15 : 30 (One Shot)

14 0 0
                                    

Pauwi na ako mula sa aking klase nang makaramdam ako ng gutom, kaya napagpasyahan kong dumaan muna sa Mr. Smoothies. Umorder lang ako ng Medium size na mango shake at sandwich saka umupo sa palagi kong pwesto at nag-antay.

Maganda ang pwesto nitong business na ito, nasa kanto at sa tabi ng highway, makikita ng mga tao kaya di ito mawawalan ng customer. Idagdag pa ang masasarap nilang mga produkto. Tulad ngayon na puno na ang lahat ng upuan.

Kahit naman mapolusyon dito sa Pilipinas, mula dito sa aking pwesto'y iba ang ambiance tila ba'y ang payapa sa labas sa kabila ng traffic at di mabilang ng taong naglalakad sa gilid ng kalsada.

"Miss, may nakaupo ba dito?"

Napatingin naman ako sa nagtanong na siyang tiningala ko pa dala ng tangkad nito. Sumalubong naman sa akin ang isang chinitong lalaki, maputi na may nakakasilay na ngiti sa kanyang mga labi at dimples na ngayo'y lumabas na sa magkabila nyang pisngi.

"W-wala naman"

"Makiki-upo ako ha?"

Aniya bago ito umupo sa harapan ko. Siguro kung iba ang makakakita sa amin, iisipin nitong magkadate kami ngunit hindi pero di ko alam kung bakit pero sana ganun nga.

Ibinalik ko na lang muli ang aking paningin sa labas at nagsimula ng kumain matapos dumating ang aking order. Niyaya ko siyang kumain, at ngumiti lang ito. Habang binubuksan ko ang sandwich ay dumating na din ang kanya.

"Madalas ka ba dito?"

Halos mabilaukan ako sa bigla nyang pagsasalita na kanya namang napansin at inabot sa akin ang in-order niyang inumin. Tinanggihan ko ito at sumimsim sa aking inumin.

"Ah, oo madalas ako dito. Pag inatake ng gutom, dito ako dumideretso."

Ngumiti lamang ito sakin. Muli nanamang nangibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Kahit gusto ko ng ubusin ang pagkain ko'y di ko magawa, iba sa pakiramdam, parang ayaw ko pang matapos itong oras, gusto ko lang manatili, gusto ko lang na kausapin nya ako, mag-usap kami, gusto ko lang dito, mapayapa kasama siya.

Pero bakit ganun?

Napansin ko namang ubos na niya ang sa kanya. Niligpit nya lang ito ng kaunti kahit di naman self service ang kainan na ito. Tumingin sya sa akin at muli nanamang sumilay ang isang ngiti. Ngiti na maaring siyang dahilan kung bakit may kung ano sa aking nararamdaman. Tila ang gaan sa pakiramdam, tila may mga paru-paro sa aking tiyan.

"Mauuna na ako."

Tango lamang ang naisagot ko at tumayo na siya dala ang mga gamit niya. Di pa sya nakakalayo'y isang salita ang di ko na naiwasang lumabas sa aking bibig.

"15:30"

Kinabukasan kahit mas matatagalan ako sa byahe papasok ng eskwelahan ay sinubukan ko pa ding dumaan dito. Bukas na ito, at may ilang tao sa loob na kumakain. Ngunit wala sya.

Wala siya..

Nag-umpisa na akong maglakad palayo. Malalate ako kapag nagtagal pa ako dito. Habang naglalakad ay maraming nabuong tanong sa aking isipan.

Ano kayang pangalan nya?

Saan sya nag-aaral?

15:30 (One Shot)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora