Chapter 10

586 19 10
                                    

Pagkarinig ni Jecs sa tanong ay awtomatiko siyang umalis sa upoan, sabi niya tutulong sa pagkuha ng juice pero alam ko na gusto lang nila na makapag-usap kami ni Tito ng maayos. Ang OA naman kung apat silang magtitimpla ng juice di ba?

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi ni Tito Shin. He wants me to reconsider the engagement, akala ko pa naman naka move on na kaming lahat sa usapang yun. Tatanggi ba ako? Sasabihin ko na hindi ko gustong ituloy yun pero baka isipin naman nila na hindi pa rin ako nakaget-over sa nangyari? Pwede ko pa rin naman i-consider, tutal matanda na kami ni John pareho. Alam naman na namin yung makakabuti at makakasama sa amin.

"May alam po ba si John tungkol dito?" I asked him. Iling lamang ang isinagot niya. "Mas okay po siguro kung alam naming pareho para malaman ko rin kung tatanggi siya o hindi." Pagpapatuloy ko.

"My son won't be against this Hija." Puno ng kompyansa niyang sabi.

"Do I need to answer your question today Tito?"

Tumawa siya ng mahina, ano bang mali sa sinabi ko? Wala naman.

"No. Of course not. You can take your time, mas okay kapag napag-isipan mabuti at na-consider ang feelings ng both sides. Yun kasi ang mali namin before di ba? This time, gusto ko pareho niyong gusto or walang tutol sa inyo." Sabi ni Tito Shin.

Naconfuse ako sa pagkakadawit ng term na 'feelings' sa usapan namin pero hindi ko na lamang pinansin, sakto ring dumating yung apat na nagtimpla ng juice, may dala rin silang sandwich.

Nagkamustahan lang kami about business, tungkol sa parents ko and tungkol sa experiences ko sa Paris. After that, nagpaalam na kami ni Jecs, ayaw pa nga akong pauwiin ni Trisha pero sinabi ko na may gagawin pa akong importante.

Habang nagmamaneho si Jecs ay nagtanong na siya. Alam ko namang kanina niya pa gustong magtanong e, humanap lang siya ng tiyempo.

"So what did you tell him? A no or a yes?" He asked while still looking on the road. Sinandal ko ang ulo ko sa window, feeling ko kasi sasabog yun kaiisip sa sinabi ni Tito. Kapag binabalikan ko kasi yung usapan namin naiinis ako sa part na 'feelings' at 'dapat gusto namin pareho'. Implicit man yun, alam kong pinaparating niya na may possibility pang bumalik yung feelings na mayroon noon.

"Hey!" Sabi ni Jecs, this time tinapik na niya ang legs ko para mabalik ang isip ko sa real world.

"I think it's between yes or no? Sabi ko kasi pag-iisipan ko pa." I said. Umiling siya.

"That was actually a yes, Stella." He confidently said. Nakarating kami sa bahay nang napapaisip pa rin ako. Pagbaba ko ng bag ko ay nagsalita na ako.

"Whay do you mean it was a yes? Sabi ko pag-iisipan ko, which means 50/50 ang chance." I explained myself.
Kumuha siya ng pitsel ng tubig sa ref at nagsalin sa baso, iniabot niya sa akin ang baso.

"Because you won't hesitate to say no kung ayaw mo talaga. Come on Stella, you really want reconsider it."

Napaisip akong lalo sa sinabi niya. Kung ayaw ko nga naman na ituloy yun, madali lang tumanggi pero sinabi ko pag-iisipan ko that made him think na gusto ko ang binabalak ni Tito.

"Ano? Napapa-realization hit me ka na ba?" Pang-aasar niya pa.

Kaya ko lang naman sinabi na pag-iisipan ko kasi gusto ko munang makausap ang parents ko. I want to know what's their say on this matter. Gusto ko ring makausap si John about it para malaman kung go ba siya or not. If we act maturely on this situation, it would be an arrangement with purely business and fulfilling his mother's wish.

"Ayoko lang kasing umasal ng hindi maganda and in fact, naisip ko rin na makakabuti yun sa business ng both parties. " Pagdedepensa ko.sa sarili ko.

Denying Love (Slow Update)Where stories live. Discover now