trish. "  - JL

" Anu ba ang hindi mo maintindihan sa word na AYAW? Bakit di nalang ang mga babaeng nahuhumaling sayo ang ligawan mo? Tiyak matutuwa pa sila pag ginawa mo yun sakanila.. " - Humakbang na ako para umalis. Nakailang hakbang palang ako ng mag salita siya ulit.

" Alam mo ba kung bakit ikaw ang nagustuhan ko kahit sobrang taray mo?"- JL

" HINDI AKO INTERESADO! "- Ako

" Sasabihin ko parin sayo. Kasi ikaw lang ang nag iisang babae na hindi natatalaban ng charm ko. Na isa din sa mga qualifications ko sa isang babae. Gusto ko kasi na mahalin ako ng isang babae hindi lang sa pang labas na anyo ko. Alam ko gwapo ako pero gusto ko din madiskubre niya na hindi lang kagwapohan ang meron ako kundi marami pa. " - JL

Sa narinig ko para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang ugali ni JL parang katulad din ng ugali ko ang kaibahan lang ay mataray ako at siya sobrang friendly sa mga babae. Pero tama ba ang narinig ko? Ayaw niya na magustuhan siya ng babae dahil lang sa gwapo siya kundi dahil sa ibang mga katangian niya..

" Alam ko naging mayabang ang dating ko sayo at alam ko na playboy ang tingin mo sa akin. Di ko yun itatanggi pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon na mapatunayan sayo na kahit ang isang playboy na kagaya ko handang magbago para sa babaeng mahal niya. Whether you like it or not liligawan kita hanggang sa tanggapin mo ang pag ibig ko sayo! " - JL

Naglakad na ako, wala naman pala akong choice kasi liligawan at liligawan niya parin ako kahit di ko siya payagan.

" Wala ka man lang bang sasabihin sa akin? " - JL

Aba, at my pahabol pa talaga?!Huminga ako mg malalim at humarap sakanya. Kinalma ko ang sarili ko para di ako magtaray.

" Anu pa ba ang dapat kong sabihin? Nag speech kana at hindi mo naman ako binigyan ng chance na makasagot. Gawin mo ang gusto mong gawin dahil wala akong pakialam. " At tuluyan na akong umalis doon. Kahit napapasmile na ako sa effort niya di ko parin yun pinakita sakanya. Pahihirapan ko muna siya.

Pagdating ko sa room ang iingay ng mga classmates ko. Daig pa nila ang mga tindera sa palengke sa sobrang ingay nila. Alam niyo kung anung ginagawa nila? Ayun nagchichismisan, my nagpapapansin at kung anu anu pang kahampas lupang gawain ang mga pinanggagawa nila. Umupo na ako sa upuan ko alangan sa lamesa diba? Tiningnan ako ni Joshane at syempre di kami close kaya inirapan ko siya.

" Ehem! " - Joshane

" My nakabara ba sa lalamunan mo? Kung maka 'ehem' ka daig mo pa ang minamalat! " Sarcastic kong sabi sakanya..

" K-kasi tatanung ko lang sayo kung gusto mong sumabay sa amin mamayang break time?! " - Joshane

Bobo ba ito o tanga? Pareho na nga lang. Ewan ko ba kung paanu siya naging scholar? Kasi minsan parang di ginagamit ang utak!

" Sabay sabay naman ang break time nating lahat diba?! Bakit mo pa ako tinatanong? Unless kung ngayon kana mag brebreak time malamang di tayo sabay nun. Stupid! " - Di ko nanaman napigilan ang pagtataray ko. Magtatanong lang din naman yung nonsense pa. Uso gumamit ng common sense no?!

" Wag namang ganyan Tricia, gusto ka lang naman maging close namin kaya ka tinatanong ni Joshane! " - Elisa

Sawsaw talaga ang babaeng to, pasalamat sila at magaan ang loob ko sakanila. Di ko na kasi matanggal sa sistema ko ang pagtataray. Kaya deal with it!

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now