Siyete

1.5K 20 1
                                    


Isa pang ala-ala noong bata pa ako, inis na inis ako sa yaya at lola ko tuwing pinapatulog ako ng 3 P.M. kahit hindi naman ako inaantok. Gusto ko lang mangapit-bahay at makipaglaro sa mga kaibigan ko kaso napapalo ako kapag matigas ang ulo kaya no choice kung hindi pilitin ko sarili ko na humiga at matulog kasama ng yaya sa kuwarto.

Pagkagising, wala na madalas si yaya sa tabi at mag-isa na lang ako sa 2nd floor. Madalas ako humiga sa sofa na nilagay sa kuwarto ko na nakaharap sa pintuan habang si yaya naman ay nakaratay sa banig. Mainit banda kung saan naka puwesto ang kama ko kaya ayaw namin humiga doon.

7 or 8 years old ako nitong experience na ito....naaalala ko yung minsan na nagising ako sa afternoon nap, nagising ako na naka-bukas ang pinto ng kuwarto at may babaeng naka brown na damit at siyete ang gupit ng buhok na nakatayo sa labas ng pinto, morena siya at katamtaman ang katawan. Hindi ko na makita ang binti niya.

>>PRESS PLAY>>


Nakatingin siya sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakatingin siya sa akin. Walang expression ang mukha niya.

Nakatingin lang din ako sa kanya,

hangga't unti-unti siyang naglaho.

Hindi ko alam kung bakit hindi naman ako masiyadong natakot sa kaniya noong una, tsaka lang ako tinamaan ng matinding kaba nung nawala siya, doon pa lang nag register sa isip ko na hindi pala talaga tao ang nakita ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko alam kung bakit hindi naman ako masiyadong natakot sa kaniya noong una, tsaka lang ako tinamaan ng matinding kaba nung nawala siya, doon pa lang nag register sa isip ko na hindi pala talaga tao ang nakita ko.

Napa-upo ako pagkawala niya. Hindi ako sigurado kung gusto ko lumabas ng kuwarto o sumigaw para tawagin ang yaya dahil baka makita ko na naman yung babaeng multo sa corridor. Nagsimula akong ma-bother kaya tinawag ko na lang yaya ko ng hindi umaalis ng sofa. Pag-akyat niya, sinabi ko sa kaniya ang nakita ko.

Seryoso ang expression sa mukha niya pagkatapos ko magkuwento.

"Naku, nakita mo din pala. Di ba maikli buhok niya at morena?"

"Opo ate." 

"Diyos ko. Kaya ayoko talaga naiiwan dito sa 2nd floor mag-isa. Nakita ko din siya, Ayen. Tara na baba na tayo, sabihin mo yan sa lola mo."


Bumaba kami ng yaya ko at pinuntahan namin ang lola ko na nasa sala nanonood ng T.V. at kumakain ng bananacue, napa lingon siya at napa ngiti ng makita ako.

"Gising na ang apo ko. Mag-merienda na kayo, kunin niyo na ito at 'pag nakita pa ng uncle mo e ubusin niya lahat yan..." Dinampot ng lola ko ang tatlong natitirang bananacue na nasa plato at inabot sa amin. Hindi ko man feel kumain dahil bothered ako sa nakita ko, kinuha ko na lang din, alam kong hahanap hanapin ko.

"Ate, may sasabihin daw po siya." Ika ni yaya sa lola ko.

"Ano 'yun?" 

Tumawa ang yaya ko, "Ate may nakita daw kasi si Ayen, yung nakuwento ko po sa inyo na nakita ko sa labas ng pinto ni ate Beth."

"Totoo 'Yen may nakita ka?"

"Opo. Naka brown na damit, maikli buhok. Nawala po siya bigla."

Nagkatinginan sila. Alam nila na nagsasabi ako ng totoo dahil wala naman nag kuwento sa akin na may ganiyan pala na nagpapakita sa 2nd floor.

"Hayaan mo lang siya, huwag ka matakot sa kaniya. Mag pray ka lang, baka humhingi lang ng tulong 'yun."

Mula noon, hindi na ko umaakyat mag isa sa sarili kong kuwarto. Lagi akong naka buntot o nagpapasama sa yaya ko dahil natatakot ako. Tuwing may afternoon nap at nagigising ako na mag isa sa kuwarto, galit na galit ako sa yaya ko dahil ayoko na maulit yung nangyari sa akin. Parang in denial ako na medyo na-trauma ako sa nakita ko, hindi man ako nag-react nung una, pero hindi ko mapagkakaila na disturbing ang nakita ko. Bakit siya nagpakita sa akin? Habang natutulog ako, andoon pala siya nakatingin. Madalas ko maramdaman na hindi ako nag-iisa tuwing kailangan ko umakyat sa kuwarto mag-isa o pag-naglalakad ako sa corridor. 

Ikaw na ang magising ng may multo na nakatayo sa pinto mo at nakatingin sa iyo, paano mo papaliwanag sa mga non-believers ang mga ganitong pangyayari?


*To be continued*...


Kilabot Chronicles: A Memoir (Based On A True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon