"Kasi tuwing nakikita ka niya, gusto niya palaging...," iniangat nito ang camera and took a photo of her, "...kumuha ng alaala mula sa'yo."

Dumoble ang pagkabog ng puso niya. She felt some strange thrilling sensation ran over her system just because of what she heard. At lalo siyang kinilig nang maalala niyang may mga stolen shots siya sa camera nito noon. Ah wala, may tama ka na rin Angel! "Lasing ka na ata, Steven."

"No, I know what I'm doing... and saying."

"Wuu, pustahan, ide-deny mo 'yan bukas at aawayin mo lang ako. Kasi lasing ka na."

"No, I'm not!"

"Sige nga, gawin mo 'to." Pinagtripan niya ito. She raised her hand at shoulder level. Pinagdikit niya ang kanyang hintuturo horizontally.

"Sus 'yan lang?"Ginaya siya nito.

Okay pala 'pag may tama ng alak si Steven. Nauuto ko. Hindi ito nang-aaway. Walang violent reaction at nagpapaniwala ito sa kalokohan niya. "Gawin mo 'to above head level parang ganito. Bawal tumingin sa mga kamay ha." Without looking at her hands, she raised her hands both above her head and do the same thing. Madaling ipaglapat ang hintuturo niya dahil hindi naman siya hilo.

Ginaya siya nito. Pero hindi nito mapaglapat ang mga hintuturo. "The hell. Bakit di ko magawa?" He kept himself busy trying.

Tumawa si Angel. Sinamantala niya ang pagkahaling nito sa kalokohan niya. Kinuha niya ang camera nito. She took shots of him and laughed. "Kasi nga may tama ka na."

Inagaw nito ang camera at inilagay sa isang tripod. Pagkatapos ay pumwesto uli ito sa tabi niya. "Gawin nga natin." Pinaglapat nila ang left pointing finger niya at right pointing finger nito creating a horizontal line na nasa shoulder level nila. Then they looked at the camera in wacky pose.

Then they do the same thing above their heads hanggang sa huminto ang 10 continuous shots. Para silang nag-fusion technique, lakas maka-Dragonball Z lang ang peg. He grabbed the camera and looked at the shots and laughed out loud. And Angel was enjoying what she was witnessing. Hindi niya alam na darating din pala sila ni Steven sa ganong sitwasyon. Alak lang pala ang katapat nito para maging mabait sa kanya.

"Steven..."

"What?"Binalingan siya nito.

"Thank you for changing your decision about letting this friendship end. Okay lang na bukas 'pag wala ka ng influence ng alak ay magsungit ka na naman sa akin. At least ngayon, alam ko naman na importante din ako sa'yo."

"Just don't be too stupid with guys and I'll try to be good. Try. But I won't promise." Tumayo ito at may kinuha sa isang drawer. Isang frame iyon na naka-gift wrapped at isang kahon na halos kasing laki din ng frame. Ibinigay nito iyon sa kanya. "I have something for you. Open it."

"Bakit mo ako binibigyan ng gift? Hindi ko pa birthday."

"Open the frame and you'll know it. It's a thank you gift."

Inalis niya ang wrap ng frame. It was a blow up copy of the photo taken for his project. Iyon 'yung photo niya habang nagpipinta.

"It won an international contest and I owe you a lot for being such a good muse."

"Wow! Congrats! Hindi mo naman ako kailangang bigyan ng gift. Kasalanan ko di ba kaya ka umulit ng project."

"Oo nga, pero kung di nangyari 'yon, wala akong panalo. Open the box."

Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Место, где живут истории. Откройте их для себя