Chapter 3 (The Lovely Threat)

14.9K 316 27
                                    

Chapter 3 "The Lovely Threat"

Fern's POV

"Uy sorry na kasi!" pamimilit ko kay Rem pero hindi parin siya humaharap sa akin. Nananatili siyang walang imik habang sinusuklay ang buhok niya.

"Nambubunot ka na lang ng buhok nang walang pa alam." pagtatampong aniya. Kailangan ko pa pala magpa-alam para sabunutan siya?

"Ha? edi okay lang sayo na sabunutan kita?" tanong ko. Sa wakas! napaharap ko siya, Nang mapatingin sa akin ay bigla niya akong sinamaan ng tingin.

"Syempre hindi!"

"E ba't kailangan ko pa mag-paalam na sabunutan kita?"

"Para maihanda ko 'yong buhok ko. Alam mo ba ilang minuto ko 'to pina-hot oil last week tapos sasabunutan mo lang?"

"Last week lang pala! Lusaw na yun! Magpa hot oil ka na lang ulit." Inarapan niya lang ako at tumalikod ulit.

"Rem naman eh! alam mo bang hindi ko kaya na hindi man lang ako pinapansin ng kaibigan, Rem. Kaya kitang ilibre ng hot oil sa parlor pa at para hindi ka na magpupuga ng niyog para lang makahot oil, basta patawarin mo lang ako." narinig ko ata sarili na may sinabing masama para sa kaibigan ko. Masama kasi gagastos pa ko.

Dahan dahan siyang humarap sa akin at parang naliwanagan ng sampong bilyong alitaptap sa mukha.

"Talaga?" sabi pa niya, napakurap ang mata. Dahan dahan din akong tumango at ngumisi, hindi sigurado sa binitawan kong salita.

"Yehey! Sige friends na tayo ulit." masayang masaya sabi niya. Kung di ko siya nilibre? Kakaibiganin pa kaya ako neto? Loko, mapapagastos na naman ako ng di oras.

Nasa mall kami ni Rem, sa loob ng isang parlor dito, hinihintay ko siyang matapos ayusan ng buhok. Ang tagal naman, mag-iisang oras na ah? Tumayo ako at lumapit kay Rem.

"Rem, a-alis muna ako sandali, babalikan kita rito mamaya." sabi ko. Tumango naman siya at lumabas na nga ako. Naglibot libot naman ako sa mga stall, Wala naman akong balak bumili at tinatakpan ko rin ang sling bag ko ng aking kamay para di ko ito mabuksan at makuha ng pera.

May nakita akong damit kaya kinuha ko ito at sinukat sa fitting room. Maganda sana kaso hindi kasya. Hinubad ko na ito at sinu-ot ko 'yong damit ko. Napatingin ako sa presyo at halos lumuwa ang mata ko. 5,000Php? sa ganung kasikip ng damit? Lumabas ako ng fitting room na tulala.

"Ma'am kukunin niyo po?" may lumapit namang sales lady sa akin at nagtanong. Ang tulala kong mukha nabaling sa kanya sabay sabing...

"Ganito na ba kahirap ang Pilipinas ngayon? Para paraan lang para magkapera? Pati damit na maganda na akala mo sobrang mura hindi na mabili, ni tela nga tinitipid na rin. Tapos ngayon tatanungin mo ako kung kukunin ko 'to? Kukunin ko kung ibibigay mo ng libre." sabi ko at ibinigay ang damit sa kanya. Bago ako umalis doon, napansin ko siyang napakamot ng ulo. On the way na ako pabalik ng parlor nang may naalinag akong isang pamilyar na mukha. Kung di ako nagkakamali, siya 'yong lalakeng mayabang na nagpadala sa akin ng 'sulat na di ko alam anong kahulugan.

Siya nga 'yon!

May kasamang babae sa table na inu-upuan niya. Mukhang namang nag e-enjoy ang babaeng maganda sa pag-uusapan nila pero ang kausap niyang lalake dedma lang.

'Yong lalakeng! Bakit kaya pinadala niya 'yong sulat na may "welcome to hell"? Gusto kong malaman ang dahilan niya. Hindi nga kami close pero kung maka-asta siya sa akin para bang sobrang tagal na naming magkakakilala.

NOW HIRING: Girlfriend for Mr. Worst (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon