Battle 4

1.6M 33.3K 13.7K
                                    

Ice' POV

Two years? Sino mag-aakalang dalawang taon na pala magbuhat ng mapasagot ko siya. Mahirap sa una, buti sa dulo, nakuha ko rin siya.

Tahimik akong nakatitig sa nag-eedit ng picture na si Zoe. Anong ginawa sa akin ng babaeng 'to at bakit patay na patay ako sa kanya? Daig ko pa ata ang nagayuma. 

Napatingin siya sa akin at napakunot ang noo, "Nakatitig ka na naman. Malusaw ako niyan." Nginitian ko lang siya kaya tiningnan niya ako ng masama at napairap.

"Ice." hindi ako sumagot at tiningnan lang siya. "Tingnan mo nga mga 'to. Ano mas maayos na shot?"

Ihinarap niya ang laptop sa akin. Tiningnan ko 'yun saglit at tiningnan ulit siya. Damn. Bakit parang habang tunmatagal lalo siyang gumaganda sa paningin ko?

"I'm torn between the third and fourth picture."

Parang dati lang patingin tingin lang ako sa kanya sa malayo tapos ngayon kami na.

"Ito kasing third, maganda sana pero parang medyo malayo. Kung izozoom ko naman, baka lumabo."

'Yung nakaraang dalawang taon ang pinakamasayang taon ng buhay ko. Masaya naman ako nung wala pa siya. 'Yun nga lang, mas sumaya ako nang dumating siya.

Kaya lang ngayon, mukhang hindi ko na magagawang sumaya kung hindi ko siya kasama. Maisip ko pa nga lang 'yun parang mababaliw na ako. Nakakabading man sa paningin ng iba pero wala eh. Panang pana ako ni kupido.

"Kaya lang 'yung pang-apat parang.. hindi ko alam. Ugh! Bakit ba hindi na lang dalawang picture ang i-feature sa school newspaper para hindi ako nahihirapan mag-isip ng flaws ng dalawang picture na 'to."

  

Dati rati nababaduyan ako sa mga taong sasabihing pinana sila ni Kupido pero ngayon, ito ako.. T*ngina, mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to at hindi ko alam kung bakit lagi ko nalang iniisip kung gaano ko siya kamahal.

"Ice, nakikinig ka ba?"

Siguro kung bibigyan ako ng pera sa bawat minuto na inisip ko si Zoe, ang yaman ko na siguro.

"ICE!"

"Huh?"

"Ay naman! Hindi ka pala nakikinig! Kanina pa ako nagsasalita dito!" nagagalit na't lahat maganda pa rin. "Ano ba kasi 'yang iniisip mo at tulala ka na naman?!"

Napangiti ako sa tanong niya. Tae. Naiisip ko palang na naiisip ko siya nangingiti na ko.

"Wala naman."

"Bwisit 'yang wala naman na 'yan. Kainis. Sumagot ka na nga lang. Ano ba mas maganda sa dalawang picture?"

Tinuro niya ang dalawang litratong pinagpipilian niya at inobserbahan ko naman 'yun parehas. Nang makapili na ako ay tinuro ko 'yun sa kanya at inedit niya naman.

Habang nag-eedit siya, napangiti ako at tinawag siya.

"Hmm?" tanong niya habang nakatutok pa rin sa laptop niya.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon