“Chill bro .. hindi ako two timer .. si Venice lang ang mahal ko .. what I mean is .. I feel sorry for my bestfriend .. for Dara .. hindi ko alam na masyado pala akong naging manhid ..”

“Pareho lang kayo ..” mahinang sabi ni Iko.

“Iko .. kung mahal mo si Dara .. please take care of her .. lalayo muna ako kung yun yung mas makakabuti .. at least panatag ako dahil anjan ka naman ..”

“I will .. kahit hindi mo sabihin yan ..”

“I know .. pero favor lang .. kung pwde ligawan mo na sya .. para madali nya akong makalimutan at mas mabilis din syang maka move on .. nang sa ganon mabalik na sa normal ang lahat ..”

“Gagawin ko yan ..” sabay buntung hininga na sabi ni Iko ..

Dahil nagka sundo ang magkambal ay maluwag na para sa kanila ang harapin ang mga problema.

Kinabukasan sa School nila .. nirespeto ni Elo ang sinabi ni Dara na bigyan sya ng oras ..  kung pwede nga lang na hindi na din sya makisali sa barkada ginawa nya na  .. pero makulit si Venice .. and sure si Elo na magtatampo lang ang girlfriend nya once na hindi sya sumipot.

Pagdating sa  tambayan nila sa Garden ay nandoon na ang mga kaibigan .. pasimpleng hinanap ng mata nya ang  bestfriend. Wala ito ..

“Nasaan si Ate Dara?” tanong ni Miyu sa kanya.

Hindi nya alam ang isasagot kaya naman natahimik sya.”Wait ..  magkagalit ba kayo ni Dara?” tanong ni Venice na sa kanya nakatingin.

“Hindi.” Mahinang sagot nya at naupo na sa tabi ng girlfriend.

“Eh bakit parang nag iiwasan ata kayo?”

Nagatatakang tumingin ang lahat sa kanila ..

“Ewan. Bakit mo naman nasabi yan?” sinimulan nya ng kumain ..

“Kanina kasi I saw her .. she pass by sa harap ng room namin .. so I ask her kung nagkita kayo or magkasama .. but she just say no ..”

“Eh hindi naman talaga kami nagkita .. saka wag mo na akong tanungin sa kanya ..”

“So magkagalit nga kayo ..” napalingon sya sa  sinabi ng girlfriend.

“No ..” makahulugang tiningnan  sya ni Venice ..

Pati ang mga kaibigan nya ay nakatingin lang din ..

“Kaya ba hindi din sumabay si Dara ngayon dahil magakagalit kayo?” tanong ni Araya.

“I told you guys hindi kami magakagalit ..”

“I remember yan din ang sinagot mo three years ago nung nagkagalit kayo dahil hindi kayo nagkasundo sa movie na papanuodin nyo. Tell me Elo Baby, may hindi na naman ba kayo napagkasunduan ni Dara?”

Malapit ng maasar si Elo sa kulit ng mga kaibigan nya kakatanong sa kanila ni Dara. “Pwede ba wag nyo ng tanungin si Dara sakin!” nasabi na lang nya ..

Natahimik ang lahat .. hindi dahil sa sinabi nya kundi dahil kay Dara na nasa likod nya .. natahimik din si Dara .. nabigla sya sa sinabi ni Elo.

“Pumunta lang ako dito para ibigay ito .. yan na yung mga art materials para sa banner.” Pagkasabi ni Dara ay mabilis na syang tumalikod.

Hindi lahat sila nakapagsalita sa nangyari .. hindi man nila alam ang nangyari sa mag bestfriend ramdam naman nila ang negatibong aura ng dalawa .. parang may imaginary wall na nakaharang sa kanila .. lalo na ng dumating si Dara at marinig ang sinabi ni Elo.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon