"Saan nagta-trabaho ang mga magulang mo?" Ani ng gwapong lalaki. Bumaling ako sa kanya. Nakaupo siya doon at nakahalukipkip. May tasa sa gilid niya. Kinuha niya 'yon at sumimsim ng hindi nilulubayan ang mga mata ko.

"Si papa ay isang trabahante si mama naman ay nagbebenta ng gulay sa bayan." Nilaro ko ang aking kamay sa halamang nasa harap.

Tumango siya. "You want?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling.

"Hindi po ako nagkakape."

"Oh." Binasa nito ang labi saka tumikhim. Hindi naalis sa kanya ang mga mata ko dahil magandang hubog nitong katawan. Naka itim siya na sando at maong. Medyo basa rin ang kanyang buhok dahil sa pawis.

Lumapit ako. Marahan akong umupo para hindi makalikha ng ingay. Humaba ang leeg ko sa ginagawa nito. Nagtitipa siya sa kanyang cellphone, mabilis ang bawat daliri niya ng biglang bumaling sa akin. Sa gulat ay hindi ako kaagad nakaayos. Huling-huli niya ang titig ko at kahit anong iwas ay hindi na maibabalik ay halata masyado.

"Sorry." Pinagtabi ko ang aking mga tuhod. Napayuko ako habang pinaglalaruan ang daliri.

"Wanna see?" Inilapit nito ang cellphone sa akin. Masyadong malabo 'yon para mabasa ko kaya di ko na lang pinilit. Marahas niyang hinablot ang aking kamay at nilagay doon ang kanyang cellphone.

Nagulat ako kaya naging late ang reaction ko. Napatitig ako doon. Anong gagawin ko dito?

"You read it."

"H-ha?" Nauutal kong sagot. Binasa ko ang nakasaad para matigil na siya. Mga mensahe 'yon sa iba't ibang tao at karamihan ay hindi ko maintindihan dahil puro lang sa negosyo. Binalik ko sa kanya ang cellphone ng mabasa ang lahat. Gulat parin sa naging asta niya.

Nagdala ng meryenda si senyora ng dumating ang hapon. Tapos na kami sa pag aayos ng mga halaman kaya naiinip ako at gusto ko ng gumawa muli.

"Malalago ang mga halaman ko ngayon mukhang swerte ako sayo, Nara."

Natatawa akong bumaling sa senyora. Sinuri ko ang mga naayos namin na halaman. Nagkaroon ng bagong tubo ang karamihan, ang iba naman ay may mga bulaklak na.

Lumapit ako sa lamesa para kumuha ng pang meryenda ko ngunit lumapit na ang lalaki at binigyan ako. Tinapay 'yon at humahalimuyak ang bango nito. Natakam ako.

"Kumain ka narin." Kumagat ako sa aking tinapay ng hindi tinatanggala ng tingin sa kanya.

"Tapos na ako. You should finish yours, pagkatapos mo ay ihahatid na kita."

Halos malaglag ang panga ko sa kanyang sinabi. Malinaw naman ang pandinig ko ngunit tama bang ihahatid niya ako? Muli? Hindi ako nag-iinarte! Ngunit iniisip ko baka marami siyang ginagawa.

"Maaga naman ako uuwi kaya ayos lang saka mukhang marami ka pang gagawin." Ngumuso ako.

Ang lakas kong sabihin na alam ko kung may gagawin siya, e hindi naman ako sigurado!

"Wala akong gagawin. I'll be here until saturday so..." siya naman ang ngumuso. Kinagat ko ang labi. Ang cute niya!

Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako kay Senyora na uuwi na ako. Hindi ko rin masisigurado kung makakapunta akong muli dahil may pasok na sa susunod na linggo. Pero gagawan ko naman ng paraan. Nakasanayan ko ng magpunta dito kapag wala akong gagawin kaya kung may pagkakataon akong maisingit ang pagpunta dito ay gagawin ko 'yon.

Unwavering Love (Major Revision)Место, где живут истории. Откройте их для себя