Titik Isa

30 16 0
                                        

Sabi mo mahal tanging ako lang
Sabi mo pa ikaw at ako lang
Pero lahat pala yun lokohan
Na minsan di naging totohanan

Akala ko mahal mo 'kong sobra
At sakin lang kayang ipadama
Pero maling nagtiwala sayo
Dahil mahal mo'y di naman ako

Tinanong kita, bakit at ano?
Ang dahilan ng 'yong panloloko
Pero wala kang matinong sagot
Umalis ka, may bakas ng lungkot

At labis akong nasaktan mahal
Umaasa nalang sa maykapal
Hindi ka na sana inibig pa
Kung ganito ang sitwasyon sinta

Subalit, pero, ngunit,datapwat
Nalaman ko na ang lahat-lahat
Mayroon ka palang karamdaman
At ito ay walang kalunasan

Hinanap kita pero huli na
Nadatnan kong ikaw ay wala na
Tanging mga larawan ang nakita
Kasama ng ating mga alaala

Larawan natin na magkasama
Puno ng pag-asa maging saya
Patawad sinta. Patawarin mo.
Mali pala ang ibigin  ako.

Mali pala ang mga hinala ko
Dahil ako'y mahal mong totoo
Sana mapatawad mo 'ko mahal
Akong babae na 'yong minahal

Hearty PoemsWhere stories live. Discover now