Chapter Eight

387 23 0
                                    


Ahhh! Wala! Isa kang malaking drawing, Steven! Napakalaking drawing mo talaga!!!! Iyon sana ang gusto niyang isigaw pero hanggang sa isip lang niya nagagawa. Wala siyang pinagkwentuhan sa kung ano ang nangyari nang ma-discover niyang si Steven at Zac ay iisa. Sinarili niya ang nakakalokang pangyayari. Kahit ang housemate slash bff niyang si Josyl ay walang alam. Sinabi na lang niya na wala siyang Zac na nakita. Iyong mga teddy bear, flowers at balloons lang ang naka-eyeball niya.

Naiinis siya kay Steven. Umasa kasi siya sa huling sinabi nito. Sa pagkakaintindi niya, mag-iisip lang sila sandali pagkatapos ay pipili na siya kung gusto niyang tumandang dalaga o maging sila. Of course 'yung huli ang pipiliin niya.

Pero ilang linggo na ang nakalipas at heto sila, nag-iiwasan pa din. At kung magkasama man ay parehong awkward kaya hindi na lang nag-uusap. Ang akala nina Lowell at Josyl, hindi pa rin sila magkabati dahil sa huling war nila. They both didn't bother to explain them the truth though.

Kasalukuyan siyang nagpipinta ng ikaapat na painting para sa graduation joint exhibit nila ni Steven pero distracted siya. Bigla na lang kasi niyang naalala na naman ang sinabi ni Steven bago sila maghiwalay noong araw na 'yon. You have choices. It's either tumandang dalaga ka o maging tayo.

"Sus, paasa ka lang naman! Hanggang sa salita ka lang naman. Paano magiging tayo kung makaiwas ka ngayon, wagas?" bulong niya sa sarili. "Sinabi ko lang na hindi pa tayo bati, hindi ka na ulit nag-sorry."

She expected some kind of paperback novel twist and turns between them. Iyong tipong hindi na sila mag-aaway at magiging sweet na si Steven sa kanya. Pero knowing Steven... dapat 'yung pagiging nganga na lang nito ang in-expect niya. At least sana, hindi siya disappointed ngayon. Naalala niya kung paano siya nito tinitigan and automatically, her heart skipped. Lalo lang siyang nabuwisit.

She shook her head to clear her minds. Wala siyang magiging output kung panggigigilan niya si Steven na tila wala namang pakialam sa kanya. She went back to her painting. Isang close-up image ng mukha ng isang lalaki na nakatanaw sa isang babae sa di kalayuan ang concept ng painting niya.

Few minutes passed. Akala niya ay mawawaglit na sa isip niya si Steven dahil naka-focus siya sa painting niya. Nagulat na lang siya nang mapansin ang itsura ng ipinipinta. It was exactly Steven's face. "Ay naku, Angel Lou, malala ka na. Kailangan mong baguhin 'yan!" sita niya sa sarili. Dinampot niya ang paint brush at nag-spread ng oil paint sa palette. Ire-remodel na sana niya ang painting, ngunit sa di niya malamang dahilan ay hindi niya magawang ilapat ang paint brush sa image ng mukha ni Steven. She sighed. Her creative mind, talented hands, and her heart made this connivance. Hindi niya kayang mag-deny sa canvass niya. She did miss him and she's hoping that he felt the same thing. Sa huli, binitawan niya ang palette at paint brush. Tinitigan na lang niya ang painting.

"Ikaw naman kasi, Steven. Kung lumalapit ka na lang at mag-sorry uli. Pagkatapos ay sabihin mong mahal mo ako. Eh di sana tapos na itong kabaliwan na 'to." Napailing na lang siya. Malabo pa sa malabung-malabo 'yon. "Sayang... I crush you so much pa naman." She remembered their few sweet moments few months ago and smiled. Crush pa rin niya si Steven kahit anong mangyari. Aba, matinde ka, Angel Lou.

Muli niyang kinuha ang palette at paint brush para maglagay na lang ng final touches sa painting niya. Hindi na niya babaguhin ang mukha ni Steven doon. Kung magtanong ito about sa painting, saka na lang niya iisipin ang idadahilan.

Few minutes more, she's done with the craft. Tinitigan niya ang painting at napangiti. Nagsimula na siyang magligpit ng gamit. Iyon din kasi ang araw ng recording para sa project ni Josyl. Kailangan na niyang maghanda naman para sa pagkanta.

Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Where stories live. Discover now