Pigilan niyo ko. Puputulan ko talaga ng dila ang lalaking ito!

Sa isang iglap nawala ang nakakainis na ngiti sa mukha niya dahil napaupo siya sa sobrang lakas ng suntok ni Ash.

"Walang sinuman ang may karapatang insultuhin siya!! Ako lang ang pwedeng manakit sa kanya! Tanging ako lang!" nakakuyom na sabi ni Ash

Napadura naman ng dugo si Cael. Pinunasan niya ang dugo sa labi niya saka ngumisi.

Nakita kong mas lalong nainis si ash sa pagngisi ni cael. Lumapit si ash sa kapatid niya at kinuwelyuhan ito.

Susuntukin na sana ulit ito ni Ash ng may biglang sumigaw. It was a deep voice and full of authority.

"ENOUGH ZACH!!"

Napalingon ako dun sa nagsalita at pagtingin ko isang lalaking nasa mid 40's. Kahit matanda na ay bakas parin ang matipuno nitong pangangatawan. Mukha itong bata kaysa sa totoong edad nito. Kung mukha at pangangatawan lang ang pagbabasehan aakalain mong hindi nalalayo ang edad niya kila Ash. Pero dahil nga marunong akong kumilatis ng tao kaya ko nasabi na matanda na siya.

Mabilis na pumunta yung lalaki sa pwesto nila Ash. Bahagya niyang tinulak palayo si Ash kay Cael. Nakita kong naging blangko ang ekspresyon ni Ash. Pero nababasa ko ang mga mata niya. Nakita ko ang emosyong ngayon ko lang nakita sa mga mata niya.

He's hurt not physicall but emotionally.

"Dad" tanging nausal ni ash habang nakatingin sa matandang lalaki

So ama niya pala ang lalaki. Well hindi halata. Mas kamukha ni Cael ang ama niya sa kaso kasi ni Ash ni walang nakuha ni isang features sa ama niya siguro sa ina na niya nakuha ang features niya.

"Zach what's the meaning of this?" tanong ng ama nila nakita kong napangisi si Cael. Mukhang sinadya niya talagang pikunin si Ash para ganung eksena ang maabutan ng ama nila at si Ash ang masisi.

"It's not my fault. He's the one who started it" sabi ni ash

"Its not about who started it zach. Ikaw ang mas nakakatanda dapat ikaw ang umunawa! Matuto kang kontrolin ang galit mo Zachary. Hindi sa lahat ng oras init ng ulo ang laging pinapapairal" sabi ng ama nila na mababakasan ng galit ang tono

"Ako na lang ba ang laging uunawa sa kanya? Ako na lang ba ang laging kailangang umintindi saming dalawa? Basehan na ba ngayon ang edad para lang masabi kung sino ang tama at mali? Kung sino ang dapat umintindi? Dad kayo ba ni minsan inintindi niyo ang nararamdaman ko sa tuwing mas pinapaboran mo si Cael kahit siya naman talaga ang mali? Ni wala nga kayong pakialam kung anong mangyari sakin. Ang importante lang sa inyo ay si Cael. Si Cael na lang palagi. Dad anak niyo din ako kung di niyo pa nakakalimutan. You're being unfair dad. You wanted me to understand him but you never tried to understand me!" malamig na sabi ni Ash saka siya naglakad palayo

Tinignan ko muna saglit ang ama ni Ash bago tuluyang sinundan si ash. Heto na naman ako magpapakabayani. Magpapayo at magkukunwaring isang anghel.

Hindi ako nahirapang hanapin siya. Sinundan ko lang ang presensya niya. Nakita ko siya sa garden kung saan may malapit na bangin. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa isang puno. Kita din dito ang sunset. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya. Alam kong nararamdaman niya ang presensya ko pinili lang niya na wag akong tignan. Tsk. Pagkalapit ko sa kanya ay umupo agad ako. Kung siya nakaharap sa araw ako naman nakatagilid.

"Hindi masamang sumigaw kapag galit ka at hindi ding masamang umiyak kapag nasasaktan kana. Ang totoong matapang ay yung mga taong kayang ipakita sa lahat ang totoong nararamdaman nila kahit isipin pa ng iba na mahina sila" sabi ko ito na naman tayo kailangan ko na naman magsalita ng mahaba. Nakakaubos kaya ng laway ang magsalita. Tsk.

Magisch Academy: The Heartless PrincessWhere stories live. Discover now