Chapter 16

96 1 2
                                    

Pambawi lang. Haha!

Nabroken-hearted ako pero okay lang. >:)

Vote or Comment. Yaay!

 ----------------------

Alyssa's POV

"Ayaaaaan! Ang ganda mo na Maggie!" Sabay harap ng salamin sa kanya.

"Aly, bakit kailangan pa mag-ayos eh pupunta lang naman tayo sa photoshoot?" Nakasimangot na tanong ni Maggie -____-

Sabado kasi ngayon at ang napag usapan nga eh sasama kami sa photoshoot ni Takehumi. Mag o-out of town kami! ^o^ Syempre, kailangan mag-ayos di ba? Eh etong si Maggie, umandar ang pagkatomboy. -___- Ayaw mag-ayos. Gulpihin ko 'to eh.

"Exactly! Pupunta tayo ng photoshoot eh kailangan magpaganda!" Ano namang mali dun?

"Eh hindi naman tayo ang pipicturan don no." -___- Nakapoker face lang siya jan.

"Eh basta kahit na! Sinaltik ka naman at ayaw mong mag ayos?"

"Eh kung ano ano kasi ang pinapasuot mo sa'kin eh. Nakakahiya." >///>

Tsss. . . Wala namang problema sa pinapasuot ko sa kanya ah. Ang cool nga eh. Hihihi! Ang totoo niyan, sinadya ko talagang pagandhin 'tong si Maggie eh. Hahaha! Para mabighani si Takehumi sa kanya. :"> Alam niyo naman. Bwhahaha!

"Hayaan mo na kasi. Maganda naman tignan eh. Halika na, kunin na natin yang curlers mo."

Kaya ayan, pinangkuha ko mga curlers sa buhok niya. Aray naman siya ng aray. Halatang di sanay 'tong si Maggie. -___- Pinangretouch ko ulit yung make up niya. Light make up lang naman. Syempre, yung babagay sa kanya. Magaling ata ako. LOL ^____^V

Syempre, nag ayos din ako ng sarili ko. Haller, di naman ako papahuli no. Haha!

"MARGAREEETTT! Anjan na mga kaibigan niyo sa labas!" Tita.

Saktong sakto lang. Tapos ko ng ayusan si Maggie nang tinawag kami ni Tita.

"Oh ano Maggie? Ready ka na? Ang ganda mo!" Nagthumbs-up pa ako sa kanya.

"Haay nako. Ikaw talaga Aly." Nagsmile naman siya nun.

"Lika na! Excited ako eh." Kinuha ko na din yung bag ko sa table. Actually malalaking bag ang dala namin. Sabi kasi niya two days daw kami dun sa lugar kung saan yung photoshoot ni Takehumi, so nagdala na kami ng damit. Alam niyo naman. ;)

So, buong weekend kami sa ibang lugar. Exciting, right? ^__^

Nagpaalam na kami kay Tita, wala si Tito dito eh. Okay lang naman sa kanila na umalis kami for two days basta kasama namin ang isa't isa ni Maggie. Di naman masyadong strict sila eh.

Lumabas na kami ni Maggie sa gate at dun ko nakita ang tatlong magaganda at mamahaling sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay.

WOW! Hindi naman sila siguro sobrang yaman no? Hindi halata eh. -___-"

Sasabay nga pala kami sa kanila since hindi kami marunong magdrive ni Maggie. Well, si Maggie lang pala kasi marunong ako pero wala akong lisensya. Baka mapano pa'ko. Duhhh.

Nakanganga pa din ako kasi nakakatulala ang mga sasakyan ng tatlong to. Sportscar daw ba ang dalhin. Pati mga kapitbahay namin, nagtitinginan eh (_ _")

"Margzz!" Nabalik lang ako sa reality. Chos! Ng may tumawag kay Maggie.

Sino pa? Eh siya lang naman ang tumatawag kay Maggie na 'Margzz'. -___- Di lang halata, baka endearment niya yun kay Maggie. Yieeee! Haha! Si Maggie na! :"">

Summer Love.Where stories live. Discover now