Special Chapter from HTN

877 15 1
                                    

The old Dale is back:

Grace POV:

"Hey guys! I have a chika!"

"What was that?"

"He's back."

"Who the hell you are talking about idiot?!"

"Damn you Jessa. The old Dale is back!"

"Ww-hat? Seriously?!"

"Yes! I saw him at the gymnasium! He bullied the nerd guy! Pinagsusuntok nya to dahil nakaharang sa dinadaanan nya!"

"Gosh! We have to be aware!"

"Yeah! Yea---Oh my gosh! They're coming!"

Ilan lang yan sa mga usap usapang nadinig namin dito sa loob ng cafeteria bago tuluyang tumahimik ang paligid. Napalingon naman kami ni Cris sa mga lalakeng papasok ng canteen. Sina Dale at ang mga kaibigan nito maliban kay Adrian.

"Grace. Nakakatakot sya."

Nakayukong bulong sa akin ni Cris. Kitang kita ang takot sa lahat ng estudyanteng naririto. Maging iami ay natakot sa aura nya. They're right. The old Dale is back. Tahimik kaming yumuko at nagpatuloy sa pagkain ni Cris ng biglang..

"GET OUT!!!"

Muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko sa gulat. Yung boses nyang napakalamig. Yung aura nyang napakadilim. Yung mga mata nyang kung nakakapatay lang e madami ng humandusay sa sahig. Lahat bumalik. Patago kaming lumingon sakanya at nakita ang dalawang lalakeng may malaking salamin na nagmamadaling nag ayos ng pagkain kahit mukhang kakaupo lang nila. Nanginginig pa sila sa takot habang nag aayos. Sa sobrang taranta ng isa ay natamaan nito ang juice nyang nasa mesa at natapon sa sapatos ni Dale.

"WHAT THE HELL!!"

Sigaw nito sabay hawak sa kwelyo ng lalake. Napasinghap lahat ng estudyanteng naririto maging kami dahil alam namin ang kahihinatnan ng lalakeng ito. Kawawa naman sya.

"Ss-oorry pp-oo.. Hh-indi k-oo pp-o sin-aasad---"

"Damn clean my shoes!"

Utos nito kaya madaling kumuha ng tissue ang lalake at akmang ipupunas na sakanyang sapatos ng ilayo nya ito sakanya.

"DAMN CLEAN MY SHOES USING YOUR TONGUE!"

Nanlaki naman ang mga mata namin maging ang lalakeng nakatapon sakanya ng Juice. Nag aalinlangan pa itong gawin ang inuutos ni Dale ngunit napilitan din itong gawin ng titigan nya ito ng masama. Kitang kita ang takot at pag iyak ng lalake habang dinidilaan ang sapatos ni Dale. Nag iwas nalang kami ng tingin ni Cris dahil naaawa nakame sa lalake.

"Talagang nagbalik na sya sa dati."

Bulong sa akin ni Cris sabay buntong hininga. Maging ako ay napabuntong hininga nalang. Knowing Dale, walang makakapigil dito kahit ang mga barkada pa nya kaya hinahayaan nalang nila ito dahil alam nilang mapag iinitan din sila nito.

"Kung nandito lang si Belle..."

I utter. Alam kasi naming si Belle lang ang makakapagpatino sakanya at alam din naming nasasaktan parin sya kaya bumalik sya sa datung Dale. Hinawakan naman ni Cris ang kamay ko. Alam kong ganun din ang ipinagdadasal nya subalit hindi naman ito mangyayari. Minsan talaga ay sumasagi sa isip namin ni Cris na paano kaya kung sabihin nalang namin kay Dale ang totoo? Kung nasaan si Belle? Dahil naaawa kami sakanya pero mas naaawa kami sa kaibigan namin. Ayaw naming madagdagan pa ang sakit na nararamdaman nya.

"Wala nakong gana. Lets go."

Napalingon kami ng magsalitang muli si Dale. Hindi na ito sumisigaw hindi katulad kanina ngunit mararamdaman mo parin ang galit sa boses nito. Yung tipong maririnig mo palang eh kikilabutan kana. Bigla namang nanlaki ang mga mata namin ni Cris at sabay na napayuko ng bigla itong bumaling ng tingin sa amin. Tinging hindi namin maintindihan. Tinging parang may gusto sabihin o iparating.

HTN2: The Heiress is BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon