Ch.14: Unselfish Love

8.2K 67 5
                                    

CHAR POV

Kumain kami ni Tine sa MCDO and tumambay kami dun ng mahigit isang oras. At sa loob ng isang oras na yun, doon ko lang naramdaman ang tunay na kasiyahan.... ang tunay na pagmamahal. Kinikilig ako sa mga sinasabi niya.. alam mo yun? Yung hindi ako naiinip. Hehe. Napagkasunduan namin na bumalik sa bahay. Ito kasing si Tine eh gusto na makipag ayos daw ako kay Josh. Jusko. Kung hindi dahil sa babaeng yun eh hindi na ako makikipag ayos kay Josh. 

Edi umalis na kami sa mcdo at pumunta na ng bahay. Ng makarating kami eh ayun na, ang linis at ang bango na ng bahay. But still, I didn't owe something to Josh kaya hindi ko pa din siya mapapatawad. 

Para sa akin eh ayoko pa din makita ang pagmumukha niya. Pesteng lalaki. Tsss -__- Naabutan namin siya na ppalabas na ng kwarto, dala-dala ang mga gamit niya. 

"Mapatawad mo sana ako Char sa lahat ng ginawa ko sa iyo.." sabi niya na halatang nagulat sa pagdating naming dalawa ni Tine. 

"Umalis ka na." I told him coldly.

Sa tuwing naaalala ko ang mga pangyayari nung gabing yun, gusto ko siyang patayin.

"Malalaman ni tita ang lahat ng ginagawa mo, na nainlove ka sa isang tomboy at----"

PAK! Sinampal ko siya...

"Stupid! haha. Alam mo ikaw? Ang lakas ng ng loob mo na pagsalitaan ako ng ganyan. To think na ginalaw mo ako, ni isang salita mula sa akin, wala ka ng narinig!! Laban ba gusto mo Josh? Hahaha. Pagibigyan kta." the last two words is so sharp.

"Laban kung laban." sabi ni Josh habang palabas na ng bahay.

Hindi ko malaman kung ano ang gusto ng lalaking yun. Tingin niya matatalo ko siya? haha. Fck. Hindi noh. Mas mabigat pa ata ang ginawa niya.

Walang mali sa pagmamahal ng isang bisexual. Bakit, tao din naman sila ha? Hindi masama ang magmahal. Kung magmahal ka man ng sarili mong uri, so be it. Walang karapatan ang ibang tao na sabihing mali ang pagmamahalang iyon. 

Hindi dapat sasabihing mali ang pagmamahal ng bi. May puso din sila, may damdamin. At para sa mga taong yun.. ang pagmamahal ay walang pinipili. Maputi man o maitim, malaki man o maliit. Lalaki man o babae, kung ano ang itinitibok ng iyong puso, iyo ang susundin mo.

Gaya lang ni Tine, mahal namin ang isa't-isa. Mahal ko siya at handa akong ipaglaban kung ano man ang meron kaming dalawa. Walang makakapagdikta kung ano ang gagawin ko, at ang nararapat kong gawin.

"Okay ka lang ba? Huwag kang mag alala ha, andito lang naman ako para sa iyo.." niyakap ako ni Tine. 

Ang sarap sa feeling, alam mo yun? Yung maramdaman yung presence niya.

"Salamat Tine, alam mo, ang swerte ko dahil dumating ka sa buhay ko. Sana wag ka ng aalis ha."

"Hindi ako aalis.. I will love you forever..."

hinahawakan niya ang kamay ko,

"... and that forever starts from the first day I say I love you.."

Namumula ako. 

Hindi ko akalain na sa isang tulad niya, eh mas mararamdaman ko ang tunay na pagmamahal.

Love that is not so selfish.

"I love you."

Niyakap niya ako ulit at niyakap ko din siya.

Hayy..

*.*

---

**rrrriiiinnnnggg**

"Teka lang ha.." sabi ko kay Tine. Kumakain kami sa kitchen nun. So nagpunta ako ng sala para sagutin ang phone. Baka si babes ang tumatawag kasi hindi ako pumasok kanina.

"Hello?"

"Char.. let's talk."

"Mom?"

...

***

To be continued. :)

Sex doesn't matterWhere stories live. Discover now