Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]

88.2K 1.1K 106

Flashbacks po ang Chapter 53, na divided into 3 parts. Sorry po kung nag-expect kayo about sa WesKy since Thursday ngayon XD

Sana maenjoy nyo pa rin ang flashbacks na 'to. Kasi.. ang nakaraan ay may kinalaman sa kasalukuyan.

Comment and vote po pag nagustuhan! Maraming salamat po :)

-

FIRST DAY OF CLASSES

CYRUS' POV

Tinatamad talaga akong pumasok pag first day of classes.

Bagong lipat lang kasi kami dito sa lugar na 'to, bagong school. Ayoko nga sanang lumipat kami dito kaso sina Papa kasi nagpumilit. Wala na akong magagawa, pinag-aaral lang nila ako.

Ayoko sa school na 'to. Okay na ako sa dati kong school e. Dapat pagpasok ko ng high school kasama na ako sa varsity. Pero dito? Start from scratch agad.

Late ako. Ayoko kasing makisalamuha sa classmates ko. Second time pa lang ako nakapasok dito sa Charleston, una na yung admission exam na napakadali. Wala pa akong uniform so civilian muna.


"Oh my gosh.. transferee?"

"Sht he's cute!"

"Ang ganda naman ng pambungad ng school year ko!"

Tss. Problema nila? Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? They're gawking at me, and that's rude. Pinabayaan ko lang sila as long as wag lang nila akong lalapitan. Sabi sa instructions sakin, pumunta raw ako sa library para makuha ang student planner, books at papicture for the ID.

Sht, saan ba ang library dito? 

Tapos na ang morning assembly, wala akong pwedeng pagtanungan! Uuwi na sana ako nang may makasalubong akong babae. Mukha namang hindi sya nagmamadali. Sarap pa nga ng lakad nya eh!

May ilang tao pa naman sa paligid pero sya ang nakakuha ng atensyon ko. Iba kasi sya. Her uniform's a size or two bigger than her. Mukha naman syang tao pero.. basta, may mali pa rin sa kanya. She's a radical. Kaya sya na ang nilapitan ko.

"Excuse me?"

Tumigil sya sa paglalakad. Nasira ko ata ang daydream nya. Tinignan nya ako ng masama.

"Ano?"

"Alam mo ba kung nasan ang library?"

She gave me a quizzical look at dun lang nya narealize na hindi ako nakauniform. "Psh, transferee. Paglabas mo dito, may mahabang hallway. Diretsuhin mo lang gang makita mo yung hagdan sa tapat ng clinic. Umakyat ka don tapos turn right. Library na yun."

Base sa tono ng boses nya, may pagka-authoritative sya. Ayoko pa naman ng ganun sa babae.

"Thank you," yun na lang sinabi ko. Tumango na lang sya at umalis.

Pinanood ko lang syang maglakad. Ang awkward nyang tao. Parang may something sa kanya na hindi ko maplace. Tsaka anong meron sa pananamit nyang ganun? Trip lang? Ang ayos ng trip nya ah!

Psh Cyrus, you don't have time for this sht. Baka hinahanap na ako ng adviser sa room. Sundin mo na lang ang sinabi nung weird na babaeng yon para makatapos ka na. Sana tama ang direksyon na binigay nya sakin.

--

Tama naman ang binigay nya saking directions. Akala ko niligaw nya ako, mukha kasi syang bully. It took me 30 minutes bago makapunta sa classroom namin. Tss.

I-Galileo

Ayoko talaga dito sa school na 'to. Yung mga libro ang kakapal, hindi naman science high school. Ang dami pang kalokohan na dapat bayaran. Gusto ko na talagang bumalik sa dati kong school.

Kumatok ako, at binuksan naman agad ng teacher. Ayos, lalaki ang adviser namin.

"Mr. Casabueno?" tanong nya sakin. I nodded. "Good! Akala ko nawala ka na sa campus!"

Kung alam mo lang. Pinapasok nya ako sa room na medyo maingay. Halos magkakakilala naman ata tong mga kaklase ko.

"Class quiet!" saway ng adviser sa kanila. "Eto nga pala ang transferee natin from.." baling sakin. "Taga saan ka nga?"

"Marikina po."

"--Marikina. Mr. Casabueno, please introduce yourself to the class."

Ayoko talaga ng introduce yourself sht na to. Lahat tuloy sila nakatingin sakin. No choice na. Bahala na si Mang George.

"Hello. I'm Cyrus Casabueno. Thank you for having me here." Psh. That was so lame.

May ilang lalaki na di ako pinansin. Yung mga babae.. bahala na sila sa buhay nila. As if magkakainteres ako sa kanila.

"A man of few words, Mr. Casabueno," ano bang problema ng adviser na 'to? "Okay. You may now take your seat."

"Saan po, Sir?"

"Uhh.." hinagilap nito ang seating arrangement na ginawa nya. "Sit beside Ms.. de Asis."

Tingin naman agad ako kung sino yun. May kumaway saking babae at tinuro ang upuan na sinasabi ni Sir.


Pero yung kumakaway e yung nakaupo sa likuran ko. Tahimik na lang akong umupo dun. Bahala na, boring na naman tong araw na 'to.

"Hi Cyrus!" kakagulat naman tong nasa likuran ko. Lumingon ako sa kanya. "I'm Ariann! Pero you can call me Ria!" Nakipagkamay sya sakin.

"Hello Ria." Psh, landi.

"Hoy Tatin! Pansinin mo naman yang seatmate mo! Baka mapanis laway mo dyan eh!" sabi nung Ria sa katabi ko sa kanan.

Pasimple kong sinilip tong katabi ko. She must be Ms. de Asis. Unang napansin ko sa kanya ang kapayatan nya. Okay naman ang itsura nya, pero disturbing talaga ang kapayatan nya. She gave me a quick look tapos yun na. Bumalik sya sa pagsusulat sa notebook nya.

"Sus sorry Cyrus ah! May sapak lang yang si Kristina ngayon. Pero mabait yan!" Grabe, binebenta ba nya sakin ang kaibigan nya? Not interested.

The rest of the day si Ria lang ang kumausap sakin, na nadagdagan nina Fel at Chass. Magkakaibigan pala silang apat nitong Kristina. At hindi talaga nya ako kinibo buong araw.

Bahala sya. Ang suplada. Pasalamat sya may ipagsusuplada sya.

Buti na lang natapos na rin tong araw na 'to. As usual boring talaga pag first day, lalo na para sa isang transferee na gaya ko. Gusto ko nang umuwi at matulog.

Pasakay na ako ng tricycle nang makasabay ko sa pila yung suplada. Busy sya sa pagkutingting ng iPod nya. Nagkatinginan kami saglit. Taray.

Naghihintayan pa kami kung sino ang sasakay dun sa trike. Napansin ata yun ng driver kaya tinanong nya yung suplada. "San ka ba, Miss?" Sinabi nya ang subdivision nila.

Ah, nasa iisang subdivision lang pala kami. Tinanong din ako ni Kuya at yun din ang sinabi ko. Medyo nagulat tong suplada.

"Magsabay na lang kayong dalawa, medyo malapit lang naman yung mga kalye nyo. Para tipid na rin sa pamasahe.

Pinauna ko na syang pumasok bago ako. Aayaw pa sana sya kaso nahiya siguro sya sa driver. Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Bakit ba nagsusuplada to? 

May ginawa ba akong kasalanan sa kanya?

Mas nauna syang bababa kesa sakin. Bumaba ako saglit para makaalis sya sa trike. Magbabayad na sana sya nang pinigilan ko sya. "Ako na."

"No, I insist."

"Ako na sabi."

She rolled her eyes. Taray talaga. "Fine. Thanks." At tumalikod na sya. Psh. Bahala sya sa buhay nya.

--

If I FallRead this story for FREE!