"Uhmm.. anak, wala nang oras. Kailangan niyo nang umalis dito." Mommy

"Hindi po ba kayo sasama sa amin?" Blake

"Ahh.."

Hindi Makapagsalita si Mommy. Niyakap niya naman ako ng mahigpit sabay iyak.

"M..mom, anong ibig mong sabihin? B..bakit hindi ka sasama? Pagkakataon na natin to!" Iyak kong sabi sa kanya

"Anak, mahal na mahal kita alam mo yan. Sana mapatawad mo ako sa mga ginawa ko sayo. Ginawa ko lang naman yun para sayo. Sana mapatawad mo ako." Mommy

Niyakap ko siya nang sobrang higpit. Na ayaw na siyang pakawalan.

"Mommy naman eh, sumama ka na sa amin! Mommy please."

Iyak at pagmamakaawa ko sa kanya.

"Blake, kunin mo na si Kyla. Sige na." Mommy na pilit kumakawala sa yakap ko.

"Halika na Kyla." Blake

"Hindi! Hindi ako aalis."

"Kyla ano ba! Umalis na kayo! Sasabog ang School na to! Napapalibutan ng mga bomba ang School niyo! Kaya please, umalis na kayo." Mommy habang umiiyak

Ano? S..sabog? Anong ..

"Tita, ano pong ibig niyong sabihin? Sasabog ang School na to? Alam niyo pong maraming tao ang nandito pa sa loob! Nandito pa si Daddy! Yung mga inosenteng tao na nilalason lang ang mga isip! Hindi sila pwedeng mamatay! Hindi pa naman umeepekto yung anti hypnotism na yun!" Blake

"Wag kang mag alala Blake, wala dito ang daddy mo at ako na ang bahala sa mga tao. Magtiwala kayo sa akin. Kaya ko to. Kaya umalis na kayo." Mommy

"No way! Ayoko! Hindi ako aalis! Mommy!"

Pilit kong inaabot si Mommy pero pinipigilan ako ni Blake.

Ayokong umalis na hindi siya kasama! Hindi ako aalis!

"Ano pa bang gagawin niyo dito? Nailigtas niyo na ako! Pwede na tayong umalis dito! Pwede na tayong lumayo dito! Kaya sumama na kayo sa amin!" Pagmamakaawa ko parin sa kanya

SCHOOL OF DEATHМесто, где живут истории. Откройте их для себя