Chapter 2

8K 90 0
                                    

-

"Era ang tagal mo naman kanina pa kami naghihintay sayo." -sabat ng guy bestfriend ko na si Joseph.

"Sorry medyo traffic." Sagot ko sakanya tsaka ako bumaba ng motor ko at tinanggal ang leather jacket na suot ko.

"Dahilan mo nanaman, bilisan mo hinihintay ka ni Jennifer sa cafeteria." Sabi nya kaya naman nagpunta na kaming cafeteria.

By the way, I'm Erajean Montes, Era for short. Ngayon ay fist day ng 2nd sem na ng pagiging grade 12 student namin, and 19 na ko just so you know lol.

"Era do you know your sched na ba?" So ito na nga ang pinaka maarte sa lahat ng maarte ang kaibigan naming si Jennifer but i prefer Jen for her.

"Yep and classmate ko si Joseph ikaw ba?"

"Yes, so una ko ha 7 first class ko, so see you later?" Tango na lang ang naging sagot namin sakanya.

"Anong first class natin?" Tanong ko kay Joseph.

"Gen Chem besh." Sagot nya.

"Wow naman parang gandang pang gising ng subject na yan ah."

Sinabi mo pa nakakaloka besh parang wala tayong karapatan matulog sa klase pag yan ang first sub."

"Well kahit anong subject naman wala talaga tayong karapatan matulog, graduating na tayo, tayo na't magtino."

"I'll try my best besh, by the way may training ako later ng basketball"

"So hindi ka pala namin kasabay ni Jen umuwi?"

"Nasainyo yun kung hihintayin nyo ko." Sabi nya sabay wink.

"Stop that, it's annoying."

"Kinikilig ka lang eh."

"Sapak you want?"

"Ikaw na strong, suko na ko besh!" Natawa sya.

"Stop being gay nga!"

"Stop being lesbi nga!"

"Asshole I'm not."

"Wag kasing lingon ng lingon kada na lang ba may dadaan wala kang patawad eh!"

"Shut the fuck up Joseph."

"Let's go na nga." Sabi nya sabay tayo kinuha yung bag ko at sya ang nagbibit.

Habang naglalakad kami papuntang room humawak ako sa braso nya bilis maglakad eh.

"Apaka bilis maglakad e, hintayin mo naman ako." Sabi ko sakanya sabay palo ng mahina sa braso nya.

"Puro kasi sight seeing sa girls."

"Selos ka na nan besh?"

"Asa ka iyak ka muna."

"Hindi kita iiyakan never, ikaw pa nga iyak sakin e. bading!" Sabi ko sabay takbo, hinabol naman nya ko at hinawakan ako sa bewang sabay kinagat ako sa braso di naman madiin.

"Bata pa ko nun, tsaka gago ka bata palang!" Pagtanggol nya sa sarili nya. "Tsaka look at me now one of the best basketball player na sa university na to."

"Well proud of you my beshie." Hanggang sa nakarating na kaming room same classmates pa din umupo naman kami sa medyo gitna ng room.

"So kamusta ang ilang linggo bakasyon couples?" Biro samin ni Matt.

"Couple mo muka mo, chaka neto oh!" Sabi ko sabay palo sa braso nya.

"Excuse me? Panget? Ako?" Sabi nya

Beautiful Trauma (gxg)Where stories live. Discover now