Chapter 1

46 0 0
                                    

Magulo ang buhay ko. Sobrang gulo lalo na ng lovelife ko. Haha. Bata palang ako pero yan na problema ko. Hahaha. I’m 16. Kaka-16 ko lang nung January 13. Oh diba? Ang cool. 13 ang favorite number ko. Sabi nila malas daw ang number na yan pero swerte naman ako diyan ah. Hahaha. Graduating na ako this March and hindi ko naman ipagkakaila na kahit papano, may honor ako sa school. Sa isang Catholic school nga pala ako nag-aaral. Uso kasi ang Catholic school sa amin. Hahaha. Pero ang ironic nga eh, nasa isang Catholic school ako pero ganito ako. Wala naman akong magagawa kung bisexual ako eh. Alam niyo ano yun? Yung both sexes nagugustuhan? Di naman sa walang pili but naattract lang talaga ako sa dalawa. Pero mas malakas ang attraction sa girls pero nagkakacrush din naman minsan ng guys.

“Alex. Si Sam. Kasama nanaman si Axel.” Asar sa akin ng isa sa mga kaibigan kong si Jasmine.

If you’re asking sino si Sam, siya lang naman ang one and only ko girlfriend ko. Oh diba? Bongga. Catholic school at may girlfriend ako. Pero okay lang. Tanggap naman ng parents ko eh. Tanggap din ng mga kaibigan ko. Tandang tanda ko pa anong reaction nila nung inamin ko sa kanila.

*FLASHBACK*

 

“Ters. (Tawagan naming ng mga kaibigan ko. Sister.) May sabihin ako.” Seryosong tawag ko sa mga bruha kong kaibigan na abala sa pangongopya ng notes ni Karen.

 

“Aminin mo na?” Tanong sa akin ni Rose.

 

Pinakabest friend ko sa lahat sa aming magkakaibigan si Rose dahil siya ang pinakakasundo ko sa lahat. Nalaman niyang may tinitibok na si heart nang makita niyang tumawag si Sam habang nasa bahay kami nila Karen at nagrereview. Hindi naman name ni Sam ang nakalagay kundi, ‘xoxo’. Hahaha. Corny no? Fan kasi ako ng Exo. Cute kaya ni Channie mylabs. Tapos ayun. Di na ako tinantanan. Inamin ko na sa kanya pero sa text lang. Tanggap niya naman ako. Pero sabi niya, sabihin ko daw dun sa lima. Bakit ba kasi anlaking grupo naming at pito kami? Haha. Pero nung gabing din yun na magkatext kami ni Rose, katext ko si Ate MJ. Close kami kahit college na siya. Minsan, sinasamahan ko siyang magsimba dahil takot yang maging alone. And panatag ang loob ko sa kanya. Lahat kasi nasasabi ko sa kanya. Kahit na saglit lang kami nagkakilala, dahil nung 3rd year ko lang siya nameet dahil sa isang contest na magkasama kami, super close na kami. Inamin ko kay Ate MJ ang meron kami ni Sam and sobrang saya ko na okay sa kanya. Ewan ko ba. Mas masaya akong tanggap niya kaysa ni Rose. Hahaha. Siguro kasi gusto ko siya mula pa nung 3rd year ako? Ambait kasi tapos ang cute ng mata tapos ewan. Ang light ng pakiramdam ko sa kanya. Hahahaha.

 

“Oo. Yung bwisit kasi diyan, pinapakonsensya ako.” Tinawanan lang ako ng buang.

 

“Good luck Alex.” Sabi niya nang nakangiti at bigla akong kinabahan kasi lumabas na yung lima.

 

“Alex, kapag ito hindi importante, hahampasin talaga kita!” Sabi sa akin ni Jas. Sadista din tong babaeng to eh. Tulad ko.

 

“In love ako.” Napatahimik ko sila dun.

 

O__________O (Jasmine, Alice, Stacy, Mich, Nadine)

-___________-  (Ako)

^___________^ (Rose)

Denial QueenWhere stories live. Discover now