Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]

Start from the beginning
                                    

BARBS' POV

Ilang araw na rin since nung natagusan ako at nakausap ko yung tatlo. Akala ko isang araw lang magtatagal yun pero nakakagulat, magkakausap kami ngayon.

Psh. Ayoko magkaron ng HS barkada na katulad nila. Masyado kaming magkakaiba. Naiinis ako kay Janine. Aba, di pa rin nawala yung quote unquote nyang nalalaman! Sarap putulin ng dila eh!!! Si Vivien okay naman kaso ang tahimik masyado. Di ko maarok ang ugali nya, pero okay syang kausap. Si Rocky, palagi namang kaaway si Wes.

Makakatagal ba ako sa kanila? Tsaka magiging magkaibigan ba kami nang matagal? Feel ko kasi pag naging close ako sa kanila.. basta. Ewan ko. Hindi naman siguro to magtatagal eh. Baka bukas makalawa di na kami magpansinan. Balik ulit sa dati. Sus, ganun naman minsan yang mga 'barkada' na yan. Mga pucha. Matapos samahan iiwan din? Mga pakyu.

Masaya naman silang kasama kaso ayokong masyadong mainvolve sa kanila. Pero.. kung kaibigan dapat ganun diba? Kaya ko kaya? Hay ewan ko na lang.

VIVIEN'S POV

I feel different.

Di ko alam kung connected ba yun sa new found friends ko or what. Medyo naiilang pa rin ako sa kanila. We've been hanging out a lot lately kaso.. ewan. Ang awkward.

I think I'm the problem here. Okay silang kasama. Si Barbs kahit medyo nakakatakot enjoy namang kausap. Si Rocky ganun din. Ang off lang sakin ay si Janine. Palagi naman syang kasama nina Tatin dahil sa PAC.

Siguro kasalanan ko to. Masyado akong nacurious sa kanilang dalawa ni Janine kaya eto, napahamak ako. Gusto ko lang naman makagraduate ng matahimik eh. Kaso.. waaah. Ano ba to 

Haaay friends.. ganito ba talaga ang feeling ng may friends? Masaya naman pala kaso.. haaaayyy. Nako, sana hindi ako magregret na ito ang pinili ko, na maging friends sila.

3 years pa! With Barbs, Rocky and Janine? O mag-isa na lang ako? T__T Ayoko namang mag-isa. Pero.. takot akong maki-interact sa kanila. What's wrong with me?

ROCKY'S POV

Ang tagal na rin since nagkaron kami ng ibang kaibigan ni Janine. Grabe, nakakapanibago! Sanay kasi akong kaming dalawa lang ang magkasama. Tapos ngayon.. may dalawa na kaming kasama!

Barbs at Vivien.. unbelievable! Ang weird lang na magkakasama kaming tatlo, right? Si Barbs na boyish, Vivien na nerd, ako rockers.. at si Janine na.. malandi? Basta! Ang weird lang! 

Mas madalas ko na ngang kasama sina Barbs kesa kay Janine. Palagi nya kasing kasama sina Tatin, pasok kasi sila sa PAC. Oh well, kailangan kong maging supportive sa bestfriend ko.

In fairness, masayap palang kasama nina Barbs. The day after the blood compact.. akala ko hindi kami magpapansinan. Pero surprisingly, pinansin ako ni Barbs! Nagtanong pa sya ng assignment sa Algeb! Nakakatuwa XD

Ang strange talaga ng high school noh? Di mo mapepredict kung sino ang makakasama mo hanggang grumaduate kayo. Kahit sino pwede mong makaaway. At least, that's life XD


--


JULY

Medyo lumala ang away nina Wes at Rocky nung elementary.

"Eh kasi naman ang epal nyan!!!" sigaw ni Rocky kina Barbs. Nasa quadrangle sila non, may ginagawang activity sa PE.

"Psh. Ang kapal naman ng mukha mo! Nananahimik ako dito!" ganti ni Wes.

Tinignan lang nina Vivien at Barbs ang dalawang nag-aaway. Dinapa raw ni Wes si Rocky gamit ang meter stick na hawak nito. Depensa naman ng lalaki, nagmemeasure sya nang dumaan si Rocky. Di raw nya sinasadya yon.

"Goodness Rodriguez I hate you!"

"Balik sayo yang sinabi mo! Ang arte mo talaga!!"

"Pake mo ha? Epal ka forever!"

"HOY ANO BA KAYONG DALAWA HA? DI NA BA KAYO MATITIGIL DYAN?!" napasigaw na rin si Barbs.

"Sya kasi eh!" nagkasabay pa ang dalawang Rodriguez sa pagsasalita at pagturo sa isa't isa.

"Wag nga kayong mag-away! Para kayong bata dyan eh!" awat na rin ni Vivien.

Namumula na sa inis si Rocky. "Pano ba naman kasi ang kaepalan nyang Wesley na yan?! Masyadong feeling!"

"Tumahimik ka nga dyan! Akala mo naman ang ganda mo! Umayos ka nga!"

"Kapre!!"

"Mukhang palaka!!"

Napansin na ng PE teacher nila ang away. "Mr. and Ms. Rodriguez! Ano ba yan kanina pa kayo away nang away?! Tapusin nyo yang pinapagawa ko sa inyo nang maayos kundi dadalhin ko kayo sa Guidance!"

Gusto pa sanang sumabat ni Wes kaso natakot naman sya sa Guidance. Malilintikan na naman sya sa tatay nya. "Psh. Lumayo ka nga sakin, Palaka. Bago pa ako mainis sayo."

"Baliw!" At lumayo na nga sya kay Wes.


Hindi maintindihan nina Barbs kung ano ba talaga ang kinakagalit ni Rocky kay Wes. Ang dahilan kasi palagi ni Rocky eh sadyang panira ng mundo nya si Wes kaya ganon.

Pero may nararamdaman sila na hindi yon ang talagang dahilan. Something's fishy ba.

Palala nang palala ang away nilang dalawa. Nonsense na nga kung minsan eh. Dahil dun inaasar sila ng mga kaklase nila na baka magkatuluyan silang dalawa. Mas nainis si Wes don, feeling nya na ginagawa yon ni Rocky para ma-isyu silang dalawa. Ayaw pa naman nya sa lahat e napapansin.

Last week ng July nang pumunta si Rocky sa Town para bumili ng vinyl nya. Gusto nyang idivert sa pamimili ang inis nya kay Wes. Kaso after nyang mabili ang mga vinyl nya.. nakasalubong nya ito.

Na may kasamang babae.

"Oh, si Palaka pala," medyo natatawang sabi ni Wes. Napangiti naman ang kasama nitong babae.

"Psh. Masamang hangin."

"Nga pala," yumabang ang tono ng boses nito. "Rachel, this is Kayla. Girlfriend ko."

Gustong maduwal ni Rocky sa sinabi ni Wes. Girlfriend? Shet, may pumatol sa kanya! Pinigilan na lang nya ang magreact. "Oh. Girlfriend ni Wes."


Nakauniform pa si Kayla, galing ito sa isang all-girls school sa kabilang city. Nakakaabot pala dun ang kalandian powers ni Wes.

"Hi Rachel," buti mabait tong girlfriend ni Wes. Rocky nodded at her.

Medyo nabore ata si Wes sa naganap sa dalawa. "Tara na, Kay. Manonood pa tayo ng movie. Bye, palaka."

Rocky shrugged. "Bye, kapre. Ingat ka dyan, Kay."

Inis na inis si Rocky nang sumakay sya ng tricycle. Ang yabang ni Wes! Sya na may girlfriend!

"Kawawa naman si Kayla. Di naman sa kanya seryoso si Wes," she thought. Teka, bakit ba nya iniisip yon? Pakialam ba nya?


Ilang beses naulit ang insidenteng yon. Kaso every month, ibang babae ang nakikita ni Rocky. Minsan pa nga sa loob ng 1 buwan 3 babae ang nakita nyang kasama ni Wes.

Dun nagsimula ang streak ni Wes sa mga babae.

At dahil dun, mas nainis sa kanya si Rocky.

--

Kahit iisang barkada silang apat, malayo naman ang loob ni Janine kina Vivien at Barbs. Oo, nag-uusap sila pero yung tipong hindi usap na pangbarkada.

Mas madalas kasing kasama ni Janine sina Tatin (na tinatawag na nilang Snerds) kasi parehas silang nasa Performing Arts Club.

"O sige.. next time ha? Ingat ka dyan bru!" malungkot na naman si Rocky nang icancel nya ang tawag.

"Ano, wala na naman?" inis na si Barbs. Tumango si Rocky. "Psh. As expected."

"Busy naman yung tao eh. May practice sila para sa Christmas program!"

"Haynako. Ewan ko ba dyan sa bestfriend mo, Rachel. Di ko alam kung kaibigan pa ba ang turing nya samin o hindi na."

"Barbs naman.. intindihin mo na lang si Janine. May pinagdadaana--"

"Kausapin mo kasi. Rocky.." napatingin si Barbs kay Vivien. "Ang dami nang masasamang sinasabi about her pero nagbibingi-bingihan ka. Di ka ba nababahala don?"

"Okay naman kasi sy--"

"Pakshet anong okay dun? Makipaglandian sa kung sinu-sino? First year pa lang? That's so fcked up! Kung hindi mo pagsasabihan si Janine, pwes ako gagawa ng paraan."

Ayaw lang kasi ni Rocky na makialam masyado sa problema ni Janine.


Ilang beses nyang sinubukang kausapin ito pero umiiwas sya. Nasa kalagitnaan na kasi ng divorce proceedings ang parents nito kaya medyo masakit pa para kay Janine. Tsaka palagi ring nasa practice o kasama ng Snerds ang kaibigan nya.

Nang dumating ang December, nagulat silang lahat nang si Janine natanghal na Class Flirt sa Who's Who. First time mangyari na isang freshman ang mapasama dun. Lumala na kasi ang paglalandi ni Janine, pati sa ibang schools may kalandian na rin ito.

Di rin nagawa ni Barbs ang kausapin si Janine. Feeling nya kasi lost cause na si Janine, na hindi na nila mareretrieve pa. Pinabayaan na lang nila na ganun si Janine, if that's her way of coping up e di yun na lang. Pabayaan na sya.

-

FEBRUARY

Malapit na matapos ang school year. Medyo okay naman ang school year na yun para sa kanila. Sumakto pang Valentines non, puro kadramahan at kacheesyhan sa paligid.

Nagkaron ng soiree sa Town nung Valentines Day, isang Friday. Actually 18+ lang ang tinatanggap dun pero napasok ang ilang high school students dahil na rin sa maluwag na security.

Pumunta dun sina Wes at Janine nang magkahiwalay. Himalang walang girlfriend si Wes ng panahong yon, samantalang wala namang nilalandi si Janine. Nakipagmingle sila sa ilang tao dun, the usual flirting games.. hanggang makita nila ang isa't isa sa bar.

"Wow.. umiinom ka pala?" nagulat si Wes nang lagukin ni Janine nang diretso ang mojitos na iniinom nito.

"Learned from the guys. Ikaw? Anong sayo?"

Tinaas ni Wes ang beer na hawak nito. "I'm a beer person. Teka, alam ba nilang 13 ka pa lang?"

"Psh. Who cares? Tonight's goal is to have fun. Walang buzzkill or anything."

"Wow. Are you drunk?"

She shook her head. "Rule #1: If someone asks you if you're quote drunk unquote, say no."

"Lasing ka na ata."

"I can hold my liquor, thank you." Uminom pa ulit ito.

Nag-usap sila tungkol sa mga fling nila. Si Wes ay currently nakay #12 na habang si Janine.. nakalimutan nang magbilang.

"Alam mo," medyo natatawang sabi ni Janine. "I really thought you like Chel. Kasi you kissed her out of the blue. And your mistletoe ideas was quote brillant unquote."

"Psh."

"Wait, do you really really like her?"

"Ano bang klase yan, Janine? Kalokohan."

"Di nga? Answer me."

"I think I.."

"What?"

"I think I love her."

Halos mabuga nya ang iniinom nya dahil sa confession ni Wes. "Oh. My. God. Are you serious?!"

"Ba't wala ata yung quote unquote mo?"

"Di nga Wes!!! Seryoso ka ba dyan?"

"OO NGA ANG KULIT!" napainom na lang si Wes nang diretso. "Uulit pa?"

Nganga si Janine sa sinabi ni Wes. "Eh bakit ayaw mo syang ligawan?! Omeged!! You. Must. Tell. Her."

"Ayoko. Kuntento nako sa ganto."

"Ang korni mo Wes! Malay mo she likes you!"

"Ikaw tong bestfriend dapat alam mo yan, diba?"

"Eh.. we're not talking that much."

"Bakit?"

"Ano kasi.. basta. We're not talking. Medyo off kami sa isa't isa."

"Psh. Ang gulo nyong mga babae."

"Wala kang gagawin? Hello, you must do something! Bahala ka, maunahan ka pa."

"Dense kasi yang kaibigan mo. Tagal makapansin."

"Papano ka mapapansin kung wala kang ginawa? Siraulo ka ba?"

"Anong gagawin ko?"

Nag-isip silang dalawa nang matagal. After 15 minutes..

"Alam ko na Janine! Pagselosin natin sya!" parang eureka moment ni Wes yun.

"Pano?"

"Maging tayo kaya?"

"WHAT!?!?"

"Come on! Tulong na rin yon para sakin! Malay mo pag nagselos sya marealize nya na may gusto sya sakin, diba? Panggap lang naman! Please Janine, please?"

Nag-aalangan naman si Janine kung anong isasagot nya. Well.. gusto nyang matulungan si Wes pero hindi sana sa ganung paraan. Pati gusto rin nyang makitang masaya ang bestfriend nya.

"So.. magiging tayo? Is that what you're suggesting?"

Wes nodded. "Saglit lang naman eh. Promise. Gusto ko lang magauge ang reaction nya. Kung may pag-asa ba ako or what. Saglit lang yon, Ja. Promise. Ano, okay na?"

Saglit silang natahimik bago magplano kung ano ang gagawin nila sa mga susunod na araw. Pinagdadasal nilang pareho na tama at magiging maayos sana ang plano nila.

--

Wala nang nag-open ng away nina Janine at Rocky.

Madalas nang magkasama sina Janine at Wes ngayon. Hindi nila inexpect na ganun ang magiging reaction ni Rocky. Akala nila magseselos ito pero.. galit? Hindi nila inexpect yon.

Pati sina Barbs ayaw nang makialam. Di nila alam kung ano ba ang plano ng dalawa. Umiiwas din ang dalawa, madalas sumasama sina Janine sa varsity at PAC members.

Natakot si Wes. Sa lahat pa naman ng ayaw nya ay magalit si Rocky sa kanya. Gusto lang nya malaman kung magseselos.. pero ang magalit sa kanya? Not a chance. Gusto na nyang magback out, umamin kay Rocky na wala talaga silang relasyon ni Janine. Kaso anong idadahilan nya? Na gustong pagselosin? Parang tanga lang.

Isang hapon, di sinasadyang nagkasabay silang maglakad pauwi sa kanila. Agad na dumistansya si Rocky kay Wes, na para bang may virus ang lalaki.

"Kung makalayo 'to parang may sakit ako. Grabe ka." Sinubukan nyang tumawa pero wala rin.

Di sya pinansin ni Rocky. Nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Naputulan ka na ba ng dila?"

"Ayaw lang kitang kausap."

"Di ko gets kung bakit ka nagagalit sakin. Masama na bang magkagirlfriend ngayon?" nagsisi sya kung ba't nya sinabi yon.

"Wala akong pakialam kung sinong syotain mo dyan. Pero you crossed the line with Janine. Ano ka ba naman Wesley! Kita mong may pinagdadaanan yung tao tapos.. lalandiin mo? Ganyan ka ba talaga kagago?"

"Dahil lang ba dyan kaya ka nagagalit? Rachel.. bakit ka ba affected?!"

Tumigil na sa paglalakad si Rocky at humarap kay Wes. Nagulat ang lalaki nang makitang naiiyak na to. "Ang sama mo kasi. Bestfriend ko yun, Wes. May pinagdadaanan sya at I don't think na makakatulong ka sa kanya. You and your playboy ways! Ilang linggo lang ba sya para sayo ha? 3 weeks? Mamaya ba maghahanap ka na ng ibang girlfriend? Pucha excuse me pero ayokong gawin mong basura ang bestfriend ko!"

Wala na syang masabi. Their plan really backfired. Akala nya eto ang paraan para malaman nya kung nagseselos ito. Bakit ganto?


"Ano ka ngayon, Rodriguez? Di ka makapagsalita dyan! Kasi totoo, diba? Na gagamitin mo lang si Janine diba? Psh. You're such a douchebag. Pag sinaktan mo ang bestfriend ko, I swear to God hindi na kita kakausapin, ever."

Iniwan na lang nya si Wes sa kalsada na nakatulala. Di sya makapaniwala sa mga sinabi ni Rocky. Ang akala nya na magiging maayos na pag-uusap.. ay yun din pala ang makakasira sa pinapangarap nya.

To be continued...


(Kaya po putol ang iba dyan kasi nabanggit ko na po yun sa flashback chapter ni Janine at nakwento na rin sa ibang chapters. I'll try to post the second part tomorrow, July 6 XD)

If I Fall (Taglish)Where stories live. Discover now