Chapter 9 ( three things you should know)

11.2K 193 40
                                    

Chapter 9 (Three Things you should know)


Ace's POV

"Fern?"

"Light?"

Napatayo agad kami ni Fern nang marinig namin pareho na may tumawag ng pangalan niya. Naknang! kala ko ba mag dadrop out na yang Light dito sa school, ba't andito pa siya at naka uniform pa? Wala talagang hiya sa katawan ang taong 'yon.

Pumasok si Light sa kwarto ni Fern. Di naman talaga ako matutulog dito, inaasar ko lang siya. Lumalaki ang butas ng ilong niya pag naaasar pero this night may plano akong matulog dito. Lumapit din si Fern sa kanya at nagkatinginan sila na para bang nasa isang romance movie.

"Ba't ka andito?" sabay nilang tanong sa isa't isa. Kailangang sabay pa talaga?

"Uhmm.. Bagong lipat lang ako dito sa school. Dito narin kasi ako mag-aaral" mahinahong sabi ni Fern sa kanya. Wow lang ha, ang bait ng babae 'to pag artista ang kaharap niya pero feeling ko antagal na nilang magkakakilala, kilala kasi siya ni Light e.

"Ahh... ikaw pala 'yong bagong lipat. Oo nga pala ako ang Student council president kaya ako 'yong naka assign na irecord kung sino ang bagong gagamit ng Room nato" nakangiting sabi ni Light. Pa pogi hindi naman pogi.

"Ha? wala naman akong ginawang masama ah, may record na agad ako?" Inosenteng tanong ni Fern. Ang bobo niya talaga kahit na kailan.

"Hindi. I mean, i lilista ko lang yung bagong gagamit hindi ko namang sinabi na bad record yon. Ikaw talaga.." Ginulo naman ni Light ang buhok niya at hinayaan lang ni Fern na guluhin ng gagong Light ang buhok niya, Mukhang ginanahan pa siya eh. Medyo nainis ako, sino ba namang hindi maiinis kung nasa harapan sila naglalambingan? Tinabig ko ang kamay ni Light sa ulo Fern kaya napatingin sila pareho sa akin.

Tinaasan ko sila ng kilay pareho at lumapit ako kay Fern.

"Sino sabing pwede mong hawakan buhok ng girlfriend ko?" mataray kong tanong kay Light. Tumingin naman si Fern sa akin at si Light mukhang gulat na gulat.

"Girlfriend?" pag uulit niya.

"Oo GIRLFRIEND."

"Ah hin---" I dedeny na sana ni Fern kaso di natuloy kasi nilapit ko pa sila sa akin at inakbayan.

"Kaya ka pala lumipat Fern kasi andito boyfriend mo, sige.. Alam ko naman pangalan mo kaya di ko na kailangan itanong,. Alis na ako,.." Nagsimula na siyang maglakad palabas ng Pinto pero huminto siya at nagpatuloy sa kanyang sinabi.

"Oo nga pala, goodluck sa relasyon niyo, wish you all the best." sabi pa niya nang hindi man lang lumilingon sa amin. Bastusan lang, kung nagsasalita siya sa isang Ace Alden Park dapat humarap siya, ang lakas ng loob niya. Di parin talaga siya nagbabago gaya parin siya ng dati, BASTOS.

"Sandali!" bago siya tuluyang lumabas ng pinto ay tinawag ko siya.

"Hoy g*go! kung papasok ka, kahit nakabukas ang pinto matuto kang kumatok ha, hindi yung uubo ka na lang jan. May ginagawa kaming tapos naputol dahil sayo, tignan mo tuloy.. Baka mawalan na ng gana ang babae ko." hinawi ko pa ang buhok ni Fern kaya tinignan niya ako ng masama. Napansin kong napasara ang kamay niya at tuluyan ng lumabas ng pinto, ni isang salita wala man lang siyang binitawan. Agad naman kinuha ni Fern ang kamay kong naka-akbay sa kanya at dinuro ang hintuturo niya sa akin.

"ikaw, ang bastos mo ha, ba't ganyan ka makipag-usap kay Light?"

"wala ka na doon." walang ganang sagot ko at sinarhan ang pinto.

"Tsk! Nagalit na tuloy sakin si Light baka di na ako pansinin non." pabulong na sabi ni Fern pero narinig ko.

"Ba't kayo magkakilala?" ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Wala ka na don." lokong babaeng to ah, ginaya lang 'yong sagot ko.

"Di na ako mag-aaksaya ng oras kausapin ka, lumabas ka muna maliligo ako, gusto ko ng magpahinga" sabi niya at kumuha ng twalya. Sino siya para utusan ako? eh kung ayaw ko nga. Imbis na lumabas nahiga lang ako sa kama niya.

"Hoy! Labas sabi e!" sigaw niyang sabi pero binalewala ko lang. Niyakap ko lang ang unan ang pumikit.

"Arggh! nakakainis ka! Ang yaman mo naman ba't di ka magpagawa ng kwarto mo! kainis! kainis! kainis!" halata sa boses niyang nagwawala na siya pero binalewala ko na. Pake ko sa kanya. Kwarto ko rin to at lahat ng kwarto sa dorm ng school kwarto ko kaya may karapatan akong matulog kahit saan ko gugustuhin.

"Bahala ka jan!" sabi niya at narinig kong sumira ng malakas ang pinto ng C.R siguro naman pumasok na.

Gusto ko mang lumabas pero ayoko. Wala akong pake sa babae pero lalake din ako, may needs and wants din. At ang wants ko ngayon, ay makita siyang......

FERN's POV

Tapos na akong maligo pero nagdadalawang isip talaga ako kung lalabas akong na two piece lang. May Ace kasi sa kwarto ko. Ba't ba ayaw niyang lumabas? Hello! babae ako. Medyo nilalamig na rin ako kaya lumabas na ako kahit naka two piece lang. Nakalimutan ko rin magdala ng pamalit! shemai, kaya ang resulta, kelangan kong lumabas para makapag sout ng damit.

Lumabas na ako ng C.R.

"Ace!" Nagulat ako ng makita ko siyang nakasandal sa pader na katabi ng pinto ng C.R. kung saan ako lumabas at naka topless siya. Nakacross arm pa siyang tumingin sa akin ng mapang-akit. Teka gabi na ba? Gabi na nga! kaya pala ganito ang mga radar ng mga lalake pag gabi e.

"Ang tagal mo naman, alam mo bang hinihintay kita." mapang-akit na sabi ni Ace at dahan dahan siyang lumapit sa akin kaya napa-atras ako. Hangang sa wala na naman akong ma-atrasan. Ba't ganito na lang palagi kinahahantungan ko? Atras-dead end kumabaga. Napansin kong tumingin siya sa dibdib ko kaya niyakap ko yung sarili ko.

"Anong gagawin mo?" nate-tense kong tanong sa kanya.

"Gusto ko ng..." Nang-aakit talaga siya sa boses niya. Hindi naman ako makaganti kasi naman, pag ikaw ba nasa posisyon ko at naka ganito pa ang suot. Makakaganti ka pa ba? Kinagat niya yung lower lip niya at tumingin sakin mata sa mata. Hinawi pa niya ang buhok ko at dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa maramdaman ko na ang labi niya sa tenga ko at bumulong ng cencored word.

May kuryente namang dumaloy sa buong katawan ko nang marinig ko yun. Sabi ko na nga ba may balak ang lalakeng to kaya gustong matulog kasama ako e.

"Hahahahaha." napamulat ako ng mata nang marinig ko si Ace na tumatawa. Nakahawak pa siya sa tyan niya na para bang malapit ng lumabas yung bituka niya. Umayos siya ng tayo at pinunasan ang luha niyang namumuo dahil sa kakatawa.

"Sa tingin mo ba, gagawin ko 'yon? Asa ka!" sabi niya at tinabi niya ako at kinuha ang twalya sa likod ko.

"Gago ka talaga," sabi ko.

"Yeah yeah, matagal na. Lumabas ka nga! maliligo ako!" aba? Kung makapag-utos siya ha. Ayaw ko nga! Ayaw niya kanina eh kaya ayaw ko rin ngayon.

"Ayaw mo ha." panakot niya sa akin at may kinuha sa maleta ko. Mga damit ko! Pati ang underwear ko wala siyang pake kung nahawakan niya ba ito.

"Anong gagawin mo?" natataranta kong sabi nang tinulak tulak niya ako palabas ng pinto. Hangang sa makalabas na ako tsaka niya naman tinapon sa akin ang mga damit ko at sinarhan ang pinto.

"Ang bait mo talaga Ace! Ang bait mo!" sarcastic kong sigaw sa kanya sa pinto. Ano sa tingin niya ang ginagawa niya? Naka two piece pa ako tapos agad agad niya akong papalabasin na hindi man lang nakapagbihis kasi maliligo pa siya? Nasaan ang hustisya?! Binukas niya ng kaunti ang pinto para lang sabihing...

"Napaka sexy mo pag ganyan lang ang sout mo, kaya kung ako sayo di na ako magbibihis." nakangising sabi niya at sinarhan ulit ang pinto. Sinipa ko naman ang pinto dahil sa inis. Buwisit na bwisit na talaga ako sa lalakeng yon.

Huli ko ng mapansin nang may mga tao pala sa paligid at halos mga babae pa. Nakatingin sila ng masama sa akin at yung iba namang gulat na gulat sa nasaksihan. Ngumiti lang ako sa kanila.

"Hello!" nahihiyang bati ko sa kanila. May isa namang nagsalita sabay lagpas sa akin.

"Miss, kahit girlfriend ka ni Ace, gusto ko lang malaman mo, School 'to hindi hotel!"

Kinabukasan, di ako masyadong nakatulog kabagi kasi naman, doon natulog si Ace sa kama ko at ako naman sa sofa lang. O diba? napaka gentleman niya at ang masaklap pa halos naging buong gabing alarm clock ko na yung hilik niya. Gusto ko ngang tapunan siya ng unan e pero mabait ako kaya di ko na lang tinuloy. At kung tatanungin niyo, kung saan ako nag-bihis matapos kong naligo at pinalabas ni Ace. Sa isang bakanteng room lang naman, buti nalang bukas 'yon.

Kasalukuyang lumalakad ako na parang Zombie papunta sa school. Kailan pa kaya ako titigilan nila sa pagtingin nilang yan? Kung saan ako nag-aapear doon nila ako titignan ng matagal. Nakakasawa na eh. May schedule naman akong dala kaya alam ko na kung anung oras at room ko.

First subject: Literature Room Vbuilding #012

Ang layo naman! kailangan pang dumaan ng tatlong building para maka-abot lang sa building na 'yon. No choice kelangan kong mag-aral kaya dapat tinitiis ko to. Maya maya may biglang bumusina.

"Ay palaka!" muntik na akong mahagip ng bike.

"Ay sorry mi-- Ah! ikaw yong Girlfriend ni Idol Ace!" sabi ng cute na lalakeng nakasakay sa bike. Pano naging Idol niya si Ace? Anong angulo sa lalakeng 'yon ang kahanga hanga? Ang weird.

"Ah oo ako nga." nasabi na rin sa akin ni Ace na dapat mag ingat ako tungkol sa relasyon namin. Dapat ang mga kaibigan lang namin ang nakaka-alam, sila lang wala ng iba.

"Sa V-building din ba punta mo? Doon kasi ako gusto mo sabay na tayo? Dito ka na lang sa likod ko oh, I'll drive you there." nakangiting sabi niya. Walang pagdadalawang isip sumakay na ako sa likod niya. Hanggang sa makarating kami doon. Bumaba na ako sa kanya at nagpasalamat.

"ikaw si Fern Jade Tricco, right?" tanong pa niya.

"Oo, ikaw ba anung name mo?" ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Ricky Jimenez, alam mo bang close kami ng boyfriend mo, kaibigan ko siya! oo kaibigan ko siya. Famous siya kahit saan pumunta, kaya nga idol na idol ko yung bestfriend ko eh! yung boyfriend mo? Proud tuloy ako na naging kaibigan ko siya." halata namang proud siya diba? ba't niya ba naging Idol si Ace? Ang weird ng taong to. At ano ang sinasabi niya? bestfriend? 'Yonn ang di halata sa mukha.

"Ah, ganun ba? okay." 'yon na lang sinabi ko.

"Shake hands nga tayo, close kasi kami ng boyfriend mo kaya gusto ko rin maging ka-close mo." sabi niya at nilahad ang kamay niya para makipagshake hands sa akin. Kinuha ko naman ito at nakipagshake hands na lang din sa kanya.

"Sino sabing close tayo at sino sabi pwede mong hawakan ang kamay ng girlfriend ko?" may biglang nagsalita sa tabi namin kaya pareho kaming napatingin ni Ricky.

"Oh, idol Ace! ikaw pala----" magsasalita pa sana si Ricky kaso tinadyakan siya ng Ace.

"Ace, ano ba!" Tutulungan ko sana si Ricky kaso pinigilan ako ni Ace.

"Hayaan mo siyang tumayo mag-isa." cold niyang sinabi. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Ahemm" Narinig niya ako at tumingin din sa kamay namin kaya binitawan niya 'to agad. Tumayo naman si Ricky at pinagpag ang pwet niyang nadumihan.

"Idol Ace! ang lakas mo talagang tumadyak! kahit sinaktan mo ang puso kong hangang hanga sayo! pero kahit ganon, Idol parin kita! Mag momove on lang ako bukas wala na 'to, sige palaam, sa muli nating pagkikita." Tumakbo na siya at tuluyan nang umiyak.

"Hanep, may die-hard fan ka Ace." bulong ko kay Ace at pumalakpak ng dahan dahan, inarapan niya lang ako.

"Bawal kang makipag kamay kahit na sino" sabi ni Ace.

"Kagabi, nong ginulo ni Light ang buhok ko, sinabi mo, bawal din yon, makipagkamay bawal din? e parang winalan mo ako ng human rights neto ah."

"Kung gusto mong tumagal, matuto kang sumunod sa rules ko, minor rules pa yan pano na lang kaya kung sinabi ko na ang mga main rules ko?"

"Ewan ko sayo, may pa rules rules ka pa jan!" inis na sabi ko at iniwan siya doon.

Pumunta na ako sa unang room ko at nagpakilala. Late na pala ako hindi ko man lang namalayan. Kaklase ko pala si Ricky at may kakwentuhan siyang babae na kaklase ko rin. Umupo lang ako sa tabi niya at di na lang siya dinistorbo sa paglalandi niya sa babae. Tumingin ako sa kanan ko which is, katabi ko pala si Light! Kaklase kami! {ero baka galit pa siya sakin ngayon?

"Light?" sinubukan kong kunin ang attention niya, tumingin naman siya sa akin at ningitian ako.

"Yes miss?" di man lang niya ako tinawag sa pangalan ko. Galit ba siya o hindi lang siya showy sa public kasi artista siya?

"Wala" umiling iling lang ako at tumingin na sa teacher na nagdidiscuss sa harap namin.

Vacant ako one hour pagkatapos ng isang klase, saan naman kaya pwedeng tambayan dito? Pumunta na lang ako sa library, siguro naman di ako mabobored doon no? Lumapit ako sa may book shelf at nag scan ng libro na pwedeng basahin. Kukunin ko na sana yung libro na napili ko kaso inunahan ako ng isang lalake. Tumingin naman ako sa tabi ko.

"Vien." bati ko sa kanya. Siya yung kaibigan ni Ace na mukhang babaero.

"Ah, ikaw pala Miss Jade." nakangiting sabi niya sa akin. Nakakahawa naman ang ngiti niya kaya ngumiti na lang din ako sa kanya.

"Yang libro." gusto kong basahin. Tinuro ko pa ang libro.

"Eto ba?" iniangat niya naman ito for emphasis. Tumango lang ako sa kanya. Laking gulat ko ng inakbayan niya ako sabay sabing "pwede naman natin tong basahin ng sabay diba?" mapang-akit na bulong niya sa tenga ko. Confirm! Babaero nga.

