"I'm still loyal to that high school first love of mine."

"Sa tingin mo, 'yung high school unknown first love mo na 'yan, loyal din sa'yo?"

Napaisip si Steven. May point si Lowell. Bata pa sila noon. Anong alam nila ng first love niya sa promises, sa commitment, at sa loyalty? Nagkibit-balikat siya. "I don't know. Kung makalimot siya at di magpakita, saka ako mangchi-chicks."

"Good luck, dude. Sana hindi ka pa senior citizen kapag nakapag-decide ka na." Tinapik nito ang balikat niya at umakyat ng hagdan. Sa second floor ang classroom nito. Naiwan siyang naglalakad papunta sa dulong classroom.

ABALA SI ANGEL sa pagba-browse ng Facebook gamit ang laptop niya. Kasalukuyan siyang tumatambay sa food court ng isang mall at nakiki-wifi. Hinahanap niya ang pagkakaalam niyang first love ni Steven... Si Mina. Wala kasing naging epekto ang pagkuha niya ng mga numbers ng mga chicks sa campus. Wala ni isa sa mga girls na nagbigay ng number ang nag-text sa kanya para sabihing tinext sila ni Steven. And that means, walang nagustuhan ang choosy na engkantong 'yon sa binigay niya. She believed that Mina might be the answer to her problem. Baka pag nai-set niya ito ng date kay Mina ay mabawasan na rin sa wakas ang pambabara nito sa kanya.

Finally, after searching friends of her friends, she found the right account. Ang bright ko talaga! Huli ka balbon! She clicked the add a friend button. Teka, i-accept kaya niya e naging kontrabida meme ako sa love story nila ni Steven dati? But the realization was too late, na-add a friend na niya ito.

While waiting for acceptance of friend request, si Lowell naman ang hinanap niya. It was easy to find his account. Nai-search lang niya ito sa friend's list ni Steven na kahit yamot sa kanya ay ka-FB niya. She added Lowell and few seconds lang ay in-accept nito ang friend request.

Ayeeeeee! Kung pwede nga lang magtitili doon nang hindi siya maeeskandalo ay nagawa na niya. Kilig run over her system when chat box popped out. Lowell sent her a chat message.

Hey, Angel of mine, thanks sa add. Saan ka ngayon? Mukhang di busy ah.

Sa imagination niya ay tumbling ten times sa kilig na siya. Naging wala na siyang pakialam sa mundo. May tumabi nga sa kanya pero di niya pinansin kahit bahagya pa siyang nasagi ng bitbit nito. Kinikilig na uminom siya ng milk tea at nag-type ng reply.

Nasa mall ako, nakiki-wifi. Wala kasing tao sa bahay ng tita ko. Hindi naka-on ang wifi nila e may mission to accomplish pa ako.

Anong mission?

Hanapin ang love life ng best friend mo :P

Haha. Bakit ikaw ang naghahanap?

Natigilan siya para mag-isip ng dahilan. Hindi naman niya pwedeng sabihin na ang pagka-crush niya rito ang kanyang dahilan.

Ah basta. Deal namin 'yon. Ikaw kumusta? Anong gawa mo ngayon?

Nag-iisip ng painting concept. Wala pa akong nasisimulan sa project. Ikaw ba?

Doon lang din niya naalala na may project nga pala sila at malapit na rin ang deadline. Magka-klase sila ni Lowell sa isang subject. Isa rin itong pintor tulad niya.

Wala pa rin akong concept. Gusto ko nga sanang magpunta somewhere to paint.

A notification caught her attention. Mina accepted her friend request. "Yes!" pasimpleng hirit niya. Binuksan niya ang chatbox at nag-isip ng pwedeng sabihin dito para mauwi sila sa usapan tungkol kay Steven. Few seconds more, naisip na niya ang sasabihin nang pigilan siyang mag-type ng pakielamerong katabi.

Love Moves in Camera Ways (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon