Ika-apat na Kabanata

1.1K 39 11
                                    

Amelia
Hulyo 11, 1880

"Amelia, hija, ayos ka lang ba? Ba't ang putla mo't namamawis ka pa?" tanong ni Doña Soledad at hinila ako mula sa tabi ni Francisco. 

Maraming salamat, po! Hulog ka ng langit!

"M-ma-masama p-po ang a-aking p-pakiramdam," nilagnat  po ako bigla sa ginawa ni Francisco, Doña Soledad! Kailangan ko po ng habang-buhay na pagtatago sa kwarto para hindi ko makita ang kanyang pagmumukha, hehe.

Pero seryoso, sana tumalab. Yoqo na di2.

"Ganoon ba?" tanong niya at malungkot na napatingin kay inay. Agad namang lumapit si inay sa akin at hinawakan ang aking leeg--at sinakal. 

De biro lang hahaha. Syempre hindi n'ya gagawin 'yun kasi may mga bisita kami. Pero baka kapag wala, aba baka magbalak na siya na patayin ako.

Hahaha biro lang ulit.

"Hindi ka naman mainit, anak. Siguro ay kinakabahan ka lang kasi nandito si Francisco, hihihihi ayiiee--ahem. Iinom mo lang 'yan ng tubig at gagaan na ang iyong pakiramdam." sabi niya at nginitian ako--o ngisi ba iyon, nay?

WAAAAH INAY! BASAHIN MO ANG SITWASYON!

Hays! Huling subok at baka gumana na. Nasasayang ang hirap at sikap ko sa pag-arte na nahihilo dito eh.

Pero seryoso ba sila? Namutla ba talaga ako? Luuh.

Heto na. "P-pero m-masama po t-talaga ang aking p-pakiramdam," sabi ko kay inay dahilan para lumapit siya sa akin at hinawakan ako sabay bulong ng, "Anak, mamaya ka na mahimatay, pakiusap. Batid ko'y masarap magluto si Doña Soledad, sayang naman iyong dinala nilang ulam oh. Kain na muna tayo kasi nagugutom na ako hehe." 

INAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAY!

*~.~*

"Amelia, bakit hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain? Ayaw mo ba sa niluto ko?" malungkot na tanong ni Doña Soledad. 

PAANO PO AKO KAKAIN NANG MAAYOS KUNG KATABI KO PO ANG ANAK NINYO? SINONG MAY PAKANA NITO?!

"Ah, ano po kasi, masama po kasi talaga ang aking pakiramdam, Doña Soledad." sabi ko at pinahid gamit ang aking panyo ang kunwari'y namuong pawis sa aking noo. Nag-aalala naman n'ya akong tinignan at napatingin kay Francisco. Dahil sa kanyang ginawa'y napasulyap din ako sa kanyang anak na eksakto ding patakaw na susulyap din sana sakin kaya agad kong nabawi ang aking mga tingin habang nanlalaki ang mga mata.

Nakngtokwa nagkasalubong mga titig namin dre!

Sobrang lakas naman ata ng kabog ng puso ko. Labis naman na ata ito para sa kinakabahan. Atsaka bakit ba'ko kakabahan sa kanya? Nagulat lang ako dahil sabay kaming napatingin sa isa't isa, 'yun lang. . .sana.

"Hay, dahil ayoko naman na magkasakit ang mapapangasawa ng aking anak, mas mabuti nga na magpahinga ka muna." sabi ni Doña Soledad at nginitian ako. "Talaga po?!--este, maraming salamat po, Doña Soledad." buhay na buhay na sabi ko habang nakangiti pa. Tumingin naman siya sa aking inay ngunit parang nilalasap n'ya pa ang sarap ng pagkain na nakaharap sa hapagkainan. Hays, mabuti pa si inay, kain lang nang kain. Mamaya nalang siguro ako kapag nakaalis na sila. Hindi naman ata mauubos ni inay iyan lahat.

The Half FilipinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon