Chapter 6

486 16 2
                                    

Nandito ako ngayon sa NAIA looking for Jecs. Nasaan ba kasi yun? Imposible namang naligaw yun dito noh? When I got tired looking for him, I decided to call him sa number na ipinantext niya sa akin.

" Where the hell are you?! " naiiritang sabi ko sa kabilang linya.

" Baby, chill. Look at your left side. " sabi niya kaya naman tumingin ako sa left side ko at nandoon nga siya.

Wearing a sky blue v-neck shirt and a white pants. Grabe lang yung impact ng outfit niya dahil sa skin complexion niya. Sobrang gwapo niya. Napabuntong hininga ako, he's just so handsome.

He waved his hand at me saka kami naglakad palapit sa isa't isa. He hugged me so tight.

" I really need you right now. " sabi niya sa akin kaya naman hinaplos ko ang likod niya.

" I'll let you stay at my house. Let's go. " I said kaya naman kumalas na kami sa pagkakayakap at byumahe pauwi sa bahay.

Pagkarating namin sa bahay ay halata sa kanya ang pagka shock.

" Your house is huge! It's bigger than our apartment in Paris. " he mentioned.

Yep, we live in the same roof sa Paris. Mabait naman si Jecs and I'm sure he's harmless. Abot langit ata ang respeto niya sa akin. 

" Hmm. You're alone here? No maids?! That's boring and lonely. " reklamo niya kaya naman binatukan ko.

" Utang na loob Jecson, nasa Pinas ka so please speak using your native tongue baka ma low blood ako kaka-english mo. " I joked kaya naman ginulo niya ang buhok ko.

" Urghh. My hair. " reklamo ko.

" Ang arte... " sabi niya na medyo slang pa rin dahil hindi na talaga siya nagtatagalog simula ng umalis siya ng Pilipinas at pumuntang Paris.

" Ano bang drama mo at ginamit mo na naman yung famous line mo kagabi. " sermon ko sa kanya, bumuntong hininga siya kasabay ng pagbagsak ng balikat niya.

" Can we eat first. I'm starving. " he said kaya naman nagluto na ako ng spaghetti, yun kasi ang stress killer ni Jecson, favorite niya kasi ang spaghetti.

Nung maluto ko na ay ipinaghanda ko na siya, mabilis pa kay Flash na kinain niya yun.

" Eat slowly Jecs. " I said and he obeyed immediately, uminom siya ng tubig.

" Baby, you're really a good cook. " he said and for the past 2 years of being with him I'm always hearing the same thing almost everyday.

" I know, you always reminds me about it but that's not the issue. What's your problem? " I asked again. Iniiba kasi niya ang usapan.

" Ka- " hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang doorbell. " I'll get it. " sabi niya, hindi na ako kumontra baka kasi yung hired na maid lang yun na naglilinis ng bahay once a week.

" Baby, you have a visitor. " sabi ni Jecs, sapat na para marinig ko kaya naman ay lumapit na rin ako sa may pintuan.

" Huh? I'm not expecting anyone. " kontra ko pero natulala ako nung makita ko kung sino ang nasa may pintuan.

" Hi, Stella. May kasama ka pala. " he said without looking at me Kay Jecs lang siya nakatitig.

Naku! John! You should stop staring at him. Gulo yan. Gulp talaga yan.

Gusto ko mang sabihin yun, iba ang lumabas sa bibig ko.

" Ah, Jecs meet John my friend. John meet Jecs my- " hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang iniabot ni Jecs ang kamay niya kay John.

Denying Love (Slow Update)Where stories live. Discover now