Chapter 22

5.4K 129 1
                                    


Samantha's Point of View

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag ring ito. Napangiti naman ako nang makita ko ang pangalan ni Luke sa ID caller.

Months passed,Luke and I became stronger.Alam na din ni Tita Allison ang totoo. Legal kami pareho sa magulang namin and i'm so happy.

"Hello? "

"Sandy,let's eat.Papunta na ako sa office mo. " hinawakan ko ng kaliwang kamay ang phone ko habanh ang isa naman ay nasa mouse ng computer ko, nag-eedit kasi ako ng pictures.

"Sige, gutom na rin naman ako eh. Hintayin kita. "sagot ko habang ginagawa ang trabaho ko.

"Alright,I love you. " I smiled.

"I love you too. Ingat ka. "

"Yes Boss. " sabi niya na nagpatawa sakin.

"Bye. "sabi ko at pinatay ang tawag. Agad kong tinapos ang edit na ginagawa ko at sinave ito sa isang folder.

Agad akong nag-ayos ng sarili pati narin ng office ko.Napatingin ako sa paligid.

Malapit na pala akong umalis dito. Kinuha kasi ako ni Luke as a photographer ng compamy nila para sa mga pictures.

Tinanggap ko naman,dahil malaking opportunity na iyon. At isa pa, sabi ni Luke,delikado daw tuwing gabi dito kaya sumunod naman ako at di na nagreklamo pa.

Narinig kong may pumasok ng shop dahil narinig ko ang bell nito. Napangiti ako dahil alam kong si Luke na ito kaya agad kong sinalubong.

"Luke--"napatigil ako nang may makita akong lalaking nakatayo sa may pintuan. Hindi siya si Luke.

"Oh Hi. I'm sorry to interrupt you."nakangiting sabi niya.

Gwapo siya. Maputi at may dimple. Pero familiar siya sakin hindi ko lang matandaan.

"Yes Sir? Ano po iyon? "tanong ko sa kanya.

"Kukunin lang kitang photographer sa photoshoot ng kapatid ko, magdedebut kasi siya. " napatango ako sa sinabi niya at bumalik sa office ko para kunin yung registration.

"Just fill this up Sir--? "

"Edward. "sabi niya at ngumiti ulit.

Edward? Did I just heard that name before? Sino ba siya?

Kinuha niya ang registration paper at ballpen na hawak ko at sinagutan ito.

Sandali ko siyang tinitigan habang nagsasagot.

Familiar talaga siya sakin. And naiinis ako dahil isip isip ako ng isip kung sino siya pero hindi ko maalala.

Saan ko nga ba siya nakita?

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig kong mag-bell ulit ang bell ng front door ng office ko.

Nakita kong pumasok si Luke kaya agad ko siyang sinalubong.

He kissed my forehead gaya ng ginagawa niya tuwing nagkikita kami.

Napatingin siya sa lalaking nagsasagot ng registration form at tumingin sakin na parang nagtatanong kung sino siya.

"Customer. "bulong ko.

"Tapos ko na----Luke? "nagtaka ako dahil kilala niya si Luke. Tinignan ko ang mukha ni Luke at kita sa mukha niya ang gulat.

"Edward? "tanong niya.

"Long time no see Bro? "tanong naman nung Edward.

"You knew each other? "tanong ko. Napatingin sila sakin.

"Hindi mo naaalala? He's Edward,my best bestfriend. "and with that parang biglang nagflash back yung time na pinakilala sakin ni Luke si Edward through the picture.

"Ay naaalala ko na. "sabi ko at humawak sa ulo ko. Makakalimutin na ata ako?

"Edward, she's Samantha,my girl friend. "sabi ni Luke at inakbayan ako.

"Edward. "he offered his hand to me which I gladly accepted.

"Nice to meet you. "sabi ko.

"Nice to meet you too. "

______________

•itutuloy.....






When Miss Piggy Turns Miss SexyWhere stories live. Discover now