Chapter 1

114 3 9
                                    

Napangiti agad ako pagkakita kay Ivan na papasok ng canteen. He's my ultimate crush.

Nakasabayan niyang pumasok ang mga kaibigan kong sila Laurence and Miguel.

Childhood bestfriend ko si Laurence at si Miguel naman ay friends na namin since grade school pa. Magpinsan naman si Miguel at Ivan.

Miguel tapped Ivan's shoulders when they parted ways. Sinundan ko naman ng tingin si Ivan habang patungo sa table kung saan naka pwesto ang mga kaibigan niya.

Tinaas ni Aj ang kamay niya para makita kami nung dalawa.

Aside from Laurence and Miguel, kaibigan ko rin siya since 2nd year, she's a transferee student that time. We became friends because we are partners in reporting nu'ng 2nd year din. Feeling close ako nun kaya naging magkaibigan kami.

Nanatili akong nakatingin kay Ivan hanggang maupo siya, buti nalang at nakaharap sa'kin ang pwesto niya. Ang tapang kong tumitig sa kanya kapag hindi siya nakatingin pero kapag nahuli niya naman ako pakiramdam ko may ninakaw akong mahalagang bagay or may ginawang masama dahil sa sobrang kaba.

Magaling magluto si Ivan hobby niya 'yun, doon siya magaling maliban sa pagiging nonchalant. Sabi ni Miguel nakahiligan na nila ng Mama niya ang magluto.

It's been three years since I like Ivan at hindi ko inaasahang tatagal ng ganito. Marami akong naging crush pero lahat ng 'yun hindi naman umaabot ng ilang buwan pero ito three years and counting pa. First year kami nung magkagusto ako sa kanya, I don't know how it happened basta pagkagising ko gusto ko na siya at third year highschool na kami nu'ng inamin ko kay Aj na gusto ko si Ivan, sa kanya ko lang sinabi pero nalaman ng dalawang ugok. Hindi ko nga rin alam kung bakit sa lahat ng naging crush ko sa kanya ako mas kinikilig kahit wala siyang ginagawa, kahit nga 'yung presensya lang niya hindi na ako mapakali. Nagfe-feeling pa nga ako na kapag nakatalikod ako or busy ako makipag-usap sa iba ay nakatingin siya sa'kin.

Ganu'n ako ka oa.

"Aray! Bwesit ka!" napaigtad ako sa biglang pagkurot ni Laurence ng ilong ko. Sakit nu'n!

"May balak ka pa bang mag lunch o baka nabusog ka na dyan sa tinitignan mo?" Tanong niya.

"Dream girl living in a dream world." kanta bigla ni Miguel na nilapit pa ang mukha sa'kin, tinulak ko agad 'yun palayo, baka magpalit pa kami ng mukha. "Napaka-jejemon ng kanta mo." pangbabara naman ni Aj sa kanya.

"Wow! Parang hindi ka dumaan sa pagka-jejemon Aria ah."
"Dumaan ako pero hindi tumambay kagaya mo."

Hinayaan ko nalang silang mag-asaran at palihim akong tumingin kay Ivan na ngayon ay kunot-noo nang naka tingin sa cellphone niya. Hindi ba nangangalay 'yang noo niya?

"Ganu'n pa rin ba sa inyo?" tanong ni Laurence, kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko. Tumango kaming dalawa ni Aj tsaka ako nagkuha ng pera sa wallet ko. "Pabili na rin ng yakult, tatlo. Thanks." Nginiwian ako ni Laurence pero tinanggap din naman 'yung pera ko. "Ibibigay mo na naman sa crush mo?" tumango agad ako sa sinabi niya.

Umayos ako ng upo tsaka uli tinitigan si Ivan, siya lang 'yung naiwan sa table nila dahil umorder na 'yung mga kaibigan niya.

"Hindi ka ba napapagod?" biglang tanong ni Aj. Nabaling ang tingin ko sa kanya. Tumaas ang dalawang kilay ko, nagtatanong.
"Ang tagal mo na siyang gusto, binibigyan mo ng pagkain, regalo at may love letters pang kasama pero wala namang nagbabago, hindi ka nga pinapansin pero sure naman akong may idea siyang gusto mo siya."
"It's okay, basta nakikita ko lang siya palagi." ngumiwi siya, hindi sang-ayon sa naging sagot ko.

"Psh! Walang taong hindi hiniling na sana magustohan din ng taong gusto nila." Natahimik ako sa sinabi niya kasi totoo.

Sino ba kasing hindi nangarap na hindi e crush back ng crush nila, diba? Pero ayaw kong e take 'yung risk kasi klaro pa sa sikat ng araw na hindi naman niya ako magugustohan.

My First Love (ON GOING)Where stories live. Discover now