Chapter 9

78 1 1
                                    

A Guy's POV

Riing~~

<O.O>!

Shit!

I woke up sa alarm ng phone ko.

Papasok nga pala ako ngayong araw. Actually ito first day of school ko.

Kakarating ko lang kahapon from Korea. Umalis kasi ako ng Pinas. May kailangan lang suyuin. Tssss. 

At eto na nga kahit pagod ako, papasok pa din ako.

Nakaligo na ko at nag ayos. Bumaba na ko para kumain ng agahan.

"Oh Hijo, gising ka na pala. Good Morning. Halika na, kumain ka na." Sabi ni Nanay Rani.

Hindi ko siya tunay na Ina. Kasama ko lang siya dito sa bahay. Kasambahay ba.

Ang mga parents ko nasa Korea. Ako lang mag isa sa mansion na to.

"Good Morning din Nay." Sabi ko sa kanya.

Umupo na ko at umpisang kumain.

"Nak oh. Iced tea." Nanay Rani sabay lagay ng ice tea sa mesa.

Tssss. . . Iced tea. . . May naalala tuloy ako.

Yung babae sa Airport. Psh.

Tatanga tanga kasi ayun tuloy nabunggo ako. At ako pa ang nabuhusan ng sarili kong iced tea.

Nagulat pa nga ako nung una ko siya makita eh. Kamukha niya kasi yung pinuntahan ko sa Korea.

Maganda yung babaeng nakilala ko sa Airport. Mataray nga lang.

Edi tinarayan ko din. Psh.

Kamukha niya Ate ko. Oo, Ate ko pinuntahan ko sa Korea para suyuin.

Bakit ko siya sinuyo?

Para sa kaibigan ko. . . 

"Nak! Nanjan na kaibigan mo sa labas. Sinusundo ka na."

Naputol yung kung anong bagay na naiisip ko ng tinawag ako ni Nanay Rani.

"Si Austin po ba yan, Nay?" Tanong ko sabay tayo sa hapag kainan.

"Oo. Magd-drive ka ba papuntang school?" Tanong niya.

"Di na po. Sasabay na lang ako sa kanya." Sabi ko sabay kuha na ng bag ko.

"Mag ingat ka Nak! Wag ka makipag away ah. Highschool ka na. At saka, tigilan mo na pangbabae mo. Isusumbong talaga kay Mama at Papa mo." Haha! Si Nanay talaga.

"Hahaha! Depende. Tsaka, di ko matiis di mangchicks eh. Sa gwapo kong to? Hahaha!"

Grabi mag alala ni Nay Rani. Tigilan ko daw pangbabae ko? Di ko kaya yon.

"Ikaw talagang bata ka." Sabi ni Nay Rani sabay iling. Tsk.

"Alis na po ako." Paalam ko sa kanya.

Nakita ko sasakyan ni Austin sa labas ng bahay.

"Sean!" Tawag niya sa'kin.

"Austin! Tol!" Bati ko naman sa kanya.

Si Austin. Bestfriend ko. Parang kapatid ko na din yan. Mula pagkabata, kami lagi magkasama eh.

"Bilisan mo! Tinutunganga mo jan?!" Sabi pa niya.

Summer Love.Where stories live. Discover now