FORTYTWO

77 5 3
                                    

KATH’S POV

"Di parin ba kayo nakakapag usap?" Jops

"Nag ttext kami, pero sobrang minsan lang. Pag i-bbring up ko na may dapat kaming pag usapan, lagi niyang reply "next time nalang Kath" tapos ang cold lang niya lagi." Ako

"Tapos? Wag mo sabihing sa isang buong week hindi kayo nagkasama sa school? Alam kong malaki university natin pero imposible namang di pa kayo nagkasama?!" Jops

"Hindi nga.. Pag makikita ko siya, ngingitian niya lang ako. Wala man lang "hi" o "hello"" Ako

"Tindi na niyan Kath. Hay. Ubusin na natin tong pitcher bago pa maulit satin yung nangyari last week. Hahaha" Jops

Napatawa ako kay Jops. Kahit pa umiinom na naman kami ngayon sa GP, di na ko papayag mangyari ulit yung last week. Hassle kaya! Pati si manong tricycle driver, naistorbo pa ng love life namin ni Quen!

Naubos na namin yung pitcher. Tawa parin kami ng tawa habang palabas ng GP.

"Kath!"

Napalingon ako sa tumawag sakin..

"..DJ?"

DJ’S POV

Lumapit sa table namin si Kath at Jops

"Uy! Anong meron? Anong ginagawa niyo dito?" Jops

Anong ginagawa mo kasama si Kath?

"Ah wala, celebrate lang ng birthday ko!" Zharm

"Libre ni DJ eh! Haha. Hi Kath!" sabay apir ni Moe kay Kath

Isa ka pa Moe, eh! Pati ba tong pinsan ko magkakagusto kay Kath??

"Oo nga! Happy birthday!" Kath

"Thankyou! Upo muna kayo. Jops si Moe nga pala, pinsan ni DJ" Zharm

"Nice meeting you pre!" Jops

Umupo sila sa harap namin. Tawa ng tawa kasi nadulas pa si Jops. Teka, may tama na ba tong si Kath? Eh malakas to pag inuman ah.

"Wait, kayo Kath? Ba’t napapadalas ata GP niyo? BH?" Zharm

BH? Ano yun? Broken Hearted? Wala na sila ni Quen?! Tatamaan talaga sakin yun eh.

"Haha. Wag na natin pag usapan. Birthday mo no— ARAY JOPS!! Yung payong mo naman?! HAHAHA!! Ang sakiiit.. Natusok ako sa mataaaa huhuhu" Kath

"Ay!! HAHAHA. Sorry! Tinitignan ko kasi kanina ayaw bumukas, pero ayan okay na ulit! Haha! Halika nga patingin?" Jops

Lumapit naman si Jops sa mukha ni Kath para tignan ng mabuti yung mata niya. Tangina sobrang lapit na ah?!

Nagulat ako nang siniko ako ni Moe.

"Insan, hindi mawawala yang Jops na yan sa death stare mo. Umayos ka, baka mapansin ni Zharm na kanina ka pa hindi umiimik diyan sa kakatitig kay Kath at Jops" bulong sakin ni Moe

"Hayaan niyo na nga, wag niyo na galawin baka lumala pa." matigas kong sinabi.

Napansin ko naman biglang kumapit sa braso ko si Zharm. Panigurado issue nanaman to mamaya.

"Haha. Sorry Kath. Eto nalang, bibili nalang ako sa labas ng makakapagpasaya sayo, ano ba gusto mo?" Jops

"Hmm, icecream!" Kath

"Okay okay. Hintayin mo ko tapos pagka kain mo, hatid na kita pauwi ha?" Jops

Ayan, tama yan. Umalis ka na. Iwan mo dito si— teka, hatid?!

Nagkwentuhan si Kath at Moe habang ako pinagsasabihan nanaman ni Zharm. Etong si Moe, konti nalang pepektusan ko na eh!

Maya maya, dumating na si Jops. May dala dalang.. popsicle. At cheese pa.

*flashback to CHAPTER THIRTYSEVEN*

"Kath, oh. Kainin mo na yan. Binagyo na kami at binaha para lang diyan! Huhu" sabay abot ni Moe ng popsicle kay Kath. Cheese flavor pinili ko, mahilig kasi si Kath sa cheese.

"Kasi naman no! Sino ba nagsabi na pumunta kayo?? Kala ko naman nangttrip lang kayo! Haha pero thankyou ha?" Kath

"Pwede ba namang hindi kami pumunta, eh sino nalang magbibigay ng icecream mo diba?" Ako

...

Si Kath minsan talaga bigla bigla natutulala. Yan tuloy!

"Yung icecream!" buti sakto nasalo ko yung patulo na sana na icecream ni Kath

"Ay! Ano ba yan, isang drop lang, nagmamadali na saluhin??" Kath

"Ganun talaga pag importante at pinaghirapan, sasaluhin mo talaga dapat" sabay nginitian ko siya.

"Pero.. yung icecream yuuuun." Agad na singit ni Moe.

...

"Bye Moe! Nice meeting you too! Salamat sa pag tawid ng baha para sakin ha? Hahaha" Kath

"Bye DJ! Thankyou nga pala sa icecream!" nagwave sakin si Kath at nginitian nanaman ako

Hindi ko na kaya. Niyakap ko na si Kath. Matagal din.

"Thankyou para dito Kath.. Miss na miss na kita.. Alam kong di parin tayo pwede, pero salamat pinasaya mo ‘ko sa birthday ko.." bulong ko sakanya at tinanggal na yakap ko sakanya.

*end of flashback*

Nagkatinginan kaming tatlo ni Kath at Moe nung binigay ni Jops kay Kath yung popsicle.

"Oh? Ba't natahimik kayo?" Zharm

"A-ah wala! Nainggit lang kami kay Kath." Moe

"Sorry guys wala na kong pera, di ko na kayo malilibre! Hahaha!" Jops

Lahat kami tahimik habang inuubos ni Kath yung popsicle niya.

"Ubos mo na? Tara na, hahatid pa kita. Oh, Pano guys? Alis na kami ha? Happy birthday ulit, Zharm!" Jops

"Bye guys! Happy birthday Zharm!" nag beso naman si Kath at Zharm

"Bye! Thankyou! Ingat kayo ha?" Zharm

Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Moe

"Tama na yung "bye", insan. Baka nakakalimutan mo, may Zharm ka parin. Katabi mo pa." bulong sakin ni Moe sabay tayo para bumeso kay Kath

"Bye Kath! Bye pre, ingatan mo ha?" sabay apir ni Moe kay Jops

"Oo naman! Bye DJ!" nag apir din sakin si Jops

"Bye Moe, Bye DJ!" Kath

Nagkatinginan kami ni Kath ng matagal.. Sana ako nalang maghahatid sayo Kath..

"Bye Kath.."

Kailan kaya kita makakasama ng pwede na tayo..

The One That Saves MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon