Chapter 2: Isla Ingrata

122 1 0
                                    

Chapter 2: Isla Ingrata

Gwendolyn Point Of View:

"Saan kaba galing at mutik kanang maiwan?" Sermon ko sa kaniya. Buti nalang hindi pa nakakalayo ang sasakyan sa bahay ng mga Samonte. "Tinulungan ko lang naman si Manang na magbuhat ng sako nang basura tapos pagbalik ko wala na kayo." Sinundot ko ang kaniyang tagiliran. "Matulungin talaga itong si Pan." Totoo yun matulungin at Gentleman ang taong ito. "Hoy! Kayong dalawa magdadaldalan na lamang ba kayo dyan?" Napatingin kami sa Van na nakasilip pala silang lahat sa amin.."Okie Okie..Come on! Dito ka lang sa tabi ko at kung saan saan ka nagsususuot." Iginayak ko na siya papuntang Van and then umandar na ito sa muli napuno na naman ng ingay ang loob.

"Ano na kayang itsura ng Isla Ingrata?" Bulong ko sa aking katabi. "Something new.. Malalaman rin naman natin mamaya." Dinalaw ako ng antok kaya nakaidlip ako sa balikat ng aking Pan.


Nagising ako dahil sa isang halik na dumampi sa aking labi. "Nandito na tayo." Bumungad sa akin ang nakangiting si Pan ng iminulat ko ang aking mata.



Inilalayan niya ako. Ngayon ko lang napagtantong naging mas masigla ang itsura ng Isla Ingrata. "Laki ng pinagbago." Bulong sa akin ni Pan ng makitang manghang mangha ako.


May mga cottages at pools na rin itong Isla. May mga naglalakihang gusali na rin at may mga food installment pa. Tila umasenso ang Isla. "Can we first get a room. Naantok na kase ako." Sabat ni Sam na naghikab pa at pakunway parang zombie kung maglakad. Pagabi na kase ng makarating kami dito sa Isla nagkaaberya kase ang sasakyan.

Si Claire ang nagpresentang lumapit sa isang crew upang magpa-assist na binuntutan naman ni Gerald. Malaki ang Ingrata Hotel na aming tutuluyan. Naglalad lakad ako sa pasilyo. May mga nakadisplay sa bawat dingding ng mga paintings at picture ng mga kilalang tao. Mas napako ang aking mga mata sa pinakadulong bahagi ng pasilyo.

"Wow." Bulalas ko ng makita ko ang kabuuan nito. Isa itong family portrait ng isang pamilya at sa baba nito may nakaguhit na The Ingratas Legend. Anim silang nasa portrait. Dalawang matanda--Lolo at Lola na magkatabi at nakangiti. Isang ginang na nakaupo na may hawak na sanggol at sa likuran niya ay isang lalaki marahil ay ang kaniyang kabiyak at sa katabi ng ginang ay meron pang isang bata na babae na nakaupo at may hawak hawak na manika. "Gwenella Ingrata ang kasalukuyang nagpatakbo sa Isla." Napatingin ako sa taong nagsalita. "How do you know her name? Wala namang nakalagay sa portrait na ito."


"I just knew it.. Sikat siya kaya alam ko at isa pa na-meet ko na siya once."

"Siguro ang saya ng pamilya niya ano.. Kita mo nga oh! Nakangiti silang lahat." Tila pati ako napapangiti. Nakita kong tumamlay ang mukha niya. "A-anong problema,Pan?"

"Hindi naging masaya ang pamilya niya ng mawala ang kapatid nito matapos ng aksidente rito sa Isla." Napatingin lang ako sa kaniyang mata.. Hindi ko maiwasang magtaka--bakit sa tuwing nagkwekwento siya,Bakit parang alam niya ang tungkol sa mga Ingrata. "B-bakit?"


"It was a legend..Maswerte ka nga dahil kapangalan mo ang kapatid niyang nawawala--Gwendolyn." May kung ano sa loob kung piglang pumintig. Gusto ko pa sanang magtanong nang bigla kaming nilapitan nina Jemica. "Nagaaway pa kayo?" Bulong ni Pen ng magkasabay kami sa paglalakad. Umiling ako "H-hindi." Nakikita kong gusto pa akong tanungin ni Pen pero di niya ginawa dahil alam kong nauunawaan niya ako. Ayoko munang magdagdagan ang mga gumugulo sa aking isipan. Isa pa may curiosity must be alive when I heard her name--The former owner of this Isla--The Isla Ingrata. Gwenella Ingrata sino kaba talaga. Napahawak ako sa aking dibdib ng may maramdaman akong kirot sa loob nito.



Narito ako ngayon sa Ingratas Library na katabi lang ng Hotel na aming tinutuluyan. Agad akong binati ng babaeng librarian ng mapasok ako sa loob. Actually maliit lang itong Library not just like ng nakikita ko sa ibang Library. May tatlo itong bookshelves na hindi naman kataasan at ang mga libro dito ay patungkol sa Isla Ingrata.




Kinuha ko ang unang librong nakakuha ng aking pansin. "The Ingrata." Basa ko sa unang pahina.



"Gwenmeranda Ingrata." Basa ko sa unang pangalawang buklat ko. May litrato ng babaeng pansinauna ang kasuotan. At ayun dito siya ang kauna unahang nakadiscover ng Isla at around 1914-1916.





Tinignan ko muli ang mga portrait na aking nakita sa pasilyo at ngayon ko lang napansin na ang kauna-unahang litrato ay si Gwenmeranda Ingrata at sa mga sumunod na henerasyon. Sa pinakadulo bago ang portrait na nakita ko ay naroon si Gwenella Ingrata Solidad.





"Saan ka naman galing at ang aga mo umalis?" Salubong na tanong sa akin ni Claire.. "Diyan lang sa katabing Library." Sagot ko naman at tuloy tuloy sa pagpasok. "At ano naman ang ginawa roon?" Pangalawa niyang tanong. "Claire Library ang pintuhan ko.. Ano ba ang ginagawa ng isang tao sa library?" Pagtataray ko. "Iba na ang panahon ngayon Gwen! Kahit sa library ginagawa na ang Love Making.. " Masungit naman nitong tugon.



"Claire sila yun! Hindi ako.. Magkaiba ang ginawa namin sa loob ng Library dahil ako hindi ako nagpunta para sa Love Making yan.." Wika ko sa pagitan ng aking pagpapalit ng damit. "So ano nga ang ginawa roon?" Tila hindi titigil ang isang ito sa kakatanong. Hinarap ko siya gamit ang aking poker face. "Curiosity! Bigla kase akong na-curios sa mga Ingrata." Pagsasabi ko ng totoo.





"Hoy girl.. Meron kanang Aljon Reyes wag mo nang landiin si Kiro Ingrata." What! Eh hindi ko nga kilala ang Kiro na yan. "Kiro Ingrata?"





"Girl sasakmalin kana lamang ng ahas hindi mo pa alam.. Si Kiro yung poging pinsan ng kasulukuyang tagapamahala ng Isla." Aba malay ko ba sa Kiro na yan.."Hindi kase ako tumitingin sa iba.. Just like what you said meron na akong Aljon." I flipped my hair ng madaanan ko siya..





Sigaw ng sigaw si Claire na hintayin ko daw siya pero ako nagbingi-bingihan at dinadala sa tawa ang aking pagrampa papuntang pool. I just wearing my ultimate gorgeous swimwear kaya pinagtitinginan ako ng mga kalalakihang aking nadaraan..






Ang ganda ko kase.."Cake ano naman yang suot mo?" Sita sa akin ni Aljon. "Pagrerebelde ko! Baka akala mo hindi ko malilimutan ang ginawa mo kahapun..Nang dahil sayo nabuhay ang pagiging curios ko sa Gwenella na yan."





"Okay I will tell you what I know about Ingrata basta palitan mo lang yang suot mo.. Nagseselos kase ako sa mga kalalakihang kulang nalang lumuwa ang mata dahil sa suot mo." Nginitian ko siya.. "Okay." Kinindatan ko siya at bumalik sa aming silid. Sa ginawa ko kaseng pagninilaynilay sa library wala akong nakuhang impormasyon about sa sinasabing legend ni Aljon..



*********
Ano kaya ang kasaysayan ng Ingrata😉

The So Called DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon