"Goodluck babes."

****And our Ms. Intrams for this year is from the....... Hospitality Department! Ms. Charlotte Pineda!***

Naghiyawan ang mga tao. Syempre super flattered ako dahl alam mo na, sa 10 na magkakalaban mula sa iba't-ibang department eh ako ang napili :'''''''''>


Pagbaba ko ng stage ay agad akong sinalubong ng aking bestfriend na si Jels. 


"Babes! Sabi na syo ikaw ang mag uuwe ng title eh! Congratssss!!" mas natuwa pa sa akin ang bestfriend ko. Syempre proud siya kasi ako yung nanalo at para sa kanya eh utang ko ang pagkapanalo ko sa kanya dahil siya ang nag ayos sa akin. (gulo ko nuh? haha)

***

"Let's go! 6:15 na babes. Male late kana."

Ang ganda ng panahon. Medyo lumiliwanag na at syempre, malamig. 

"You look beautiful and gorgeous baby." nakatitig lang sa akin si Tine ko.

"Kinakabahan nga ako eh."

Talaga naman. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari eh. Ewan ko ba bakit ko pa nararamdaman to, samantalang suki na ako sa samu't-saring pageant. 

Alam mo naman ang lola mo, sagad-sagaran sa pagkakaroon ng face value :D

"Wag ka ngang kakabahan. Kaw talaga.."

"Basta ba't sabi mo eh." nagsmile na lang siya tapos hinalikan ako sa noo.

"Naku kayong dalawa, maglalandian na lang ba tayo o aattend ng intrams?" halatang naiirita na si babes. Napatawa na lang kami ni Tine.

---

Ang daming tao sa school grounds grabe.. Lahat ng madadaaanan naming grupo ng mga estudyante ay may kanya-kanyang kulay ng shirt. Syempre at pink ang nasa Tourism Dept :D Nakita ko ang aking co-students na malapit sa building namin. 

"Wow! Ang ganda mo naman Char!" sabi ni Greg. 

Sex doesn't matterWhere stories live. Discover now