"O bakit pogi ka?"

"Oo, Paulo pogi ako diba?" Tanong nya sa bading naming classmate na crush na crush sya.

"oyiz papi!" Sabi ni Paulo sabay flying kiss kay Joseph.

"Yes naman!!" Sigaw ni Matt.

"Bat kasi di na lang kayo?" Tanong ni Grace.

"Ano ba naman kayo? Bata palang tropa na kami neto, kaya wala ng malisya." Sabi ko sabay gulo ng buhok nya well di na naman sya nag eefort mag ayos dahil kulot sya parang kay Harry Style nung di pa masyadong mahaba yung buhok nya tas medyo blonde sya, Pogi din naman kasi talaga tong ni Joseph wala nga lang girlfriend.

"Oo nga, tsaka di ko type yan no, over my dead but sexy and adorable body." Sabi ni Joseph.

"Akala mo naman type kita?" Sabi ko sabay suntok sakanya ng mahina.

Bigla namang dumating yung Prof namin sa Gen Chem kaya nagsiupo na kami, may kasunod syang studyanteng babae.

"Good morning class, I'm Ms. Manabat, and you guys have a new classmate." Sabi nya sabay tumango sya don sa babaeng shytype. " Ms. Rivera" tinanguan nya ulit si ate mo Rivera daw, para magpakilala."

"Good morning new classmates, I'm Roselyn Rivera galing ako sa St. Ignacio University nung 1st sem, 17 years old, Sana maging close ko kayo." Sabi nya sabay ngiti, omg ganda ng ngiti nya nakabraces sya ang cute umupo sya sa row na inuupuan namin, shytype sya talagang slight lang yung ngiti nya.

"Hoy ano nganga girl?" Siko sakin ni Mikee na katabi ko.

"Gaga tinignan ko lang mukang pabebe e." Sabi ko sabat tingin na ulit sa prof namin.

-

Vacant na namin so usually pag vacant namin di kami lumalabas kasi gusto namin maging close kami lalo lahat kaya nagkkwentuhan okaya nagkakantahan kami dito, pero dahil may bagong classmate ang laro namin ay spin the bottle.

"Hey Roselyn tara dito ka umupo, kasi ikaw yung bago get to know ba ganern, kung kanino tatapat yung takip ng bote yun yung magtatanong sayo ok lang?" Sabi ni Paulo na may hawak ng bote, medyo napakamot pa sya sa batok.

"Sige lang." Sabi nya sabay ngiti at umupo na sa tabi ni Nicki, kaklase naming model.

"Start na ha! Iikot ko na to, In 1 2 3." Sabi ni Paulo at agad naman itong tumapat kay Dan.

"Oh ikaw dan!" Sabi ni Matt.

"So Roselyn, bat ka lumipat ng school?" Tanong ni Dan sakanya.

"Well, hmm kasi since grade 11 andon na ko? Para lang bagong muka ganon?" Sagot nya na parang di sya sure sa sagot nya.

"Ok next ikot." Sabi ko at inikot naman ni Dan at tumapat kay Monique.

"Pero di ka naman broken kaya ka lumipat dito?" Tanong ni Monique.

"Uhmm moving on." Napangiti sya ng pilit at kita kong lumungkot yung mapungay nyang mata.

"Ohhhh."

"Ikot ko na ha." Pag ikot naman ni Monique natutok kay Joseph.

"So Roselyn anong first impression mo sa klase na to?" Sabi ni Joseph.

"Feeling ko kanina bully kayo kasi pag pasok namin ni Prof kanina sobrang ingay ng lahat, tsaka akala ko din babaliwalain nyo lang ako dito, pero hindi." Sabi nya at ngumiti. Inikot naman agad ni Joseph ang bote at tumapat kay Paulo.

"So sinong pinaka attractive dito sa section natin?" Taas baba naman ang kilay ni Paulo.

"Lahat kayo syempre muka kayong mga artistahin e, tatangkad nyo pa yung iba siguro sainyo nagmomodel." Sagot nya sabay tinignan kaming lahat, nagtama yung mga mata namin brown eyes pala sya.

Beautiful Trauma (gxg)Where stories live. Discover now