Insinuation

1.9K 19 3
                                    


Summer vacation.

Magiging grade 5 na 'ko sa susunod na enrollment noong taon na iyon.

Excited ako sa bakasyon maraming oras para maglaro, manuod ng cartoons, magpuyat at mag drawing.

Mahilig ako mag drawing ng swans dahil doon lang ako magaling mag-drawing kaya yun lang ang kaya ko ipagmalaki sa mga drawings ko. Halos laging couple na swans ang drawing ko at hindi ako nagsasawa. Palaging love ang theme ng mga swans ko sa iba't ibang mga setting ng background. Napaka inosente at cute ng mga drawing ko na halos mala Sanrio ang dating kaya nag e-enjoy naman ako dahil napupuri ang gawa ko at nagpapa drawing din ang ibang kaibigan ko. 

Binilihan ako ng bagong color pencils ng nanay ko kaya tahimik na naman ang mundo ko sa kuwarto, hindi na naman ako maawat sa pag guhit. May mga oras na habang gumuguhit ako, napapa tingin ako sa likuran ko, feeling ko may naka dungaw mula sa likod ko at pinanonood ako mag-drawing pero wala naman akong nakikita.

Minsan....kami lang ng yaya ko ang naiwan sa apartment. Nasa kabilang kuwarto ang yaya ko nakatulog habang nanonood ng T.V. at ako naman ay busy sa drawings ko...

Puro swans, 

puro swans...

>>>PRESS PLAY>>


Habang nag do-drawing, nakaramdam ako ng antok na hindi ko maintindihan na para akong nanlalambot at nabablanko ang isip ko pero ang kamay ko patuloy na gumuguhit, para bang may ibang kamay ang nakahawak sa kamay ko at inaalalayan ako sa pag-drawing. Unti-unti akong nalagay sa parang trance, hindi ko na alam ano dino-drawing ko at parang yung kamay ko ang may biglang sariling isip. 

Hindi ko masiyado matandaan lahat ng detalye, para akong nananaginip na ewan pero alam ko na nag d-drawing ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Hindi ko masiyado matandaan lahat ng detalye, para akong nananaginip na ewan pero alam ko na nag d-drawing ako. Para akong nananaginip ng gising. Huminto ang kamay ko, nawala yung antok ko at nahimasmasan ako. Na-shock ako ng mapatingin ako sa papel at nagtaka sa drawing ko. Napaka unusual at taboo.

Sa drawing ko, may babae na naka hubad at may anghel na may itim na pakpak ang nasa ibabaw niya, very intimate sila tignan.

Kilala ko ang sarili ko, hindi ako makakapag drawing ng something na masiyadong sensual at mga tao pa. Ang layo sa cute na mga swans ko at inosenteng bata lang ako na hindi naman nakakakita ng pornographic materials. Ang layo ng isip ko sa ganung bagay dahil isa lang akong bata na walang interes kundi manuod ng cartoons, maglaro at mag-drawing.

Disturbing para sakin ang drawing ko, halos hindi ako makapaniwala na ako gumawa nun. Natakot din ako dahil feeling ko isang napakalaking kasalanan noon at hindi siya tama kaya dali-dali kong pinagpupunit yung drawing. Hindi ko maintindihan bakit sa lahat ng drawing, iyon pa ang naidrawing ko. Bothered ako sobra at wala akong mapag-sabihan na kahit sino dahil takot ako na isipan ako ng masama at napaka-taboo ng drawing for my age.

Ang weird sobra. 

Ngayong adulto na 'ko, naging malinaw sa akin kung ano ang misteryo sa ala-ala na iyon dahil sa ilang iba pang mga nangyari na connected at paranormal experiences ko na hindi ko makakalimutan kailan man.

Minsan na nasa school library ako, kumuha ako ng libro sa art section at nagtitingin ng mga renaissance painters at mga art nila. May nakita ako na painting na may anghel pero itim ang pakpak. Bumalik sa akin ang guilt at kinabahan ako dahil naalala ko ang drawing ko. Sinara ko ang libro at binalik ito sa shelf. 

Habang naghihintay ng sundo, nakaupo ako sa isang bakanteng bench. Ang school ko na iyon ay may kumbento ng mga madre, all girls Catholic school siya. May madre na lumapit sa akin at tinanong ako kung nasaan na ang sundo ko dahil pasado alas singko na ng hapon. 

"Kawawa ka naman wala pa ang sundo mo. Padating na iyon, hintayin mo lang. Gusto mo samahan muna kita habang hinihintay natin yung sundo mo?" Naka ngiti siyang umupo sa tabi ko.

"Sister, puwede po ba ako magtanong sa inyo?"

"Anong question mo iha?"

"Bakit po may angel na itim yung wings?"

"Ah. Dati silang anghel, ang tawag doon fallen angel. Hindi na sila mabuting anghel, sa bible...basahin mo ang Genesis chapter 6:1-3. Lumabag sila sa batas ng diyos at nagsipag-asawa ng mga babae."

"Bakit po hindi sila puwede mag asawa ng tao?"

Tumawa ang madre. 

"Kasi hindi sila nilikha para sa tao, sakdal sila at banal. Nilikha sila para manirahan sa langit at magsilbi sa diyos. Hindi sila maaring magkaron ng makalaman na pagnanasa sa tao. Naku, maiintindihan mo yan balang araw, masiyado ka pang bata para maunawaan mo lahat ito."

Tumayo ang madre pinatong ang palad sa ulo ko.

"Sige, mauuna na ko."

Lumakad palayo ang madre, sinundan ko siya ng tingin. Nang malayo-layo na siya lumigon siya sa akin at ngumiti. 


"Ayen!"

Narinig ko na tinawag na ko ng sundo ko. Tumayo na ko para salubungin siya pero naalala ko na may kailangan ako isulat bago ko makalimutan, dali-dali ako humugot ng notebook at lapis sa bag ko para isulat yung bible text na nabanggit ni sister.

"Sorry Ayen, inutusan pa ko ng uncle mo kasi kaya natagalan ako. Anong sinusulat mo jan? Tara na at magluluto pa ko ng hapunan!" Ika ni yaya.

*To be continued*...

Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon