Ch.10: Anonymous Lover

10.3K 70 2
                                    

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumilipas ang mga araw na mas lalo akong naiinlove sa anonymous textmate ko. Hindi ko na alam. Gulong-gulo na ako.

Naalala ko nung nag-usap kami ni babes..

Convo:

Eh paano kung niloloko ka lang pala niya?

Okay lang.

Okay lang? Hello? Niloko ka na nga babes. Okay lang? Andiyan naman si Josh ha. Diba crush mo yun?

Mahal ko na siya. Si Josh? crush ko. Yun lang yon.

Bilib ako sayo babes. Kahit na niloloko ka lang ng textmate mo na yan okay lang sayo?

.... *speechless*


End of convo.

Hindi ko alam kung bakit ba inlove ako sa taong yun. Yung tipong hahanap-hanapin ko ang mga texts niya sa umaga at gustung-gsto ko siya na kausap ko sa gabi. Eh ang kaso lang eh hindi pa kami nagkikita.. :( Busy siya palagi eh. Hindi ko alam kung excuse niya lang yun o hindi. Para sa akin eh sincere siya sa mga sinasabi niya at satisfied na ako dun.

Sapat na muna sa akin ang tawag at texts na karaniwan naming ginagawa. Araw-araw, gabi-gabi ko siya kausap. Ang saya saya ko lang. Dun ko lang naramdaman yung feeling ng pagiging inlove.

--

JOSH POV

I had only couple of days left. Ano kaya ang magandang gawin para kay Char? May pagtingin kaya siya sa akin? Eh kasi naman lagi ko siyang naririnig na may kausap sa phone niya. Parang mas kumportable siya sa kung sino man ang kausap niya na yun.

Magtatapat na ba ako mamaya? Ano kaya? Hmm.

"Char busy ka ba later? Can we hang out tonight?"

"Sure! Why not. Basta treat mo :P"

"HAHA. baliw ka talaga. sige. mamaya lalabas tayo ha."

"Okay :P Ay! Wait.."

"Oh bakit?"

"Eh kasi male late pala ako ng uwi mamaya.. may practice kami sa role play namin para sa isang subject.. can we resked it nalang?"

"Nope! Okay lang yun. Hmm. Bbili na lang ako ng foods later tapos dito na lang tayo kumain."

"HAHA. I hope you'll always stay here para free always ang dinner ko! :D"

"May kapalit ito nuhh."

Mukhang nagbago ang mukha ni Char nung sinabi ko yun. Naging awkward tuloy bigla ng situation namin..

"Hehe. Joke lang. To naman. Ingat sa school ha?"

"Silliy you >:)) Opo."

Nag kiss lang siya sa cheeks ko. Ang bango niya. Gahd -.-

---

Sex doesn't matterWhere stories live. Discover now