School Day

52 4 7
                                    

Hay buhay nga naman laging maaga papuntang school...
Nagising ako ng 4:30 ng umaga deretso ligo tapos mga 3 minutes tapos na ako deretso bihis mga 5 minutes ako natapos tapos deretso kain ng pagkain pag masarap ang ulam umaabot ng 5 to 10 minutes tapos nun deretso toothbrush...

Lumabas kami ng bahay deretso sa kalsada naghihintay ng service...
Siguro inaabot ng pag babantay ng service namin ay 10 above minutes dahil hindi natin masasabi kung bihis naba ung iba naming ka service...

Ayan na dumating na ang dilaw na walang paint na kulay black na service...
Kakaonti palang ang tao na nakasakay syempre marami pa diyang susunduin minsan mababagal mag ayos ng gamit tapos nag hihintay pa kami dahil mababagal ang mga kasakay namin sa service kaya ayun tinitiis ko na lng kung gaano katagal...

30 minutes Later....

Nasa school na kami kakaonti palang ang tao syempre maaga pa..
Time check 5:45 ang aga pa nga..
Buti na lang dala ko ang I.D. ko para makapasok dahil siniswipe mo muna ang I.D. mo para maka enter ganun din pag lalabas ka na...

15 minutes Later....

Hays naunahan na naman ako sa Room namin ang section ko ay 6-SPP.
Si Tristan ang laging nauuna sakin sumunod naman si Alexa or si Godwin Gwin for short...
Sumunod si Gaillene or Mica..
Tapos si Miles Flores baka akalain niyo si Miles Ocampo malayong malayo diyan hahaha...

Pag dumarami na umiingay na hahaha...
Pero masaya naman dahil maingay may tawanan...
Ang mga friends ko dito ay mas marami ang babae hahah...
Pero di ko sure kung friend ko nga ba sila baka traydorin ako ng mga are!

Dumating si Samuel ang nagsimula ng ingay sa classroom akala mo tahimik yan pero pag nagsimula makinig ka na lang!

Ansaya talaga kapag Grade 6!

Ayan dumating na si Mrs. Manalo ang Math teacher namin minsan nag papatawa yan at minsan seryoso...
Kaya wag nating galitin yann...

Tumunog na ang bell...
Para sa aming pagdadasal sa umaga na sinundan ng Flag Ceremony..
Siguro mga pang lima ako sa ikatlong pila kasunod ko ay ang aking mga best friends na babae masarap kasama ang mga babae kesa sa lalaki...
Kahit nagdadasal kwentuhan lng minsan pag darating ang teacher tatahimik ayan ang gawain namin lagi hahaa...

10 minutes later...

Bumalik na kami sa loob para umupo alangan namang tumayo diba haha...
Class Advisory namin at First Subject ang Math...

Mga ilang oras at nag bell na para sa recess minsan loner ako kasi nag iba na ako nung Grade 5 maraming kasama mga bad influence hahaha...

Bumili ako ng pagkain na kakainin ko para sa recess tapos deretso agad ako sa classroom namin para kumain...
Ang ingay minsan dahil ang mga babae nag kukwentuhan habang nakain..
Gusto niyo i mension ko ang mga names teka lang...
Si Miles, Reign, Vashti, Maxene, Alaina...
Ayan lng minsan ang nakikita kong nag kukwentuhan haha...

May Squad kami hindi ko lng alam kung sino ang leader..
Ako, si Samuel, Jacob, Micah, at Caycee na mahilig kay Thats Bella!

Nung natapos akong kumain Naglaro at nag ingay na rin...
Ilang minuto lang at dumating na ang Prof namin sa TLE masaya siyang mag turo..
Minsan strikto pag maingay..

Siguro 2 hours lng ang nakalipas at nag bell na.
Its lunch time!
May 1 hour break kami para dun...
Bumaba ako at bumili ng pagkain at deretso ulit sa classroom....

May maingay na naman at minsan nag papatugtog sa TV ng kanta ang iba naman nasayaw...
May tinatawag silang Airport daw dahil malapad ang noo na si JJB!
Sabi nila mahilig daw sa Jollibee..

1 hour later...

Dumating na ang teacher namin para sa next subject excited na nga ako at uwian na...
Sunod naming subject ay CLVE na every wednesday to friday at sa monday namin ay Library or IRP tapos sa tuesday ay Computer...

Strikto si Ms. Babao ang teacher namin duon kaya lahat kami tahimik...
Ilang oras din ang nakalipas at uwian na namin medyo mag gagabi na dahil pagdating ko sa bahay mga 5:00 up na...

Bihis muna ako deretso kuha ng cellphone at punta sa terrace para makapag data mahina kasi sa loob ng bahay tapos chat chat sa GC namin ng kung ano ano...
Tapos ilang minuto at nag FB muna ako ang rami kong notif na hindi ko naman binabasa umabot ng 25 up notifications..

Sakto naman natapos ako sa pag cecellphone na lowbat din tapos chinarge ko...
Nabukas ako ng TV para manood ng balita...
Ilang minuto at kakain na kami..

20 minutes later...

Tapos na akong kumain deretso ulit sa TV humiga...
Nanood muna kami ng TV kasama ang aking mga magulang...

Tapos ilang oras kaming nanonood ng TV at nagyakag na sila para tumulog at sumangayon din ako...
Magkahiwalay kami ng kwarto katabi ko ang kapatid ko...
Hinayaan ko ang sarili ko na ipikit ang mata at natulog...

____________________________________________

May susunod pa yan abangan niyo follow niyo ako follow back ko kayo tanks...!

SBC GRADE 6 LIFEWhere stories live. Discover now