PROLOGUE

315K 5.9K 410
                                    

PROLOGUE

EX means Thanks for the EXperience.

Our time has EXpired.

Now EXit my life.

Kung sana gano'n lang kadali na kalimutan ang isang tao na nagkaroon ng malaking parte sa buhay mo.

Ang taong noong iwan ka ay dala pati ang puso mo.

Sana gano'n nalang kadaling magmove-on at humanap ng panibagong mamahalin.

Sana parang isang panaginip nalang ang lahat. Para sa pag gising mo, wala narin 'yung sakit at madali ka nalang makakalimot.

Sana utang nalang ang pagmamahal, para kahit sino ay magka amnesia't hindi na muling makaalala.

Sana ang puso naging computer nalang na pwedeng ireformat kapag gusto mo nang makahinga, makawala, maka get over sa sakit.

Sana sa bawat pag inom ng alak at pag ubos nito ay kasabay narin ang pagkawala ng sakit na nararamdaman mo.

Ang dali daling sabihin ng salitang move on pero bakit nga ba napakahirap gawin?

Eh bakit nga ba?

Dahil ba, mahal na mahal mo parin siya?

Dahil ba, hanggang ngayon ay umaasa ka parin na babalik siya?

Dahil ba, panatag ka na kahit kanino pa siya mapunta ay sa'yo at sa'yo parin ang destinasyon niya?

Dahil ba, lagi mong iniisip na mahal ka pa rin nya kahit na hindi naman talaga?

O kaya naman dahil tanga ka lang na umaasa na isang araw ay babalik parin siya?

Babalik parin 'yung taong ayaw na sa'yo. 'Yung taong hindi mo matanggap na sa isang iglap ay nawala nalang ng basta basta. 'Yung isang tao na sobrang minahal mo.

Sa taong ibinigay mo lahat para magwork lang ang relasyon ninyo.

Sa taong ipinangako na  mamahalin at aalagaan ka habang buhay.

Kaya mo bang pakawalan nalang lahat ng sakit na nararamdaman mo para sa isang bagong pagmamahal?

O maghihintay ka nalang sa pagbabalik niya kahit na hindi mo alam kung may pag asa pa?

The Unforgettable Ex (Campbell University Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon