El Castilio Resort

1.1K 22 2
                                    


Bakasyon na naman ng panahong iyon. 

Walang pasok. Walang magawa. 

Wala rin ang mga kalaro ko noon na sina Sheryl at Eugene, pareho silang anak ng may-ari ng apartment na inuupahan namin. Medyo pinaglalayo kami ni Eugene ng mga nanay namin dahil napapansin nila na masiyado kaming close at konsintidora naman si Sheryl, ang ate niya dahil gusto din niya ako para sa kapatid niya.

Kung sabagay, 11 years old lang kami noon. Pero wala namang masama sa crush, normal lang na magsimula kami na magka-crush sa mga edad na iyon.

Stuck ako sa kuwarto minsang tanghaling mainit. Pahila-hilata, padapa dapa sa kama habang nagbabasa ng libro. Tinabi ko ang binabasa ko at nag muni-muni. Naalala ko ang sinabi ng lola ko sa akin na talagang inborn na sa akin ang extra sensory kaya ako nakakaranas ng mga paranormal.

Para bang pinap- feel niya sakin na special yung ganun, na dapat huwag ako matakot kundi ay tanggapin ko ito ng buong puso.

Pero hindi ko magawang matuwa sa totoo lang. 

Ayoko.

Hindi ko siya hiniling para sa sarili ko. Ayoko siya maging parte ng buhay ko. Yung iba, gusto. Yung iba nagkukunwari na nakakakita...

Akala siguro nila cool o exciting. Kung may sakit lang ako sa puso malamang inatake na ko sa takot.

Tinamaan ako ng antok. Papakit na sana ako ng pumasok ang nanay ko sa kuwarto ko na nasa good mood.

"Hi anak, mag-bihis ka at mag-baon ka ng pang swimming mo. May outing tayo, biglang nagkayayaan. Punta tayo sa resort kasama sila ate Maricon at ate Rebecca mo. Kasama nila mga anak nila para may kalaro ka din."

"Ok po." 

Nag-impake ako ng ilang damit at pang swimming, excited na ko umalis. Sandali lang ay ready na 'ko, bumaba ako sa sala...busy ang nanay ko sa paghahanda sa outing. Pagkatapos ko tumulong ng konti ay lumabas muna ako para magpahangin. 

Pabalik-balik ako sa loob ng bahay, inip na ko at gusto ko na umalis.

"Mommy anong oras tayo alis?"

"Teka lang anak, nagpapahintay si ate Rebecca mo kasi. May dala silang sasakyan, susunduin nila tayo."

Mga ilang oras na ang lumipas at humupa na ang pagiging excited ko. Napalitan na ng pagka inip. Pagabi na at wala pa din ang mga hinihintay namin. Sa inip ko naka idlip ako sa sala.

"Anak. Anak, tara na andito na sila." tinapik ako ng nanay ko.

Bumangon ako at napa tingin sa oras. 7:45 P.M.

"Mommy gabi na, hindi na masaya maligo. Madilim at malamig."

"Sus, e di night swimming kayo. Kami mag-iinuman at swimming pa din. May ilaw naman yung pool."

Wala akong imik na umakyat sa itaas para kunin ang gamit ko.

"Ayen, bilis!" Sigaw ng nanay ko.

"Andiyan na po!" 

Nagmadali na ko bumaba habang pinapatay ng nanay ko ang mga ilaw sa bahay.


Inantay ko ang nanay ko matapos mag-lock ng pinto, sabay kami na pumasok sa sasakyan. May isa pang sasakyan ang nakasunod kung saan nandoon ang isa pang kaibigan ni mommy.

"Hi Ayen! Aba nagdadalaga na si Ayen! Parang kailan lang buhat-buhat lang kita! Naku baka may boyfriend ka na ha!" Ika ng kaibigan ng nanay ko na si ate Rebecca.

"Wala po akong boyfriend."

"Andoon anak ko sa isang koche kaso puno na sila doon, gusto kasi makasama yung mga anak ni tita Maricon mo maiinip daw siya dito."

Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon