[1]

86 16 33
                                    

***

"Last Happiness"

***

Orione's POV


Maaga akong nagising dahil ngayon ay Sabado. Kasalukuyan rin akong nagsusuklay ng buhok dahil kakatapos ko lang maligo. Nagulat nalang ako sa biglaang pagpasok ni Amber dito sa kwarto ko.

"Morning"- bati niya na nakangiti pa sa akin na may dalang lalagyan na puno ng mga sandwich. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Sinong nagsabi sayo na pumasok ka dito sa kwarto ko ng walang pahintulot mula sa akin at wala manlang niisang katok aber?"

Humahalakhak lang siya. "Sowie na oh!"- saka siya nag peace sign sa kanyang kamay. "Hinihintay na nila tayo. Let's go."

"Sus. Kung hindi lang kita Mahal."- giit ko sa kanya saka ko kinuha ang basket na may lamang mga prutas dito sa study table ko at sabay na kaming lumabas dito sa kwarto upang masiraduhan ko ang pinto.

"Buti naman at ang aga mong nagising at ako ngayon ang pinuntahan mo dito sa bahay. Anong nakain mo? I thought I will be the one to go to your house again just to wake you up." - baling ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya saka ngumiti sa akin.

Pupuntahan ko na sana ang kwarto ni mama nang marinig ko siyang nagsasalita.

"Umalis na si Tita. Nagkita at nag-usap kami bago pa siya umalis kanina. Paki-lock nalang daw ang bahay niyo kung aalis ka. Tara na!"-
This is so exciting!

Wala na akong ibang magawa pa kundi ang i-lock ang bahay namin dahil aalis naman talaga ako kasama si Amber, isa sa mga pinaka-close kong kaibigan.

Oops! hindi lang basta kaibigan kundi tinuturing ko na siyang kapatid. Kaya siguro nakapagtataka na agaran siyang pumasok sa bahay namin dahil iyan ang galawan naming magkakaibigan, ang mag 'feel at home' sa bahay ng aming mga kabarkada. Pupunta kasi kami ngayon sa lugar na napagkasunduan naming magpicnic kahapon. By the way, I am Orione Alkada.

Malayo pa man kami sa destinasyon ay rinig na rinig na namin ni Amber ang malakas na music mula sa di kalayuan. Sa katunayan ay malapit lang naman itong lugar na pagpipiknikan namin. Nasa loob lang ng subdivision na tinitirhan naming magba-barkada.

Isa kasi kaming barkada.

"Dots dots dots dots."- hiyaw ni Dhiel na napapasayaw pa ng makita niya kaming dalawa ni Amber na naglalakad papunta sa kinaroroonan nila.

"Loko ka talaga Dhiel!"- pagsigaw ni Brinna kay Dhiel habang ito ay nag-aayos ng carpet. Ibinigay naman namin ni Amber kay Brinna ang aming mga dalang pagkain nang makalapit na kami sa kanila.

"Ano na Uryun, ikaw na naman gumising nitong kay Ambeer?"- patawang dagdag ni Brinna.

"Huy! I woke up first Brinna. Don't be like that. I am trying to be a responsible girl starting today dzuh."- nagkapit-bisig pang tugon ni Amber kay Brinna.

Napatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"What's the matter here?"- giit ng Fil-Am naming kaibigan na si Terize ng makalapit ito sa gawi namin kasunod nang boyfriend niyang si Klyde Martin.

Sabihin nalang nating sa barkada namin, silang dalawa ang 'Relationship-goals'. Nakipag-apir naman siya sa aming dalawa ni Amber. Habang sinamaan ko lang ng tingin si Klyde dahil masama din ang tingin niya sa akin. Pero wag kayo, ganyan talaga kaming dalawa.

Secrets of Friendship |COMPLETED|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant