Chapter 33

7.2K 136 19
                                    

Lilliane's POV

"Lilliane asan ka na?" rinig ko pa ulit na tawag ni Flix pero hindi ko na lang pinansin gaya ng sabi ni Houl

Pumikit na lang rin ako gaya ni Houl at hindi na pikinggan ang pagtawag ni Flix, kahit na nakokonsensya na ako dahil baka mamaos na siya kakasigaw at baka nag-aalala na siya

"Alam mo my princess, pangarap kong bumuo ng masayang kaharian kasama mo, yung tipo bang may nagtatakbuhang mga prinsipe at prinsesa at masaya"

"Ako naman pangarap kong magkaroon simpleng buhay lang, yung tipo bang manok ang gigising sa akin sa umaga, tapos kalikasan ang bubungad sa akin tapos may mga fairies at mga dwarf" kwento ko habang nakapikit pa rin

"Eh asan ako don sa pangarap mong yon?"

"Wala, bakit? Kailangan bang kasama ka don? Kung gusto mo edih ikaw na lang yung dwarf"

"Papayag ako basta asawa mo yung dwarf"

"Isasama ka na nga lang sa pangarap eh choosy ka pa"

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa na di ko mawari kung bakit tila musika sa aking tenga

Bakit tila kay sarap pakinggan ng kanyang tawa? At dahil doon ay unti unti na akong nakatulog

..
"My Lilliane! Andito ka lang pala, alam mo bang alalang alala na ako sayo? Kanina pa kita hinahanap" nagising na lang ako dahil sa boses ni Flix,

Asan ba ako?

Iminulat ko ang aking mga mata at natagpuan ang sarili sa sinehan at nasa harapan ko si Flix

Sheex! Si Houl? Sana naman ay hindi siya nakita ni Flix

"Goodmorning?" patanong kong bati sa kanya

"Pano ka ba napunta dito?" base sa tanong niya ay mukhang hindi niya nakita si Houl kanina

"Flix sabay kaya tayong pumasok dito sa sinehan tapos magtatanong ka kung paano ako napunta dito, haist magmemo plus gold ka kaya"

"I mean paano ka napunta dito sa pwestong to, magkatabi diba tayo sa unahan?"

"Aba'y ewan ko, alam mong kakagising ko pa lang tapos ako ang tatanungin mo"

Napailing naman siya saka nag-ayang umuwi

Nagiguilty ako wahhhh, bestfriend ko na siya ngayon kaya dapat hindi ako naglilihim ng sikreto sa kanya

Sabagay, lihim naman talaga ang secret

Iibahin ko na lang, bestfriend ko na siya kaya dapat hindi na ako nagsisecret sa kanya, at dapat eh hindi na rin ako nagsisinungaling sa kanya

Wahhhh! Napakasinungaling ko na pala talagang tao, tao pa ba akong maituturing sa dami ng kasinungalingang aking nasabi

Siguro dapat ko ng sabihin sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ni Houl kasi nga bestfriend ko na siya, hindi niya naman siguro ulit susuntukin si Houl diba kasi kapag kaibigan ng bestfriend mo eh dapat kaibigan mo na rin atsaka ang magbestfriend eh dapat nagsusuportahan

Kapag nakahanap ako ng tiyempo eh sasabihin ko na sa kanya pero ang problema ay hindi ko alam kung saan ba matatagpuan ang tiyempo, mang

"Kamusta ang pinanood niyo?" salubong ni kuya pagkauwi namin sa bahay

Haist! Minsan talaga eh nakakatampo na si kuya, kapatid niya ako kaya ako dapat ang kinakamusta niya hindi yung pinanood namin

"Ayun kuya magaling naman, hindi mo na kailangan pang mag-alala doon sa dilaw na butas butas na yon" sagot kong labag sa loob, dapat kami yung kinakamusta niya eh, minsan talaga eh may pagkainsensitive si kuya, siguro iyon rin ang dahilan kung bakit wala pa siyang girlfriend, pero sabagay bata pa naman siya, suguro mga 40 years old na siya bago siya maggigirlfriend

Mukhang naguluhan naman si kuya sa sagot ko kaya humarap siya kay Flix ng nakakunot ang noo

"Pagpahingahin mo muna si Lilliane, mamaya na namin ikekwento yung spongebob na pinanood namin" ano namang problema nito na Flix? Bakit parang may inis siya sa pagsasabi ng word na spongebob? Siguro may rampo rin siya kay kuya dahil hindi yung pinanood lang yung kinamusta niya

At dahil sa nabitin ako ng tulog sa sinehan ay dumeretso na ako sa kwarto sska nahiga ss kama pero ewan ko ba kung bakit hindi ako makatulog kaya tumitig na lamang ako sa kisame...

Haist! Namimiss ko na naman si Alex, siguro kung siya pa rin ang kasama kong bestfriend ngayon ay siguro kanina ko pa sinabi sa kanya ang pagkikita namin ni Houl,

And speaking of... Ayun nakatok sa bintana ko, busy ako dito sa pagmumuni-muni kaya h'wag siya.... At ambastos niya naman, hindi man lang ba niya napapansing nag-geget-to-know-each-other kami ng kisame ko?

As in kisame KO talaga dahil akin lang siya at walang makakaagaw sa kanya, choz lang, tinetesating ko lang gayahin si Houl

*tok tok* sinamaan ko naman siya ng tingin saka ibinalik ang tingin sa pinakamamahal kong kisame

*tok tok*

Ano ba? Istorbo eh, hindi man lang kasi marunong tumayming, ngayon pa talagang nahuhulog na ang loob namin sa isa't isa ng kisame ko

*tok tok* tumayo na nga ako at lumapit sa bintana dahil mukhang wala siyang balak na tumigil sa pagkatok

"Anong kailangan mo?" tanong ko

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?"

"Sa pinto ka dumaan, hindi tamang dumaan sa bintana, dahil magtatampo ang pinto, kung nag-aalala ka na baka sapukin ka ni Flix eh h'wag kang mag-alala dahil andyan naman si kuya para awatin siya at saka sagutin mo muna ang tanong ko, bakit ka andito?" hindi naman ako paniwalain sa mga pamahiin pero mukhang totoo naman ang pamahiing iyon na h'wag raw dadaan sa bintana dahil magtatampo ang pinto

"Balak ko lang sanang silipin kung ayos ka lang, bakit ba antagal mong buksan 'tong bintana, nakakaselos na talaga, mukhang mas mahal mo pa yang kisameng kanina mo pa tinititigan kesa sakin" wala na naman akong ibang nagawa nang sapilitan siyang pumasok,

Sa couch ako umupo samantalang siya eh sa gilid ng kama sa harap ko

Sino bang nagsabi sa kanyang mahal ko siya? Wala namna yata diba? Pero mahal ko naman talaga siya, mahal ko si kuya, si Flix, si Alex at lahat lahat ng tao sa mundo, pato nga ang kisame ko eh mahal ko na

"Kung hindi ka nang-istorbo baka pinakasalan ko na tong kisame ko"

Kitang kita ko naman ang pag-iiba ng anyo ng hitsura niya dahil kaharap ko lang siya, ano na namang ikinagagalit nito?

"Pinagseselos mo ba ako?" seryoso niyang tanong

Pinagseselos? Bakit ko naman siya pagseselosin?

"Hindi ah, at saka kanino ka naman magseselos?"

"Diyan sa putang kisame mo na puro agiw, my princess hindi mo magugustuhan kapag nagselos ako ng grabe kaya h'wag na h'wag kang titingin sa iba, at subukan mo lang na pakasalan yang kisameng yan at ipapasagasa ko yan sa tren ng paulit-ulit" madilim ang mukha niyang sabi

Kisame na lang eh pagseselosan niya pa, at for his information ay mas nakakadagdag ng kagandahan sa kisame ko ang agiw, at sa tingin niya ba eh papakasalan ko talaga ang kisame ko? Nagjojoke lang kaya ako, napakaserious naman nito

....
Typos here, typos there, typos everywhere

Mabuhay typos!!!!!

Her Obsessed Prince (1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon