Chapter Thirty

4.8K 192 8
                                    

Note: SPG

----

"MAARI mo bang sabihin sa amin, kung nasaan ka ng mga oras na ito, Ms.Jallores?" Tanong ng tumayong abugado ni Kevin, its his friend who's from law school - Tom.

Excuse me, it's Mrs.Delaverde.

Pinigilan niya ang mapangisi. This should be a serious matter! But, two months have passed yet she couldn't still believe that she's indeed.. married!

"This photo was taken two years ago, dated June 19, 2022. Kung hindi ikaw ang nasa litrato, nasaan ka?"

"I'm working as a housekeeper at Hotel Martinez. I am a working student, sa umaga nagtratrabaho at sa gabi, nagaaral. Pwede ninyong tanungin ang mga kaibigan ko kung nakikita ba nilang kasama ko si Kevin tuwing papasok at uuwi galing sa school lalo na't magkaiba na kami ng schedule?"

Natahimik ang lalaki at tumingin kay Kevin na tila naalarma sa sinabi niya. "Simula nang magbago ang school hours namin, doon na nagsimula ang pangbababae ni Kevin"

"Ms.Jallores, this is not the time to go back to the memory lane. The only time you should go back was on June 19, 2022." ani ng mediator.

"Yes, Ma'am" aniya, "But I would still deny his accusations. June 19, 2022 was a Sunday. I am working at Hotel Martinez that moment for it was a holiday, double pay so I took it. Malabo na ako ang nasa litrato dahil iyang araw mismo ay wala si Mr.Makuntento sa Pilipinas, he was on a vacation with his.. family"

Nilapag ni Daniella ang mga litrato ni Kevin kasama ang that-time girlfriend nito sa Indonesia. Dated June 19, 2022.

"And with all due respect, she's here to bear witness in my part that she's indeed with Mr.Makuntento that day"

Napasinghap si Kevin nang makita ang dati nitong kabit noong silang dalawa pa. She grinned. Akala ba nito ay bobo siya at magpapa-api?

She used to be a Jallores! Kahit hindi nananalantay sa dugo pero sa puso, nakatatak na!

Anong ginawa niya?

After their intimate wedding, syempre naman nagpainom si Gryffin para sa dalawa nilang bisita-- Si Judge Quintos at si Slyther.

Daniella grabbed the opportunity na makapagpa-legal counsel sa mga ito and she did what they advised her to do.

They asked her to know the time, date and exact location of the evidence. Numbers do not lie, mula doon makakakuha na ng ebidensya laban sa statement nito.

Slyther pulled out some of his strings para mas mabilis ang resulta, though it took couple of months but tada! They were right! Nang tanungin si Kevin kanina kung anong araw at oras iyon ay tila nawala na sa hulog ang lalaki. He took the bait and now- he's facing his own demon.

Buti na lang at uso na ang social media kaya natunton pa niya ang totoong babaeng nasa photo but wait, there's more...

Hindi alam ni Daniella kung papaano napalabas ni Gryffin ang nagedit ng photo. Inamin nito na binayaran sila ni Kevin para lang makaganti sa kanya sa pagpapahiya sa kanya noon.

Karma is indeed a real bitch!

Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ang Dean at ito ang mismong nagsabi na, "Ms.Daniella Jallores was indeed the victim of this scandal. Therefore, Mr.Kevin Makuntento should faced the consequence of this case, I am sorry but you are expelled in this college."

Napapikit si Daniella sa narinig. Hindi naman niya nais na humantong pa sila sa ganito pero hindi na niya hawak ang desisyon ng administrator.

When it was done. Nakita niyang nakatingin sa kanya si Kevin.

Beautiful DisasterOn viuen les histories. Descobreix ara