"Ah, sige." pagkasabi ko niyang, inalis ko yong kamay niyang naka akbay sa akin.

"Conservative?" Ngiting tanong niya.

"Dalagang pilipina lang." sabay kindat ko sa kanya.

Sabay naming binasa ni Vien ang libro pero napahinto kami para mag-usap sandali.

"Kailan mo naging boyfriend si Ace?" tanong niya sa akin.

"Fake boyfriend." pagcocorrect ko sa kanya.

"Nakakatawa ka talaga, kaya nga crush kita e." pakiramdam ko namula ako sa sinabi niya. Crush niya daw ako? Hala, tinalo kaibigan niya. Lagot!

"Paano mo naman ako naging Crush?" napatanong narin ako sa kanya.

"Wala lang, nakuha mo lang ang attention ko. Type ko kasi talaga mga challenging na babae kaso naunahan ako ni Ace e." halatang babaero nga, ang lakas mambola e.

"Salamat ha. "sabi ko sa kanya. Kadalasan talaga ng mga nasisirang relasyon pag ganitong klaseng lalake. Kapag they find boring na girlfriend nila mag che-cheat sila doon sa mas challenging sa paningin nila.

"Buti na lang in fake relationship lang kayo ni Ace, it means may pag-asa pa ako." tumingin ako sa paligid para walang makarinig sa pinag-uusapan namin atsaka ako tumingin sa kanya. Taas-baba pa yung kilay niya at kinindatan pa ako.

"Shh, wag ka masyadong maingay baka may makarinig sayo, mahirap na." bulong kong sabi sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at inakbayan na naman ako.

"Don't worry baby, walang makakarinig kahit andito pa si Ace sa likod natin. I swear to you babe." Bulong niya sa akin. Kung ibang babae pa ang kaharap na ito siguro kanina pa na seduce yun kay Vien pero pasensya si Fern kausap niya, only Light can seduce me.

"Sure ka Vien?" may lalakeng biglang nagsalita pero di pa namin nakikita.

"Sure na sure, basta para kay miss Jade" Vien.

"Talaga lang ha. Wag mong bawiin masasapak kita."
"Yeah, Oww!! Aray ang sakit!" tumayo ako habang pinapanood silang dalawa. Bigla na lang kasing sumulpot si Ace sa likod namin at hinigit ang tenga ni Vien. Walang makakarinig kahit na sa Likod pa namin si Ace. Talagang talaga.

"Sino sabing pwede mong akbayan girlfriend ko?" tanong ni Ace sa kanya.

"I'm just tripping, oww!" gusto kong matawa pero baka magalit si Ace kaya tinikom ko na lang ang bibig ko habang nagpipigil.

Binitawan ni Ace ang tenga ni Vien na pulang pula dahil sa kakahigit atsaka niya ako hinigit sa kamay papunta sa di ko alam na lugar.

Huminto kami sa ground floor. Napagod ako kakatakbo pababa. Maraming studyante ang huminto sa kakalakad at pinalibutan kami.

"Makinig kayong lahat!" hingal pang sigaw ni Ace sa mga studyante dito. May iilang nagsimula na namang magbulong bulongan. Tumingin ako sa paligid at nahagip ng mata ko si Light sa di kalayuan na nakasandal sa isang stand habang nakacross arm pa na tumingin sa amin ni Ace.

"Bawal guluhin ang buhok ng babaeng to, bawal makipag shake hands sa kanya, at bawal umakbay sa kanya. Consider these as three minor rules in the School, mapa feeling close pa man, mapa kaibigan ko man o maging one of the student council ka pa man, kung lalabag kayo sa rules ko alam niyo na ang kaparusahan."

"Grabe ka naman Ace, edi wala ng gustong makipagkaibigan sa akin?" pagrereklamo ko. Di niya pinansin ang reklamo ko at inarapan na naman ako.

Gusto ko ng mag welga! panu ako makakahanap ng friends kung ganito ang ipagbabawal niya sa akin?

"That are the three things you should know, get it?" pagtatapos ng sinabi ng hari.

NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon