Chapter 2

34 1 0
                                    

“Oh Rose, saan tayo?” Nakangiting tanong ko kay Rose.

17th birthday kasi ngayon ni Rose. Siya ang pinakamatanda sa room namin at dahil daw sa naghanda na siya last week (kasabay nung fiesta nila) ay hindi na daw siya manlilibre. Pero di ibig sabihin ay hindi na lalabas ang barkada.

“Wala akong pera panlibre sa inyo Alex.” Walang ganang sagot niya sa akin.

Ganyan talaga yang babaeng yan.

“MagMcDo lang naman tayo eh. Kahit KKB lang. Game ka?” Tanong ko na nakangiti.

KKB daw pero mauubos naman ang pera ko dahil mangungulit yan sila na ilibre ko. True friends.

“Sige ba.” Sagot niya naman.

Hindi na ako nakapagsalita dahil dumating na si Ma’am Tanghal. Hindi naman sa nakikinig talaga ako dahil nakikipagkwentuhan lang ako kay Dina tapos paminsan minsan kay CJ o Rose o kay Alice. Minsan naman ay kay Maxene. Ang row namin ang may pinakamagandang formation. Nandiyan lang sa tabi tabi ang mga kaclose namin na any minute pwede naming tanungan. Uso kasi teamwork sa amin.

“Oy Maddie!” Sigaw ko kay Maddie nang lumabas na si Ma’am.

Sabi nila, tahimik daw ang klase namin. Pero hindi naman eh. Ang ingay nga namin. Kanta dito, gitara doon, movie marathon sa kabila, kain naman sa dulo. Basta. Ganyan kami kapag walang teacher. Ganyan naman lahat ng estudyante eh pero may mga times na tahimik kami kahit walang teacher. Marunong din kasi kaming makiramdam. Hahahaha. Lumabas na kami nang room nang magbell na. Ang ingay lang namin kaya ang saya. Sorry nalang ang mga kalapit namin na classrooms. Nag eenjoy kami eh. Atsaka, walang klase dalawang period dahil busy daw ang mga teachers namin. Ang saya lang. Hahaha.

“Alex. Si Sam oh.” Sabi sa akin ni CJ nang lumabas kami ng room.

Paminsan minsan ay sabay kaming nagbebreak nila Sam, Gia, Leslie at CJ. Wala lang. Pinayagan naman ako ng mga kaibigan kong samahan siya eh atsaka paminsan minsan lang naman at isa ito sa mga minsan.

Pero may mali. Hindi man lang tumitingin nang diretso sa akin si Sam. Ni hindi niya ako nginingitian. Bakit ganun? May problem aba kami? Ansaya lang namin kagabi ah.

“Alex, may sabihin ako sayo.” Seryosong seryoso na sabi niya sa akin.

Kinakabahan ako. Hindi pa siya naging ganito kaseryoso.

Tiningnan ko si Gia at CJ. Binigyan lang ako ni CJ ng, *seyosong usapan yan Alex* look kaya lumayo sila dalawa ni Gia sa amin. Tiningnan ko naman kung may malapit sa amin na kaklase ko at wala naman. Kahit naman kasi open ako sa mga kaklase ko, ayoko pa ring marinig nila ang mga pinag uusapan namin ni Sam lalo na at mukhang seryoso siya.

Sobrang natatakot ako sa kinikilos niya. Mukhang kinakabahan din siya. Shit. Anong problema ng taong to?

“Nalaman ni Nana.” Hindi ako makasalita. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Tiningnan ko lang siya.

“Hindi na ako pwedeng makipagkita sa iyo. May nagsabi sa kanya at nagpagalitan ako kanina.” Dagdag pa niya.

Tiningnan ko lang siya. Bakit parang andali nito lahat sa kanya, habang ako, naluluha na? Shit.

“Sige. Alis na ako. Bye.” Tumalikod na siya sa akin at sumunod sa kanya si Gia.

Habang tinitingnan ko siya, unti unting gumuguho ang mundo ko.

Huminga ako nang malalim at naglakad papasok ng classroom namin. Pero pagpasok na pagpasok ko sa room, umagos na ang luha ko. Tiningnan lang ako ng mga kaibigan ko at dali daling pumunta sa tabi ko.

“Alex? Anong problema?” Dinig kong may nagtatanong.

Hindi ko na alam kung sino ang nagsasalita o kung sino ang yumayakap sa akin. Basta umiyak lang ako nang umiyak.

Then I heard Jasmine’s voice.

“Nandito lang kami Alex.” Sabi niya.

Si Jasmine ang lagi kong sinasabihan ng problema ko dahil pareho kaming may minamahal. Siya ang mas madalas kong sabihan ng problema kesa sa lima.

“Iiyak mo lang yan Alex.” Sagot naman ni Rose.

“Birthday pa naman ni Rose ngayon at nagdadrama ka diyan.” Alam kong pinapatawa lang ako ni Nadine.

Iniangat ko ang ulo ko. Nakaupo na pala ako sa silya sa may pintuan at napalibutan na ako ng mga kaibigan ko sa pangunguna ng mga bruha.

“Ang sakit. Sobrang sakit.” Garalgal ang boses kong sinagot sila. Niyakap lang nila ako nang mahigpit.

Akala ko ba ipaglalaban mo ako Sam? Akala ko kahit anong mangyari, hindi mo ako iiwan? Nangako ka! Nangako kang ipaglalaban mo ako kahit na sa mga magulang mo! Nasan ang pangako mo?

NASAN SAM?!

Denial QueenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin