'PASENSYA KA NA'

432 21 6
                                    

May ginawa akong tula!

Tula na kung saan ako nasaktan,

At nasaktan dahilan sa iyong pag-iwan.

Dahil ikaw ay nawalan ng gana.

Ito ako ngayon,

Nag hahanap ng medesina,

Ang tanong?

May medesina nga ba

sa pusong sugatan na. 😢

Siguro wala na,

Oh sadyang expired na.

Gusto ko lang naman maghilom

Ang sakit na binigay mo.

Na puso ko'y nag hihirap

At napagod sa'yo.

Maghahanap nalang ako ng iba,

Yung hindi ako iiwan,

Hindi pag sawaan at

'MAMAHALIN AKO NG LUBUSAN'

Nong naka hanap ako ng iba,

Ay bigla kang nag pakita.

Bakit kapa nag pakita?

Bakit kapa bumalik?

May sinabi ka,

'Di ko kayang wala ka,

Mahal pa rin kita'

'Bakit ngayon pa?'

Nasa akin ay hindi ka na mahalaga.

Pasensya ka na

Dahil ngayon,

Wala ka ng babalikan pa.

Dahil may 'Mahal na akong iba'


PrincessBlue27

~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~ ~

Don't forget to vote and Comments 😍

Spoken PoetryWhere stories live. Discover now