Chapter Fifteen

2.3K 94 1
                                    

NAGULAT si Snoopy nang pagdating niya sa classroom kung saan magaganap ang exam para sa pagpili ng dalawang estudyanteng magiging representative ng Emerald University sa linking school nila sa Canada ay nakita niya si Click. To be honest, hindi talaga niya alam na gusto rin nitong sumali sa student exchange program ng unibersidad nila.

Ang student exchange program na iyon ay ang proyekto kung saan ang mapipili sa EU ay ipapadala sa isang unibersidad sa Canada, samantalang dalawang Canadian students din ang ipapadala sa EU.

Nag-apply siya roon dahil gusto niyang makalayo muna nang nasaktan siya dahil kina Gummy at Click. Pero ngayon, itinuloy niya iyon para sa sarili niya. Gusto niyang maging mas malakas ang pagkatao niya kaya susubukan niyang maging independent nang ilang buwan.

"Oh. I didn't expect to see you here," bungad niya kay Click. "Hindi ko nakita ang pangalan mo sa listahan."

Umupo ito sa tabi niya. Ngumiti ito nang bahagya. "Hindi ko naman talaga pinlano na sumali rito. Naisipan ko lang nang makita ko na may nag-back out sa listahan. I signed up at the last minute."

Tumango siya. "Oh. Gusto mo bang umalis dahil sa nangyari sa inyo ni Gummy?" Natutop niya ang bibig niya nang bumalatay ang sakit sa mga mata nito. "Sorry. Hindi mo kailangang sumagot."

Malungkot na ngumiti ito at saka marahang umiling. "Nah, you don't have to apologize. To answer your question, yes, I want to get away for a while because of what happened between me and Gummy."

Nakagat niya ang ibabang labi niya kasabay ng pagngatngat ng negatibong damdamin sa puso niya. Nang makipagsabwatan siya kay Fiona para sirain ang imahen ni Gummy, sigurado siyang gusto niyang saktan si Gummy. Pero ngayon, nagdududa na siya sa intensiyon niyang iyon dahil kung totoong gusto pa rin niyang gumanti, hindi sana siya nakokonsiyensiya at nasasaktan ngayon.

She remembered her promise to Garfield in exchange for his silence. Aayusin niya ang gusot na ginawa niya at sa tingin niya, ito na ang tamang oras para gawin iyon.

Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. "Click, alam mong hindi magagawa ni Gummy kung ano man ang nakuhanan ng video."

Bumuga ito ng hangin. "I don't know. Tinanong ko siya kung ano ang tunay na nangyari pero hindi naman siya sumasagot nang maayos. Hindi raw niya alam kung sino ang naghatid sa kanya sa bahay nila, but she won't tell me why she was in that bar that night."

Nagulat siya. "Hindi sinabi ni Gummy sa 'yo kung bakit nasa bar siya nang gabing iyon o kung sino ang kasama niya?"

"She won't tell me a thing. All she said to me was I should trust her. Pero paano ko 'yon magagawa kung ayaw naman niyang magsalita?" frustrated na tanong nito.

Hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyayari pero may pakiramdam siyang may nagawa siyang malaking pagkakamali. Patunay roon ang panlalamig ng buo niyang katawan.

Hinawakan niya sa balikat si Click. "Click, listen to me. Matinong babae si Gummy. I've known her since high school. Hindi niya magagawa sa 'yo ang lahat ng 'yon." Kinagat niya ang ibabang labi niya upang pigilan ang nagbabadya niyang pag-iyak dala ng matinding guilt. "I'm sorry, Click."

Hinawakan ni Click ang kamay niya. "I don't know kung kaya ko nang makinig sa kahit sino ngayon, Snoopy. All I know is I'm hurting." Bahagyang kumunot ang noo nito. "Pero bakit ka nagso-sorry?"

Umiling lang siya saka marahang binawi ang kamay niya mula rito.

She realized two painful things that time. First, she was no longer interested in Click and she may have not really fallen in love with him. At pangalawa, nasaktan niya ang nag-iisang tao na tumuturing sa kanya bilang kaibigan.

Heroine, At Last! (I Want This Love To Happen)/COMPLETEWhere stories live. Discover now