SIMULA

110K 4.2K 1.4K
                                    


S I M U L A
༻─────── ·☠· ───────༺  


Sabi nila may kinakasal na tikbalang kapag umuulan pero umaaraw. Hindi ko maiwasan mapangiti habang sinisipat ang mga munting patak ng ulan na tumatama sa sinag ng araw,  buti pa ang tikbalang may forever. Tahimik na naglalakad ako sa hallway ng aking paaralan, tahimik na ang paligid at tanging ang tunog ng ulan na lang ang aking naririnig, may ilang istudenyante pa akong nakikita na nakasilong at naghihintay na tumila ang ulan.

Dumeretsyo muna ako sa locker area para iwan ang ilang libro na ginamit namin kanina para hindi mabasa kung sakaling maulanan ako.

Napahinto ang aking paa sa paghakbang nang ang tunog ng ulan ay napalitan ng munting halinghing.

'Hmmm!'

Unti-unting nanlalaki ang aking mata sa narinig, mabilis kong na inilibot ang paningin sa buong lugar. May gumagawa ata ng milagro? Ano ba 'yan wala bang pang-hotel at sa school pa talaga? Poor kid!

Napangiwi ako sa aking naisip, dahil may pagka-chismosa ako ay dahan-dahan akong naglakad papalapit sa pinaggagalingan ng mahihinang daing hanggang makarating ako sa isang bakanteng silid..

'Ahh!'

Narinig ko na naman ang ipit na ungol pero parang humihina na iyon dahilan para kumabog ang puso ko. Tapos na sila? Nilabasan na? Pumutok na?

Maingat kong isinilip ang isang mata sa pintuan na bahagyang nakabukas, mas ako pa ang kinakabahan kaysa sa mga nahuhuli ko. Kung ano-ano ng naiisip ko, baka makita ko sila sa hindi magandang posisyon.

Oh, Lord please, sana naka-damit na!

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko, malayong-malayo iyon sa aking inaasahan. Napatulala ako sa babae, kaagad kong nakilala ang kulay pulay headband niya na hindi ko makakalimutan. Si Lea 'yong babaeng nakabungguan ko noong nakaraang araw. Nakaupo siya sa sahig at nakatali ang paa't-kamay niya habang may busal ang bibig.

Ano 'yan? Roleplay?

Dumapo ang aking tingin sa isang pigura na nakatayo sa harapan niya. Naningkit ang aking mata para mas aninagin ngunit hindi ko masiyadong makita dahil nakasuot siya ng jacket na itim at nakatabing ng hood ang ulo.

Napalunok ako nang dahan-dahan siyang lumapit kay Lea, ang tunog ng kaniyang sapatos ay umalingawngaw sa buong kwarto.

Tinanggal niya ang takip sa bibig ni Lea.

"M-Maawa ka!"

Pagsusumamo ni Lea sa lalaking nasa kaniyang harapan. Unti-unti kong naisip ang nangyayari nang makita ang lalaki na sinisipat ang kutsilyong dala, animong pinag-aaralan ang talim no'n.

Hindi sila nagro-roleplay!

Gusto kong sumigaw at gusto ko siyang tulungan pero para akong napako sa kinakatayuan ko at nanginginig na rin ang aking tuhod habang nakatingin sa kanila.

Gano'n pala iyon, kahit gustong gawin ng isip mo ay iba ang ginagawa ng katawan mo.

Naglakad pa-ikot kay Lea ang lalaki habang si Lea naman ay nanginginig sa sahig at uma-atras palayo sa lalaking dahan-dahan naman lumalapit sa kaniya.

Napasinghap ako at mariin pumikit nang walang awang ibinaon ng lalaki ang hawak na patalim sa likod ni Lea.

"Huwag!" Lumabas sa aking bibig, nang makita kong mabilis niyang ginilitan niya si Lea na ngayon ay nakahiga na sa sahig at naliligo sa sariling dugo na mabilis kumalat.

Napatingin sa akin ang Killer niya, para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa takot. Nanlaki ang aking mata sa sobrang kaba, mukhang natigilan din ang lalaki dahil may nakakita sa krimen na kaniyang ginawa.

'Oh, God!'

Tama sila, kapag pakiramdam mo ay katapusan mo na ay parang biglang magpa-flashback sa'yo lahat.

Ito na ba ang katapusan ko? Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mommy at Daddy. Hindi ko pa nasasabi sa kapatid ko na ako ang kumuha ng cookies niya noong eight years old kami. Hindi ko pa nasasabi kay Mom na nilagyan ko ng kuto ang kape niya nang tinago niya ang phone ko noong highschool ako. Hindi ko pa naaamin kay Dad na ako ang kumuha ng fifty pesos dati dahil kailangan ko ng panload.

Ang buong lakas na natitira sa aking katawan ay ginamit ko, dahan-dahan akong umatras nang makita kong hindi naman gumagalaw ang lalaki sa kinakatayuan niya parang nagulat din ito nang makita ako.

Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo paalis, ang isang hakba ko ay halos dalawa na. Tumakbo ako hanggang makarating sa labas ng paaralan sa may parking lot.

Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng dibdib ko, wala ng pakielam kung nabasa ako. Ang mahalaga ay nakalayo ako.

Anong gagawin ko? Kailangan kong humingi ng tulong, baka maabutan niya ako, baka patayin niya rin ako dahil sa nakita ko.

Inilibot ko ang aking paningin para humingin ng tulong. Nanginginig pa ako nang may maramdaman akong matigas na brasong pumalupot sa aking beywang mula sa likod dahilan para mapaigtad ako.

Parang isang kislap pumasok sa isip ko lahat ng napanuod ko at tinuro sa amin sa Physical Education. Handa na akong sikuhin siya at sinapain ang kaniyang birdie nang bigla siyang magsalita.

"Wife," malambing na sabi ng baritong boses sabay halik sa aking balikat.

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses niya, nangilid ang aking luha dahil pakiramdam ko ay nakaligtas na ako sa bingit ng kamatayan. Mabilis akong humarap sa kaniya, bumungad sa aking ang namumungay niyang mata.

Ang kasintahan sa lumipas na dalawang taon, si Luther Gray.

Kaagad ko siyang niyakap at siniksik ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Nawala ang takot na nararamdaman ko lalo nang marinig ko ang tibok ng kaniyang puso animong pinapakalma ako no'n.

"H-Hubby patay na si Lea, n-nakita ko, tulungan natin siya, tumawag na tayo ng tulong baka buhay pa siya," sumbong ko sa kaniya habang naiiyak na, pinunasan niya ang basa ko ng pisngi.

"Hush, calm down. Let's go, home. Alright? Uwi na tayo para makapagpahinga ka na," sabi niya.

"Luther, totoo ang sinasabi ko!"

"I believe you, we'll tell them okay? We will inform the Police, that's their job."

Nagsalubong ang aking kilay dahil sa sinabi niya. Ini-angat ko ang paningin ko at nagtama ang mata namin. Nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa'kin nang buong pagmamahal.

'Bakit nakangiti pa siya? Hindi ba niya naiintindihan ang sinabi ko? May namatay.'

"Pero—" Hindi na niya ako pinatapos mag-salita.

"I'll protect my wife, no matter what happen. Anyway, she deserve it wife." Kibit-balikat niya.

Bumukas ang aking bibig para kontrahin siya pero nakarinig na kami ng sigawan at nagkagulo na ang ilang estudyante sa loob ng paaralan.

_________
SaviorKitty

My Boyfriend is a KillerKde žijí příběhy. Začni objevovat