Battle 44

973K 21K 2.8K
                                    

Sab's POV

"Delikado ang tumambay sa labas kapag gabi na. Babae ka pa. Baka mamaya may kung anong hindi magandang mangyari sa 'yo."

Napatingala ako at nakita ang nakapamulsang si Jacob na nasa harap ko. Umupo siya sa tabi ko kaya dalawa na kaming parehas na mukhang siraulong nakaupo sa damuhan.

"This isn't a safe place, Sab. Wala masyadong tao. If ever something bad happens, no one will protect you."

"Kaya ko ang sarili ko."

"Yeah, right." Dama ko ang sarcasm sa boses niya. "You look miserable." Inabutan niya ako ng panyo.

Para saan 'to? There, I've realized na umiiyak na pala ako. Is it possible to cry without you even knowing?

"I wouldn't force you to talk, but whenever you need someone to listen, I'm just here."

Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang masaklap pa dyan, niyakap niya ako kaya mas lalo lang akong naiyak.

Masakit pala. Masakit malaman na may iba na siya. He finally moved on, while here I am, still stuck in the same place.

Nang mahimasmasan ako ay kumalas ako sa yakap at niyakap ang tuhod ko. Sa mga ganitong panahon, minsan okay na kahit wala kang makausap e. May makasama ka lang sapat na.

"She took my place. Your bestfriend took my place. I used to be that girl. I used to be in her place. Pero ngayon.. I don't know anymore. Alam mo ba, nung natapunan niya ako kanina ng tubig at sinamahan sa CR, tinanong niya ako kung okay lang ba sa akin na i-date niya si Josh. Okay lang daw ba sa akin na iba na ang pinagtutuunan ng atensyon ni Josh."

Napatahimik siya saglit, “Anong sabi mo sa kanya?”

“Sabi ko okay lang. Wala naman na kako akong karapatan kay Josh.”

“E ang tanga mo.”

“Alam ko na ‘yan. Hindi mo na kailangan isampal pa sa mukha ko ang katotohanan.”

“Ikaw lang e. Nasa kamay mo na binitawan mo pa.”

Kahit medyo masakit ang sinabi niya alam ko namang tama siya. Ako ang humingi ng space. Ako ang gumawa ng issue. Ako ang unang nang-iwan. Nang alukin niya ako bilang kaibigan, tinaggap ko yun para maging malapit pa rin sa kanya. Pero every time na gumagawa siya ng move para maipakita niyang gusto niyang ibalik ang dati, hindi ko siya pinapansin.

I pushed myself away from him. Tapos ngayong may kasama na siyang iba mag-iinarte ako? Ang kapal din naman pala ng mukha ko. Kaya lang hindi ko talaga mapigilan masaktan.

“You should have hold on a little longer. Hindi naman sa sinisisi kita kung bakit ka umiiyak ngayon pero kung tutuusin, a part of it is still your fault.”

“Geez. Thanks.”

“Will it make you feel better if I’ll say that we’re actually in the same boat?”

“Ha?” I asked, confused.

Napangiti siya at humiga sa may damuhan, “Nasasaktan ka. Nasasaktan din ako. Pakiramdam mo huli ka na. Pakiramdam ko rin huli na ako. Nanghihinayang ka kasi may mga bagay na pwede kang sabihin sa kanya noon pero hindi mo nagawa. Ganun din ako.”

Teka. Naguguluhan ako. Isa lang ang pumasok sa utak ko. Kung tama ako…. “In love ka ba sa bestfriend mo?”

“Cliché, right?”

Woah. Mahal niya ang bestfriend niya? Hindi ako makapaniwala. Hindi kasi halata. Sa kaunting beses naming nagkita, hindi ko siya nakitaan ng affection kay Sachi. Parang wala nga lang siya sa kanya e. Masabi lang na bestfriend.

“Ang gulo lang kasi ng feelings. Gusto kong umamin pero hindi ko magawa. Hindi naman ang rejection ang ikinakatakot ko. Natatakot lang ako na mawala ang kung anong meron kami. I’m afraid of changes. I’m scared to lose her before I could even call her mine. Isn’t that odd? You’re afraid to lose someone who’s not even yours.”

“Pero nawala pa rin siya sa’yo.”

“My fault. Masyado kasi akong natakot sa hindi magandang bagay na pwedeng mangyari. My pessimism made everything worse. And now, she’s gone. She’s dating someone new. I may act tough in front of her but everything just kills me inside. Alam mo bang bago siya pumayag makipagkita kay Josh she asked me first kung okay lang ba ‘yun sa akin. I said, yes. Stupid, I know. Kaya ngayon, ayan. Nababaliw na ako kakaisip kung ano ang pwedeng nangyari kung sinabi kong hindi at umamin na lang ako sa kanya.”

Hindi ko alam kung ano ang mas malala. Ang mabitawan ang bagay na hawak mo na o ang mahawakan ng iba ang bagay na konti na lang ay maaabot mo na.

***

Hinatid ako ni Jacob pauwi at sobrang gulat ko na lang ng makita si Josh sa tapat ng bahay namin. I was  so shocked I can’t even move.

Napalingon siya sa direskyon namin. Tiningnan niya ako at pagkatapos ay tumingin kay Jacob, “I think you need to talk.” Tinapik ako ni Jacob, “Bro, una na ko.”

Tinanguan lang siya ni Josh. Lumapit ako ngayon sa kanya, “Anong ginagawa mo dito?”

“Akala ko ba masama pakiramdam mo? Bakit parang nakipagkita ka pa sa kanya?”

“Nagpahangin ako at saktong nadaan siya. Bakit ka nga nandito?”

“I’m just checking if you went home safely. Looks like you’re okay since hinatid ka niya.”

“Oo nga.” I answered silently. “Pwede ka ng umuwi. Thanks for checking on me.”

"Sab."

Napahinto ako pero hindi ko siya nilingon. "Masaya ka ba?"

Hindi. Hindi ako masaya. Gusto ko sanang sabihin yan pero hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

"Oo." I lied.

"Answer me truthfully. Masaya ka ba?" Hindi ko siya sinagot at nanatiling nakaharap sa may gate.

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Parang tumatagos kaya kahit nakatalikod ako kinakabahan ako sa tingin niya, "Kung hindi ka masaya, ihihinto ko na ang lahat ng 'to. Kung hindi ka masaya gagawin ko ang lahat bumalik lang ang kaligayahan mo."

I'm not that selifsh, Josh. What if my happiness causes you sadness? Hindi ko kaya.

Napabuntong hininga ako, "Uwi ka na. Bye."

I don’t care if it’s rude pero bigla na lang akong pumasok sa bahay at iniwan siyang nakatayo lang sa gilid. Hindi ko naman kasi kayang makita muna siya sa ngayon. Kitang nagluluksa pa ang puso ko.

“Ilalagay mo sa friendzone tapos magseselos selos ka.”

Nanlaki ang mata ko ng makita ‘yung tatlo na nakaupo sa may garden at nakatingin lang sa akin.

“Nandyan pala kayo. Hindi ko napansin.”

“Ganun siguro talaga kapag nagseselos ano? Hindi na gumagana ang mga senses. Palibhasa namanhid na.”

Kung pwede nga lang sana na mamanhid na lang. Kung pwede lang wala ng maramdaman. Kung pwede lang.

"Mahirap ba? Masakit ba?" Tanong ni Yannie.

"Mahirap bang magpanggap na masaya? Masakit bang makitang may kasama siyang iba?" Dagdag ni Ayu.

Napapikit ako. Pinipigilan kong tumulo ang luha sa mata ko, "Mahirap. Masakit. Sobrang sakit."

Naramdaman ko ang pagcomfort nila at pagyakap sa akin. Hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak.

"Ang sabi mo dati hindi mo alam kung kailan ang tamang oras para makipagbalikan sa kanya. Pinapangunahan ka kamo ng takot. Ngayon ba alam mo na?" Tanong ni Zoe.

I nodded, "Bago pa siya makuha ng iba. Too bad I'm too late."

***

Tweet or message me sa FB kung sino ang gusto niyong next. YanniexXander or IcexZoe. Thank you. xo

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindWhere stories live. Discover now