Darkness no.11: Longing for Blood

Start from the beginning
                                    

"Ano po yun?" Tanong ko kay Mang Bernard.

"Ahmmm nakikita mo yung nasa plastic na nasa lamesa? Pinapahatid pala ni Ma'am Grace sa opisina." Wika nito habang tagaktak ang pawis sa pagluluto. 

Mula naman sa metal na lamesa ay kinuha ako ang naka ready na na chami na nasa styro foam.

"Ahhh sino po palang Ma'am Grace?" Tanong ko.

"Yung seksi na palaging bumibili rito. Request kasi niya na ikaw daw ang maghatid niyan. Baka kakamustahin ka narin nun." Pagsasagi ni Mang Bernard.

 Ahhh naalala kona! Yung babaeng mahilig mag pa cute sa akin rito. Bakit hindi ko kaagad naisip yun?

Kaagad akong nagpunta ng Kabilang kalsada. Nadun kasi ang building ng pinag oopisinahan ni Ma'am Grace. Nasa 9th floor daw siya sabi ni Mang Bernard. 

Malaki ang building na pupuntahan ko. Yari ang lahat sa kakaibang salamin na kulay asul. Mula sa kinatatayuan ko sa labas ay mababasa ang POWER VOICE. Pangalan ng call center nila.

Pagpasok ko sa loob ay isang babae kaagad ang pumuna sa akin. Naka uniporme ito ng kulay asul at naka imbroid sa kanang bahagi ng uniporme nito ang pangalang power voice. 

"Sir sino pong hanap nila. Any appointment or something?" Sabi ng babae.

"Ahhhm pinapa deliver lang ni Ma'am Grace." Sabi ko.

"Ah ok po can you write your name here." Wika ng babae pagkatapos sa aking ibigay ang isang log book. 

Pagkatapos ng autograph singing este pagsulat ng pangalan ko eh nag punta na agad ako sa elevator. 

Isang lalaking inaantok ang nadatnan ko sa loob ng elevator pag pasok ko. Todo ang pag yapos nito sa kanyang sarili. Siya ay naka itim na jacket at nakapikit. Nakatulog na ata.

Pinindot kona ang button kasabay ng pag sara ng pintuan ng elevator. Nang biglang naalala ko na wala pala akong repleksyon!!! Nako patay!

Gawa kasi sa metal ang buong elevator kaya parang salamin ang effect nito sa bawat ding ding.

Bigla akong ninerbiyos. Hinihilang sa bawat segundo na naroon ako na hindi ito mamulat. Pano pag namulat ang lalaking ito at hindi nito makita ang repleksiyon ko. Nakoo sigurado patay ako nito.

Nakatuon lang ako sa may itaas ng elevator. Kasalukuyan na kong nasa 3rd floor. Kung ma fa fast forward ko lang ang oras eh ginawa kona. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa lalaking naka jacket. Buti naman ay todo parin ang pag kaantok niya.

Tuluyan na akong nakarating sa ika pitong palapag. Excited na ako sa pag labas ng pintuan ng bigla namang dumilat ang lalaking yun. Nagulat ako. Inaayos pa niya ang buhok niya ng bigla na siyang mananalamin umano sa naturang elevator. Hala lagottt!!!!

Titingin na sana siya sa harapan ng elevator para manalamin ng bigla kong kinuha ang kanyang atensiyon.

"Ahhh dito po ba kayo ng tatrabaho?" Tanong ko bigla.

Napatingin siya sa akin. "Ahhh hindi!" Suplado nitong sabi.  Nakakatakot ang tinign nito sa akin. Parang may tinatanong siya sa kanyang isipan ng pagsususpetsa?

Halos ilang sigundo rin niya akong tinignan hanggang sa tumunog ang elevator. Hudyat na iyon ng aking paglabas. Sunod kong kilos ay ibinaling ko na ang tingin sa may gitna ng pituan. Umilaw ang numerong otcho sa itaas ng tila kahon na lugar na iyon at agad nakong lumabas pagkabukas. 

Halos kinabahan talaga ako sa mga tingin ng lalaking yon kanina. Pero hindi ang pagtingin ng mga tao ang nasa priority ko ngayon kundi ang mabigay ang pinapadeliver sa akin. Mula sa isang pintuan sa 8th floor ay pumasok ako.

Red Moon (Published Book under LIB)Where stories live. Discover now