Maraming Salamat😄

242 8 7
                                    

Sa dilim ng gabi ay naisiwalat ko na
Ang katotohanang talagang wala ka na
Ngunit nandirito pa rin
ang naiwang marka

Ng mga nagdaan natin na kay sayang alaala
Tuwing hawak mo ang aking kamay, ako ay may ibang nadarama
Na para bang ang puso ko ay lumilipad at sasabog na
Nanginginig, nangangatal at namumutla

Maging ang pagtingin sa mata mo ay hndi ko magawa
Kay sakit isiping hanggang kilig lang pala
Ang sakit isiping hanggang dito lg muna
Masakit ngang isipin na tatapusin na ang ating istorya
Na ikaw at ako, ngunit sa huli kayo na ang bida
O giliw kay sakit talaga na iniwan mo akong nag iisa
Pinaniwala moko na ako lang at wala ng iba
Pinaniwala moko na hanggang huli ay hndi nako iiwan pa
Pinaniwala moko na ikaw lang at ako, tayo lamang dalawa
Ngunit bakit ganito? Nasaan ka na ba? 
Hndi ko matanggap na ako ay iniwan
At ang masaklap pa nito hndi ka man lang nanindigan
Ako lang ba? Ako lang ba ang lumaban?
Sa pag ibig natin na akala ko ay wala ng hangganan?
Ako lang ba? Ako lang ba ang umasa? 
Na balang araw ay magbabalik ka
Magbabalik sa piling ko at magiging maligaya
Ngunit ngayon ay iba na.
Napalitan ng lungkot ang dating masaya
Natatakot na ang dalagang dati ay anong tapang pa
Nang dahil sayo, oo nagbago ako.
Natuto akong tumayo sa mga paa ko. 
Wag kang mag alala, napatawad ko na ang iyong mga mata
Mga mata na kahit kailan ay hndi nakita ang aking halaga
Mga mata na naging dahilan ng aking pagkahalina
Mga mata kung saan ko nakita ang totoong saya
Pati na rin ang mga kamay mo
Mga kamay mo na sa umpisa lang ako sinalo
Mga kamay mo na dati ay laging hawak ko
At mga kamay mong bumitiw ng mapagod na ito
Nalusaw na ang hinagpis na sayo ko lamang nadama
Naglaho na ang pag ibig na sayo lamang alay sinta
At ngayon? Ang iyong pagbabalik ay huli na.
Huli na ang lahat para sa ating dalawa
Kaya ko na.
Kaya ko ng mabuhay ng wala ka
Nasanay nakong mag isa
Natuto na ang dating tanga
Natutong pahalagahan ang sarili ng higit kaysa sa iba
Na kahit kailan, sayo ay hndi ko nadama.
Ang dala mong pait ay mas nagpatatag pa
Kaya't maraming salamat at nakilala kita.

PrincessBlue27
~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Hii Mga Author
silentBitter98 -Icethetics freedomgirl321 eatmore2behappy greenscroll sanataus DarkyVen K8lovesChocol8 Colette_Mint ethiopiakate Mr_Jayms Michie_Me the_simple serial__introvert Michie_Me CuteMousy Sheilaperezxoxo ahldrhin07 BabyJM_Blue12 Kiss_Hell. 😄😆

Don't forget to Vote and comment po 😄😆

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now